She smiled.
"well, well, well. Look who's here? If isn't it my favorite girl"
F-favorite? What does she mean? I was puzzled.
She went to the door and opened it. Pumasok siya sa classroom at isinara ulit ang pinto. Kinabahan ako ng tumingin siya sa akin, para bang nababalot siya ng black aura. Kinuha niya ang kanyang kutsilyo dahilan upang mas matakot ako.
Naglakad siya paabante at umatras naman ako. Hanggang dumikit na ang likod ko sa malamig na pader. I gasped."Don't be afraid, dear," sabi niya sa akin. Anong don't be afraid?! Sino ba ang hindi matatakot sa kanya?!
"Huwag ka nang magmalinis! Ilabas mo na ngayon kung sino ka talaga!" sigaw niya sa akin. "Akala mo hindi kita kilala? Kilalang-kilala kita. We're just the same, dear."
"Anong ibig mong sabihin?" sa wakas ay nahanap ko na ang boses ko at nagtanong. She just smirked.
"Really, wala ka talagang natatandaan?" sarkastikong tanong niya. Naguguluhan na talaga ako sa mga pinagsasabi ng lunatic na ito. Iyan talaga ang resulta ng drugs.
"Ok, ipapaalala ko na lang sayo," nakangiti niyang sabi at maslumapit pa siya sa akin. Oh, no. Naging mabilis ang mga pangyayari. Inilahad niya ang kanyang kamay sa tapat ng mukha ko at saka inihipan iyon. Pumasok ang kung anong powder na nasa kamay niya sa ilong at bibig ko. Hindi ako nakailag.
Nag-iba ang pakiramdam ko. Nahihilo ako. Parang umiikot ang paligid ko. Hindi ko na nakayanan at natumba na ako. Pilit ko mang panatilihing nakabuka ang mga mata ko ngunit, hindi talaga. Ang huli ko na lang na nakita ay ang kanyang mukhang tumatawa ng mala-demonyo. Then everything went black.
******
Maya-maya'y nagising na lang ako dahil sa ingay na naririnig ko. Ang sama pa rin ng pakiramdam ko, para akong may hangover. Kikilos sana ako nang muntikan na lang akong mahulog. Habol-habol ko pa ang hininga ko dahil sa kaba.
Pinaupo niya pala ako rito sa pader ng c.r. Ang pader kasi namin sa c.r ay hindi nakaabot sa kisame.
Dahan-dahan akong bumaba upang hindi niya ako marinig. Nanonood kasi siya ng tv. Ngunit bigla na lang akong napasigaw pagharap ko sa salamin.
Iba na ang mukha ko! Mukha na ito ni Jennie Mae!
Nakita ko rin sa salamin na humarap na siya sa akin at tumalikod sa tv.
"It really fits you, though," nakangisi niyang sabi. Humarap ako sa kanya at tinanggal ang mukha ni Jennie Mae at itinapon iyon sa kanya. Yuck!! Disgusting!! Tumawa naman siya.
Sinugod ko siya upang sabunutan ngunit hindi pa lang ako nakakalapit ng husto sa kanya ay sinipa na niya ako sa may sikmura. Nabangga pa ang ulo ko sa upuan ni Ralph. Shit! Na double hit yata ako! Napahiyaw ako sa sakit.
Nakita kong lumapit siya sa akin at akmang sasaksakin na niya ako. I braced myself to whatever will happen to me. I closed my eyes and was ready to feel the pain, when....
"Hahahahaha! Huwag kang assuming na papatayin na kita. Mawawala ka lang sa tamang panahon," tawa-tawa pa niyang sabi.
"If you're going to kill me later, why not now?" I asked.
"Mukhang pang beauty queen yata iyang tanong mo, dear," nakangisi niyang sagot. "Hindi mo ba talaga ako naaalala?" tanong niya sa akin. Hindi ako kumibo.
"Well, silence means, yes," sagot niya. Tiningnan ko lang siya ng masama. At nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Natatandaan mo pa ba? Diba sa isang classroom mo rin ako inatake noon? You thought I was dead, right? Well, guess what. I'm freaking alive! At gagawin ko sa'yo ang ginawa mo sa akin. But this time, I'll make sure na mamamatay ka talaga."
YOU ARE READING
The 10th Of October
Misterio / Suspensoit was the 10th of october that started it all.