CHAPTER 4

52 5 2
                                    

                  "Care's POV"

        Nakakalungkot pa ring isipin anh nangyari kay Robelyn. Kung hindi ko siya iniwan, baka buhay pa siya ngayon. Nakakaguilty. Pero ang tanong, sino? Sino ang may kayang gawin sa kanya ang bagay na to?
        Nasuspinde ang klase sa section namin dahil na rin sa nangyari. Agad naman kaming umuwi. Kasama ko si Melody. Napag-usapan na naming pumunta sa bahay nila Robelyn mamaya. Baka may maitulong kami.
        Pagdating ko sa bahay ay wala pa si mama. Namalengke raw sabi ng kapitbahay namin. Dahil may suai naman ako, nakapasok ako agad. Sumalampak ako ng upo at nagbuntong-hininga.
        Pumunta ako sa kwarto para makapagbihis. Pagkatapos mag-ayos, bumaba ako para sana sagutan na ang mga assignments ko noong nakaraang araw.
        "Teka, saan ko ba nailagay ang notebook ko? " Tiningnan ko ang bag ko pero wala roon.
        "Aish. Nasaan na ba 'yun? "Napalingon ako sa pintuan nang bigla na lang itong nagsara. Napakunot-noo ako.
        I shrugged my shoulders. Baka dahil lang sa hangin. Patuloy pa rin ako sa paghahanap ng notebook ko. Nang makita ko sa tabi ng bag ko ang attache case ko, kinuha ko ito at binuksan.
        "Bakit ang baho? "mahinang tanong ko.
        "Aaaaaahhhhhh!!!!!! "  Natapon ko sa gulat ang attache case ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpawisan ako ng malamig. Nanginginig akong tumayo at humakbang paatras habang nakatutok pa rin ang mata ko sa balat ng isang mukha. It was Robelyn's skin!
        Papaanong napunta iyan sa akin?
        "Nakita mo na pala."
       
         I went rigid when I heard a scary voice behind me. I know that voice! Pero bakit?
        Bago pa man ako makalingon para tingnan siya ay sinaksak na niya ako sa likod. I was about to shout for help when the intruder gripped my hair tightly and covered my mouth with a cloth.
        Everything went black.

              "Someone's POV"

        Ang hina naman nito. Bakit kaya niya iniwang bukas ang pintuan? Tsk. Tsk. Tsk.
        Pinaupo ko ulit siya sa upuan at nilagyan ng tape ang bibig. Ayaw ko kasi sa maiingay. It's annoying.
        Tinali ko ang paa at kamay ni Care sa likod ng upuan. Kinuha ko naman ang kutsilyo sa bulsa ko pagkatapos. Pumunta ako sa kusina nila at hinugasan muna ang kutsilyo ko. Pagbalik ko ay gising na siya. Her eyes widened in surprise but I just raises a brow.
        "Oh? Bakit parang gulat na gulat?" Patuloy siya sa pagpupumiglas at pagsigaw pero hindi naman nila maririnig ang sigaw niya.
        "Hmmp.... Hmmmp... "
        Sinaksak ko siya sa balikat. She moaned in pain. Sinaksak ko rin ang tiyan niya at ang paa niya. Hanngang sa kahit saan na ako sumasaksak. Gustung-gusto ko kasing nakikita ang umiiyak niyang mukha. Ang huli kong sinaksak ay ang leeg niya. Hindi na siya tuminag.
        "Hoy! Hoy! Aish! "
        Patay na agad siya? Nag-eenjoy pa akong saksakin siya,eh.Ang boring naman nito.
        Sinimulan ko na lang tanggalin ang balat niya sa mukha. Pagkatapos ay nikagyan ko ito ng number 2 gamit ang kutsilyo. Hmmm.... Oh ayan.
        Tumawa ako nang tumawa. Tumayo ako at nag-flying kiss oa sa kanya bago umalis. Aish. Bakit hindi siya gumanti? Binalikan ko siya at sinaksak pa ulit sa tiyan. Lumabas baman ang dugo niya sa bibig. Hmmp.

Lumabas na ako agad at nagtago sa isang puno nang makita ko ang mama ni Care na papasok na sa bahay. I put her skin inside my bag and then I went home. Maya-maya ay narinig ko na ang napakalakas na sigaw ng mama ni Care.
2 down. Hmmm... Almost there.
I laughed wickedly and I started to get home.

"Rubelyn's POV"

     "Oh, bakit nandito ka pa?", tanong ni guard. Aish.

     "I forgot something", I answered.

Kumunot lang ang noo ng guard but he still let me in. Alam kong nagdududa siya sa akin. Oh, well. Gabi na nga rin naman pero kasi may nakalimutan ako sa room namin.

Dumiretso na ako sa room at kinuha ang kailangan ko. Naiwan ko kasi ang kutsilyo ko sa maliit na bag na nasa ilalim ng upuan ko. Ang bag na ito ay lalagyan ko ng mga aklat. Restricted area pa ang room namin pero pumasok pa rin ako. Hindi naman alam ng guard na dito ako pupunta. It's his fault, he didn't ask.

Kailangan kong makuha ang kutsilyong iyon dahil baka may makakuha nito. I always bring this knife dahil... trip ko lang. Pero kanina ay ginamit ko ito.

It's important to me. Kay dad iyon at kinuha ko. Yes. I stole it.

Nang makuha ko na ang kutsilyo ay binulsa ko ito at naglakad na paalis.

The 10th Of OctoberWhere stories live. Discover now