Sa isang maliit na bayan na karatig lupain ng sinnai napadpad si Atara. Kaslukuyang nasa isang pamilihan ang babae.
"Ginang, maaari po bang magtanong anong lugar po ito?" tanong ni Atara sa isang ginang.
"Ito ang bayan ng laya." wika ng ginang.
"Malapit na po ba ito sa lupain ng sinnai? tanong ni ulit ni Atara sa ginang.
"Medyo malapit na iha kaya lang ay sasakay ka pa ng bangka para makarating sa bayan ng sinnai." wika ng ginang.
"Sige po maraming salamat." pasasalamat ni Atara sa ginang.
Agad na hinanap ni Atara ang sakayan ng bangkang papunta ng sinnai.
Samantala si Xhanara naman ay nakarating na sa pamilihang bayan ng sarhaya. Matapos kasi nilang magkahiwalay ng kanyang guiah atara para makatakas sa kamay ni Gallion. Hindi niya alam kung saan siya tutungo at wala siyang ideya kung nakatakas din ba ang kanyang guiah sa mga humahabol sa kanila pero naalala niya ang sinabi ng kanyang guiah atara na kung makalayo man siya sa kamay ni Gallion ay hanapin niya sa lupain ng sinnai ang nagngangalang Farrah.
"Ginoo maaari po bang malaman kung saan ang sakayan patungong sinnai? tanong ng dalaga sa isang mama na may kargang mga gulay.
"Walang masasakyang diretso sa lupain ng sinnai ineng kailangan mong sumakay ng bangka papuntang bayan ng laya mayroong naghahatid papuntang bayan ng sinnai maliban na lamang kung ikaw ay may kabayong sasakyan." sagot ng ginoo.
"Ganon po ba, eh saan banda ang sakayan patungong laya?" tanong ulit ng dalaga sa kausap.
"Doon ineng doon ang sakayan." turo ng ginoo.
"Maraming Salamat po tanggapin niyo po ito." pasasalamat ni Xhanara sabay abot ng isang piraso ng ginto.
"Walang anuman ineng sana ay hindi ka na nag-abala." wika ng ginoo.
"Ayos lang po iyon ginoo tanggapin nyo na po iyan makakatulong po iyan sa pamilya nyo." wika ni Xhanara
"Maraming salamat ineng bukod sa maganda ka na napakabait mo pa." sabi ng ginoo.
"Sige po aalis na po ako." paalam ng dalaga.
"Mag-iingat ka ineng."
Nakita naman agad ni Xhanara ang sakayan patungo sa bayan ng laya kaya agad din siyang sumakay sa papaalis na bangka.
BINABASA MO ANG
HIRVANA
FantasyMagmula ng magkaroon ng mahiwagang sakit ang haring Cloyd ay unti-unti din na nalulugmok sa kahirapan ang lupain ng Sinnai na siyang nasasakupan ng hari. Walang makatukoy sa tunay na karamdaman ng hari kahit na ang mga doktor ng palasyo ay walang ma...