"Rubelyn's POV"
Nang makauwi ako sa house ay nagluluto pa si mama. I immediately went to my room to change. I slumped on my bed. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa ulunan ko habang nakatitig lang sa kisame. I was thinking about what happened to Robelyn. Bakit ganun? Unang araw ko pa nga lang ay may nangyari ng ganito. Iniisip ko rin ang bago kong school at kaklase. Noon, sa school na iyon ako nag-aaral. Pero nang dumating sa buhay ko ang isang trahedya, kinailangan kong magpakalyo. Kung hindi lang dahil sa influence ni papa, baka kung saan na ako ngayon napadpad. Pero ang trahedyang iyon rin ang naging dahilan ng pakamatay ng papa. Yes. I killed him. Because of me, he died. Kaya ako nakatigil sa school.
At ngayon, nagbabalik na naman ako sa paaralang naging saksi ng aking pagkatao noon. Wala namang magagawa ang taong iyon dahil wala naman silang makukuha mula sa akin na magagamit nila laban sa akin.
"Dinner is ready." Napalingon ako sa pintuan at nakita ko ang mukha niya. Sa tuwing nakikita ko siya ay naiinis ako. Nakakainis!! Bakit kasi dito pa siya pinatira ni papa? I really really hate her.
I just stared at her and didn't utter even a single word. Masasayang lang ang effort ko kung kakausapin ko siya. She's nothing anyway.
"Tsk", I hissed as an answer. Nagkibit balikat naman siya at umalis na. Bakit kasi kailangan niya pa akong kausapin? Hindi ba niya napapansin na ayaw ko sa kanya? Though I'm only one year older, hindi pa rin kami magkasundo.
"Beverlyn's POV"
Isang araw kaming walang pasok dahil sa nangyari. Lahat ay nalungkot. Kawawa naman ang mga bago lalo na si Rubelyn. Kabago-bago niya rito pero iyon pa ang nagyari. I know shocked pa rin siya.
Balik na naman sa pasukan. Nakuha na ang bangkay ni Robelyn at naayos na ang lugar kaya pwede na raw kaming mag-aral ulit. Marami na rin ang tao sa classroom nang dumating ako. Mahahalata mo talaga ang pagiging gloomy ng lugar dahil hindi na ito maingay. Sobrang tahimik na talaga at itoy nakakapanibago.
"Good morning, section Sun."
Agad kaminh tumayo para bumati sa teacher namin."Sinong absent?", tanong ni sir. Stefanie scanned her record because she's the class monitor.
"Si Mc Carthy po.", tumango tango naman si sir. Absent si Care, bakit kaya?
Kinamusta muna kami ni sir about sa nangyari at napag-usapan na ron naman namin ang tungkol doon. Plano nga ni sir na magpa-blessing ng room.
Nagsimula na si sir magdiscuss pero nagulat na lang kami ng biglang tumayo si Melody.
"Guys, p-patay na raw si Care!", mangiyak-ngiyak na sabi ni Melody. Lahat ay nagulat. Kasabay naman noon ang pagpasok ng mama at papa ni Care. Umiiyak pa rin ang mama niya habang sinasabi ang nangyari. Patay na raw nang maabutan nila si Care sa bahay nila noong hapon na iyon kung kailan nalaman ng lahat ang pagkamatay ni Robelyn. Patuloy pa rin daw na nag-iimbestiga ang mga pulis sa bahay nila at doon ay natagpuan na ang mukha ni Robelyn. Ito ay nakalagay daw sa loob ng kanyang attache case. Kinilabutan naman ako nang marinig ko iyon. Napagpasiyahan din ng aming guro na ipagpaliban muna ang klase namin ngayon para makapunta sa lamay ni Robelyn. Lahat kami ay pumunta. Si Althea naman ang naglock sa door namin ngayon. Siya na raw kasi ang bagong tagahawak ng susi. Early bird naman siya kaya okay lang. Kasama ko naman sina Haile at Queense.
"Glyzel's POV"
Hinintay muna namin si Thea na matapos maglock. Pagkatapos ay sabay na kaming umalis nang makababa na siya.
Pagdating kina Robelyn ay marami ng tao. Umiiyak na rin ang mga kaklase kong malapit talaga niyang kaibigan. Kawawa naman siya. Masyado pa siyang bata. Tapos si Care pa. Bakit kaya nangyari iyon? Sino ba ang taong pumatay sa kanila?
Pagkalipas ng ilang oras ay bumalik na kami sa school. May dumating daw kasi na mga pulis at gusto kaming tanungin sabi ni Sir.
"Alam naman natin na kamamatay lang ng kaibigan ng biktimang si Robelyn kahapon. Nakita namin ang mukha ni Robelyn sa attache case ni Ms. Mc Carthy at may nakalagay na number 1. Sa tingin namin, nilalagyan niya ng numero ang bilang ng taong papatayin ng killer. Tulad ng naunang kaso ay nawawala rin ang balat ng mukha ni Ms. Mc Carthy. Iniisip namin na baka nandito lang din sa inyo ang balat niya. Maaari ba naming tingnan ang inyong mga gamit?", tanong ng isang police officer.
Lahat naman kami ay pumayag. Nagsimula ng maghanap at maghalungkat sa aming mga gamit ang apat ng pulis. Lahat kami ngayon ay natatakot at naguguluhan. Pero labis na lang ang pagkagulat namin na ang mukha ni Care ay nasa bag ni Beverlyn!
We all gasped in disbelief. Hindi namin iyon inaasahan. Pero alam kong mas nagulat si Beverlyn. Nagsimula na ang mga bulung-bulungan."Siya? Siya kaya ang pumatay kay Care?"
"Ano? Pero diba magkaibigan sila?"
"Oo nga eh. Wala naman sa mukha niya ang kayang gumawa nun. Oh well, looks can be decieving nga naman."
Nangingilid ang luhang umiiling-iling si Beverlyn.
"H-hindi ako....h-hindi..." sabi niya.
"Maari ka ba naming makausap sa labas?" tanong ni SPO1 Ricardo Dalisay. Hesitantly, Beverlyn followed behind. Shocked pa rin kami sa pangyayari. Holy cow! Ang intense.
"Hindi kaya na set-up lang siya? What if sa pag-iisip niyo na siya ang killer ay siya na pala ang susunod na victim? Can't you see? Ang mukha ni Robelyn ay nakita sa attache case ni Care at namatay din si Care. Tapos ngayon, nakita naman ang kay Care sa gamit ni Beverlyn. Kung siya talaga ang killer,bakit niya itatago ang isang ebidensya na pwedeng gamitin laban sa kanya sa loob mismo ng kanyang bag?" Natahimik ang lahat dahil sa biglang pag-imik ng number one nerd sa klase namin na si Diana. Napakatahimik niya at mahiyain kaya minsan mo lang maririnig ang boses niya.
Pero oo nga...Bakit nga ba? May point siya,ah. Hayy...This is getting complicated. Stress much!
YOU ARE READING
The 10th Of October
Mystery / Thrillerit was the 10th of october that started it all.