"Rubelyn's POV"
I continued reading my book. Hobby ko na ito lalo na kapag bored ako. Wala kasi sila mama sa bahay kaya mag-isa lang ako. I yawned and closed my eyes. Aish. I'm really sleepy. Pero gusto ko nang matapos ito. Malapit ko na kasing malaman kung sino ang killer. I love to read mysteries. Thriller and killings. Basta mga ganun. But I was really fascinated with mysteries.
Hindi gusto ni papa na nagbabasa ako ng mga ganito. Mas gusto nilang nasa labas ako at nakikipag-socialize sa iba. Only child kasi ako kaya ganun na lang ang kagustuhan nilang maging open ako sa lahat. Sobrang taas na ng standards nila na minsan ay nakakapagod ng abutin. Pero wala akong magagawa. I can't disobey Dad. You don't know what he is capable of. Nakakapressure minsan. Araw-araw, kailangan kong gumawa ng mga bagay na magugustuhan niya. He wants me to be the best in everything.
Once, nasanay na akong tinitingala ng mga tao. They always say I'm pretty. Nasanay na akong nasa taas. Dad was very happy with it. But then, nagbago ang lahat nang dumating ang isang tao na sumira sa akin. Nang dahil sa kanya, Dad despises even more. Walang sinasabi si mama but I knew she's disappointed. Lalo na si papa. Nawalan na kasi siya ng investors sa company dahil mas gusto pa nila yung bagong salta sa mundo ko. Siya na ang ginawang endorser ng mga produkto nila. Nalamangan niya ako. Pati mga lalaking sa akin lang nakatingin,inagaw niya. Inagaw niya sa akin ang lahat. She's the worst.***
2nd day of school. Naghanda na ako para pumasok. Medyo napaaga ata ako dahil konti pa lang ang mga dumating. Inilagay ko ang bag ko sa upuan at pumunta sa may terrace para magtingin-tingin.
Huminga ako nang malalim. Hoo. Fresh air.
"Good morning. Okay kang bang tumabi sayo? "
Tumingin ako sa kanan ko at nakita ko ang kaklase ko. Nakangiti siya sa akin. Harmless naman siya tingnan kaya tumango ako.
"Rubelyn ang pangalan mo diba? Ako nga pala si Althea, "nakangiti niyang sabi. Ngumiti lang ako nang tipid at tumingin ulit sa school grounds.
"Bat ang tahimik mo? "
I heaved a sigh. Oo nga naman. Bakit ba ako tahimik? Hindi naman ako ganito. Pero simula nang nangyari ang trahedyang iyon, naging tahimik na ako. Mapag-isa.
Isa sa mga dahilan kung bakit ako lumipat ay dahil sa pagkamatay ng papa ko. It's been years pero hindi pa rin ako makalimot. Dahil sa kanya kaya ako nagkasala. He kept on beating me then. Akala ko, kapag nagawa ko na ang gusto niya magiging masaya siya. But when he knew what I did, na heart attack siya that caused his death. Sa tuwing may magsasabing maganda at matalino ako ay nagagalit ako. They remind me of Dad. Dahil sa kagustuhan niyang manatili ako on top, he changed me. At hanggang ngayon,nagsisisi pa rin ako sa nagawa ko noon. I was in my worst state.
"Nandiyan na si Sir! " sigaw ng isa kong kaklase na kung hindi ako nagkakamali ay si Jenie Mae. Siya ang pinakamakulit sa room. Ewan, napansin ko lang.
Pumasok naman agad kami at umupo na rin. Nagsimula na agad si Sir mag-discuss. Amp. Amboring talaga nito. Dapat Grade-11 na ako ngayon, eh.
"Pwede pahiram ng ballpen? Naubos na kasi ang ballpen ko. Wala naman daw extra si Jesebel. Okay lang ba? " tanong ng seatmate ko na si Stefanie.
"Oo naman. " Binigay ko ang extra kong ballpen. Mabait naman 'yan si Stefanie. Mahinhin at talagang mahilig mag study.
