Sinamahan ko ang mama niya papunta sa morgue. She's been crying terribly mula nang makarating siya. I want to cry, too, pero mugto na ang mga mata ko kakaiyak. Wala na nga siguro akong luhang mailalabas pa.
Dead on the spot silang dalawa. Huli na nang mabaril ni SPO1 Ricardo Dalisay si Althea dahil napatay na niya ang kapatid ko.
Oo, naging mamamatay tao si Ate Rubelyn noon, pero nagbago na siya. Oo, naging biktima ni ate si Donna/Althea noon kaya naghiganti ang walanghiyang babaeng iyon.
Napakatanga ko! Ang tanga-tanga ko. Dapat hindi ko siya iniwan. Eh di sana hindi siya pinasok ni Althea. Sana hindi siya namatay.
It's all my fault!!
Umiiyak pa rin ang stepmother ko nang makapasok na kami sa morgue. Nangilid na rin ang mga luha ko.
"A-anak... "
Nanginginig ang mga kamay niya nang akmang hahawakan ang puting telang nakabalot sa buong katawan ng kapatid ko. Pero bago pa man niya ito mahila, tumalikod na siya at tumakbo palabas.
She's hurting. She's badly hurting.
Tuloy-tuloy na umagos ang mga luha ko. Agad ko naman itong pinunasan.
Ang sakit. Ang sakit... sakit.
Kahit na ayaw niya sa akin... kahit galit siya sa akin, mahal ko pa rin siya. Kapatid ko siya eh.
And I promised to Dad na babantayan ko ang ate ko. Pero naging pabaya ako!
I'm sorry, dad. I failed you.
Nanginginig ang mga kamay ko nang dahan-dahan kong hinila ang puting tela na nakabalot sa kanya.
Then I gasped.
Umurong yata ang luha ko at nagulantang sa aking nakita. Tila nawala ako sa aking sarili kaya mabilis akong pumunta sa isa pang bangkay doon.
Kay Althea.
Agad kong hinila ang tela at nanlaki ang aking mga mata. Nanginig ang buo kong katawan ako'y namutla. I let out a shriek.
"AAHHHHHHH!!!!!! " I screamed at the top of my lungs.
Where are their faces???!
YOU ARE READING
The 10th Of October
Misterio / Suspensoit was the 10th of october that started it all.