CHAPTER 8

40 2 4
                                    

"RJ's POV"

Wala na namang pasok dahil sa nangyaring krimen. Bakit ganito? Bakit lahat ng biktima ay nanggaling sa section namin? Posible kayang isa lang sa amin ang suspect?

"RJ, uuwi kana ba? " Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko sina Jasmin at Charlotte. Nakatayo lang ako rito sa terrace ng building namin.

"Oo. Pauwi na rin ako. ", sagot ko kay Jasmin. Tumango lang naman siya.

"Sige, tara sabay na tayo. ", yaya ni Charlotte. Pumayag na rin ako at nagsimula na kaming maglakad. Hanggang sa makauwi kami ay hindi pa rin nawala sa isip ko ang tungkol sa nangyari.

"Faye's POV"

"Uuwi na ba kayo? " tanong ko sa mga kaibigan ko. Dala-dala ko na ang bag ko at handa ng umalis.

"Kayo? ", balik-tanong ni Jia. Nagkibit balikat lang si Merly Nae habang nakatingin lang sa malayo si Annie Joy.

"Hoy! " siniko ni Jia si Annie Joy.

"H-ha? " nagtatakang tanong ni Annie Joy.

"Uuwi ka na raw ba? " tanong ni Jia. Tumingin kami lahat kay Annie Joy at naghihintay ng sagot.

"Oo, ahm... tara na? " Pinagkibit balikat ko na lang ang pagiging tulala ni Annie Joy. Actually, kanina ko pa siya napapansin na ganyan. May problema ba siya?

"Anjielene's POV"

"Stefanie, umiwi na tayo" sabi ko kay Stefanie. Pinapauwi na kasi ako ni Mama.

"Ah oo, sige. Pupuntahan ko muna sila Myrel." Tumakbo naman si Stefanie papunta kay Myrel na kausap pa si Merly, iyong bago naming kaklase. Kasama niya sina Jeralyn at Krizzia. Mabuti naman at medyo close na sila.

"Anjielene, una na kami. " sabi ni Mommy Erika. Yun kasi ang tawag ko sa kanya. Anak niya raw kasi kami nina Stefanie at Jinky.

"Sige, mommy bye.! " we our goodbyes until they are out of sight.

"Tara na? " humahangos na tanong ni Stefanie. Kasama na niya ngayon sina Myrel, Glyzel at Rubelyn.

"Tara" sagot ko.
Nagsimula na kaming maglakad pauwi. Nakasalubong pa namin ang mga maiingay na lalaki sa hallway. Nangibabaw sa sigawan ang boses ni Jeje. Kasama niya sina Eran, Carlo, Jesryl, Aldrin at June. Maiingay talaga sila.

"Umuwi na kayo. " utos ni Sir. Oh, ayan. Napagalitan tuloy.

"Diana's POV "

"Maricho!" tawag ni Charmine.

"Oh? "

"Wala! Hahaha! " Napapailing nalang ako habang pinakikingan ang kulitan nina Charmine at Maricho. Ewan ko ba't hindi sila magkasundo. They kept on teasing each other. But they're still friends.

"Jason! Jason! Tara na!!" sigaw ni Jesebel. Sobrang close na sila ni Jason kahit bago pa silang nagkakilala. Well, mabait naman si Jesebel kaya siguro sila nagkasundo.

The 10th Of OctoberWhere stories live. Discover now