Nagpatuloy lang ang klase. Wala namang magandang nangyari sa akin hanggang hapon. Nang matapos na ang paglilinis namin ay umuwi na rin agad ako."Robelyn's POV"
Ang tagal naman nilang umalis. Ako kasi ang mag-la-lock sa room ngayon. Nang makaalis na ang lahat ay pinahintay ko muna sila Care at Melody sa labas. Doon na lang daw sila maghihintay sa volleyball court. Inayos ko naman ang mga gamit ko para sana umuwi na kaso nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Tatawagin ko na sana si Care para bantayan ako kaso nawala na sila sa volleyball court. Aish. Umuwi na ba sila?
Nag-vibrate naman ang phone ko. Tiningnan ko ito at nakita kong nag send sa akin si Care ng message. Umuwi na raw si Melody dahil emergency. Sinamahan daw muna ito ni Care dahil umiiyak. Naman oh. Iniwan na talaga nila ako.
I sighed. Dahil ihing-ihi na talaga ako ay nilagay ko muna ang bag ko at pumasok sa C. R. Hindi na talaga ito makapaghintay.
Nag-ayos muna ako sa harap ng salamin sa loob ng c.r nang makarinig ako ng isanh katok. Napalingon naman ako agad sa pintuan. Sino kaya iyon?
"Teka lang, may gumagamit pa."Nagpatuloy ang pagkatok. Aish. Sino ba yan? Nakakunot ang noong binuksan ko ang pinto.
"Anong-----"
Napaatras ako ng may nagtapon sa mukha ko ng asido. Agad akong napahiyaw sa sakit. Pero bago pa man ako makalaban ay may sumaksak sa akin sa dibdib. Hindi ko na alam kung saan hahawak. Sa mukha ko ba o sa dibdib kong may umaagos na dugo. Pero bago pa man ako lamunin ng kadiliman, nakita ko pa ang nakangiti niyang mukha. Siya?!
"Someone's POV"
When I'm sure she's already dead, I dragged her body to the chair whose owner is the one I've been longing to notice me. I know this is the good idea. Mapapansin niya rin ako.
"Hahahahaha! "
This is good. Very, very good. Para ito sa kanya. Kasi kaya kong gawin kung anong hindi kaya ng iba. And of course, for that person who broke me. This is my sweet revenge.
Pinaupo ko ang katawan ni Robelyn sa upuan. Ang bigat niya, ha. Hmm... Ano kayang magandang gawin sa kanya? Ang hirap mag-isip ng kakaiba eh.
Kinuha ko ang kutsilyo sa bulsa ko at sinaksak pa siya ulit. Wala lang. Ang ganda kasing tingnan ang dugo niyang lumalabas mula sa mga sugat niya. Hinawi ko ang buhok niya at hinaplos ang napakagandang mukha niya. Sayang siya. Kaibigan ko pa namn siya noon. Kaso wala eh.
Sinimulan ko ng tanggalin ang balat niya sa mukha. Ito lang ang paraan para mas maging maganda ang kalalabasan nito. Aish. Nakakangalay pala ito.
Umupo ako sa upuang katapat ni Robelyn at tiningnan ang mukha niyang walang balat. Kitang-kita ko na ngayon ang laman niya. Hmmm..."Hindi kana maganda", malungkot kong sabi.
Tiningnan ko muna ang balat niyang hawak-hawaj ko. Ito ang balat ng buo niyang mukha. Inamoy ko ito at napangiti. Tumawa ako at napatayo na rin. Hayy... uuwi na nga ako. Nag-unay unat ako at naalala ko ang isang bagay. Her skin. Saan ko ito itatago?
Napangiti naman ako. Tamang-tama. Iniwan niya ang attache case niya. Patalon-talon akong pumunta roon at tumawa ako ng mahina. Pinagpag ko ang kamay ko at tinanggal ang gloves. Lumabas ako sa room at isinara ang pinto.Mission accomplished!!
YOU ARE READING
The 10th Of October
Mystery / Thrillerit was the 10th of october that started it all.