Clyde's POV
Habang sinusuri ng bagong dating na doktor na galing pa sa karatig nilang lupain ay matamang nakatingin lang si prinsepe Clyde.
Ano ang ang kalagayan ng aking ama dokto? tanong ni prinsepe Clyde.
Lalong nanghihina ang mahal na haring Cloyd mahal na prinsipe at sa tulad ng mga naunang sumuri sa kamahalan ay hindi ko rin matukoy ang kanyang sakit paumanhin kamahalan tugon ng doktor.
Matapos masuri ang hari ay agad din na nagpaalam ang doktor sa palasyo. Mayamaya ay dumating si Theus ang matalik na kaibigan ni prinsepe Clyde at siya ring kanyang alagad.
Anong balita sa labas ng palasyo?bungad na katanungan ng prinsepe kay Theus.
Masamang balita prinsepe Clyde mas lalong lumala ang sitwasyon sa labas halos wala ng makain ang mga tao at ang iba naman ay natututo nang magnakaw para lamang may makain ani ni Theus.
Sandaling natahimik ang prinsepe sa tinuran ng alagad.
Abisuhan mo ang bawat pinuno na maglabas ng pagkain sa kamalig at ipamahagi sa labas ng palasyo ng sa gayon ay maibsan kahit paano ang krisis na nararanasan ng ating lupain utos ni prinsipe Clyde kay Theus.
Masusunod kamahalan wika ni Theus.
Agad namang tumalima si theus sa utos ng prinsepe.
BINABASA MO ANG
HIRVANA
FantasyMagmula ng magkaroon ng mahiwagang sakit ang haring Cloyd ay unti-unti din na nalulugmok sa kahirapan ang lupain ng Sinnai na siyang nasasakupan ng hari. Walang makatukoy sa tunay na karamdaman ng hari kahit na ang mga doktor ng palasyo ay walang ma...