"Charlotte's POV"
Pagkatapos ng libing ni Zyann ay umuwi na rin agad ako kasama sina Jia, Merly Nae, at Faye. Hanggang ngayon kasi ay wala pa si Annie Joy kaya hindi namin siya kasama.
Pagdating sa bahay ay tinanong ako ni mama tungkol sa nangyari.
"Ililipat ka na namin ng school," sabi ni mama pagkatapos kong magkwento.
"Po?"
"Hindi ka ligtas sa school niyo. Alam mo naman na maraming namatay na mga kaklase niyo.
P-paano na lang kung - kung ikaw na ang susunod?" umiiyak na tanong ni mama.Lumapit naman ako sa kanya at niyakap ko si mama. Ayaw kong lumipat pero alam kong para sa ikabubuti ko ang iniisip ni mama.
"Kaye's POV"
Hindi na ako nakadalo sa libing ni Zyann dahil umalis kami papuntang Davao nila mama at papa.
Habang naroroon pa ako sa school namin, hindi ko maiwasang matakot at mangamba palagi. Paano kung ako na ang susunod? Hindi naman namin alam kung paano mag-isip ang killer, hindi namin alam kung sino na ang susunod.
And until now, hindi pa namin alam kung sino ang killer!
"Melody's POV"
Naghahanda ako ng aking mga gamit sa kwarto. Medyo makalat na kasi ako kwarto ko. Ilang araw ba naman akong wala dito. Nandoon kasi ako palagi sa bahay nila Care o kaya ay kina Robelyn. Tumutulong ako sa mga kailangang linisin sa bahay nila.
Nakita ko ang isang box kaya binuksan ko ito. Ngumiti ako ng malungkot nang makita ko ang isang picture. May tatlong babae sa picture. Lahat ay nakangiti. Lahat ay masaya.
Ako, si Care, at si Robelyn ang nasa picture. We were very happy back then. Noong mga araw na nandito pa sila. Noong mga panahon na- na buhay pa sila.
Bakit kasi iniwan nila ako agad? Bakit sila pa dalawa? Ang unfair naman. Ang unfair.... unfair.
A single tear rolled down my cheeks. Nakakainis. Nakakainis!
Sino ba kasi 'yang walang hiyang mamamatay-tao na iyan?!
Marami na siyang napatay. Marami na ang nawala. Bakit ba niya ito ginagawa? Bakit ba siya pumapatay? Ano bang problema niya?!
"Maricho's POV"
Pagkatapos ng libing ay umuwi na rin agad ako. Umulan pa ng malakas kaya natulog muna ako. Sobrang lamig kasi ng panahon kaya magandang matulog.
Nagising ako dahil sa isang malakas na kalabog. Napabangon ako kaagad at tila umikot ang mundo ko kaya bumalik ako sa pagkakahiga. I closed my eyes tightly.
Minulat ko ang aking mga mata nang dahan-dahan. Bumangon ako at umupo sa gilid ng aking kama.
Tiningnan ko ang aking phone and I was surprised to see 20 messages from Jesebel. So I called her.
"Len?"
"Cho! Pumunta ka na dito." sagot niya sa kabilang linya. Kumunot naman ang noo ko.
YOU ARE READING
The 10th Of October
Mystery / Thrillerit was the 10th of october that started it all.