Sa palasyo habang sinusuri ni tata miong ang mahal na hari ay matamang nakamasid lang si prinsepe Clyde. Bakas sa mukha ni tata miong ang hindi maipaliwanag na reaksyon. Nang matapos ang ilang oras na pagsusuri.
"Nalaman nito ba kung ano ang tunay na karamdaman ng aking ama?" bungad na tanong ng hari kay tata miong.
"Tatapatin kita kamahalan kakaiba ang sakit ng mahal na hari." wika ni tata miong.
"Wala ba kayong iba pang magagawa?" tanong ulit ng prinsepe.
"May alam akong kahit paanong panglunas para maibsan ang patuloy na pagbagsak ng katawan ng hari ngunit ito ay mangagaling pa sa lupain ng Sarhaya." sagot naman ni tata miong.
"Kung iyon ay makakabuti kay ama ay ayos lang." wika ng prinsepe.
"Hayaan mo papupuntahin ko agad ang apo ko para makahingi ng gamot." sabi ni tata miong.
"Maraming salamat kung ganoon tata miong." hinging pasasalamat ng prinsepe.
BINABASA MO ANG
HIRVANA
FantasyMagmula ng magkaroon ng mahiwagang sakit ang haring Cloyd ay unti-unti din na nalulugmok sa kahirapan ang lupain ng Sinnai na siyang nasasakupan ng hari. Walang makatukoy sa tunay na karamdaman ng hari kahit na ang mga doktor ng palasyo ay walang ma...