XIII

16 0 1
                                    

Kinabukasan maaga pa lang ang nagtungo na si tata miong sa palasyo ipinatawag kasi siya ni prinsepe Clyde dahil sa nawalan na ng bisa ang panglunas.

"Anong nangyari?" bungad na tanong ni tata miong.

"Nawalan na ng epekto ang panglunas na ibinigay niyo tata miong sa aking amang hari." wika ni Prinsepe Clyde.

"Sadyang panandalian lamang talaga ang epekto ng panglunas na ibinigay ko mahal na prinsepe." wika tata miong.

"Anong kailangan nating gawin? tanong ni prinsepe Clyde sa matanda.

"Binisita ko ang kaibigan ko at napag-usapan namin ang kalagayan ng hari at inabisuhan niya akong sumangguni sa isang babaylan para malaman ang tunay na lagay ng hari." wika ni tata miong.

"Kung ganon may kilala ba kayong babaylan?" tanong ng prinsepe.

"Meron akong kilala ngunit tanging sa panglunas siya eksperto. Yung kaibigan kong nagsabi naman na sumangguni tayo sa isang babaylan ay dating babaylan." wika ni tata miong.

"Kung ganon matutulungan niya tayo." may pag-asang wika ng prinsepe.

"Ikinalulungkot kong sabihin ito kamahalan ngunit hindi niya tayo maaaring tulungan sapagkat labag sa kanyang sinumpaan ang paggamit sa kanyang kakayahan bilang dating babaylan." malungkot na wika ni tata miong.

"Pero paano ang hari at lalong-lalo na ang ang lupain ng sinnai? kailangang gumaling si ama." sabi ng prinsepe.

"Maaari kitang samahan sa kanyang tinitirhan baka sakaling mabago mo ang kanyang desisyon." wika ni tata miong.

"Kung ganon ay samahan niyo ako sa kanya." wika ng prinsepe.

Sinamahan nga ni tata miong ang prinsepe sa tinitirhan ni Farrah. Samantala nakarating na si Xhanara sa bayan ng sinnai ngunit tulad ng bumungad kay Atara ganoon din ant sitwasyong naabutan ng dalaga. Sa lugar naman ni Atara ay pilit niyang inaalala ang daan patungo sa tirahan ni Farrah.

"Saan nga ba iyon? pilit na alala ni Atara sa daan papuntang bahay ni Farrah.

Sa sobrang pagiisip ng dalaga ay may nabunggo siyang tao at dahilan ng kanilang pagkakasadsad sa lupa.

"Aray!" wika ni Atara habang nagpapagpag ng sarili.

"Pasensya na binibibi" hinging paumanhin ng lalaking nakabunggo kay Atara.

"Ah ayos lang pasensya na rin ginoo hindi kasi ako tumitingin sa aking nilalakaran." hinging paumanhin din ng dalaga.

"Ah ayos lang din naman nagmamadali lang kasi ako. Paano mauna na ako." wika ng lalaki.

Paalis na sana ang ginoo ng pigilin ito ng dalaga.

"Sandali lang ginoo taga dito ka ba sa sinnai? " tanong ni Atara.

"Dito ako isinilang bakit binibini?" tanong ng lalaki.

"Kung ganon may kilala ka bang Farrah? hinahanap ko kasi ang kanyang bahay matagal na rin kasi mula ng dalawin ko siya kaya hindi ko na maalala ang daan papunta sa tirahan niya." sabi ni Atara.

"Farrah!? yung dating babaylan ba ang tinutukoy mo?" wika ng ginoo.

"Siya nga alam mo ba kung saan siya nakatira?" wika ni Atara.

"Ah oo yung unang eskenita sa pangatlong bahay doon nakatira sa Farrah." wika ng ginoo.

"Maraming Salamat sa impormasyon ginoo." pasasalamat ni Atara.

"Walang anuman binibini sige mauna na ako." paalam ng ginoo at saka nagmadaling lumisan.

Tinahak nga ni Atara ang sinabing daan ng nakabungguang lalaki. Nang makita ang bahay ni Farrah ay agad siyang kumatok sa pinto at agad din namang pinagbukasan ng taong hinahanap.

"Atara!?ikaw nga! Bakit ka naparito?" gulat na tanong ni Farrah.

"Ako nga ito Farrah; kailangan ko ng tulong mo." sabi ni Atara.

"Anong tulong ang kailangan mo?" tanong naman ni Farrah.

"Maaari bang dumito muna ako hanggang sa dumating ang alaga ko." wika naman ni Farrah.

"Oo naman pero bakit hindi kayo sabay na dumating ng alaga mo?" nagtatakang tanong ni Farrah.

"Kuwan kasi nagkahiwalay kami nung tumakas kami kay haring Gallion." wika ni Atara.

"Tumakas kayo bakit nyo naman ginawa ang bagay na iyon." gulat na tanong ni Farrah.

"Mahabang kwento Farrah eh saka ko na ipapaliwanag sayo ang lahat." wika ni Atara.

"Atara alam mong kaibigan kita at ganon din ako sayo kaya kahit gaano pa kahaba yang kwento mo tungkol sa pagtakas niyo mapagkakatiwalaan mo ako." wika ni Farrah.

"Alam mo ba ang alamat tungkol sa mga diwani?"tanong ni Atara kay Farrah.

"Oo naman lumang alamat na ang tungkol sa mga diwani." wika ni Farrah.

"Sabi ng napayapa kong lolo na bago lisanin ng mga diwani ang kalupaan ay may iniwan silang magpapaalala sa kanila." wika ni Atara.

"Ano naman ang bagay na iyon?" tanong ni Farrah.

"H-hindi ko alam kung ano iyon at saka kwento lang iyon ng lolo ko." sagot ni Atara.

"Oh ano naman ang kinalaman ng pagtakas mo sa hari ng hiryo?" naguguluhang sabi ni Farrah.

"Nalaman kasi ni haring Gallion na may alam si lolo sa bagay na iyon at dahil ulila ako at si lolo nagpalaki sa akin kaya iniisip nilang sa akin sinabi ni lolo kung ano ang bagay na iyon bago siya mamatay." wika ni Atara.

"Eh bakit nadamay yung alaga mo sa pagtakas mo?" tanong ulit ni Farrah.

"Nasabi ko na ang dahilan Farrah natural alaga ko si Xhanara at hinabilin din siya sa akin ni lolo na alagaan ko siya." may inis na wika ni Atara kay Farrah dahil sa dami nitong tanong.

"O siya sige na hindi na ako magtatanong hanggang ngayon ay madali pa ring uminit ang ulo mo." wika ni Farrah.

Nang matapos mag-usap ng dalawa ay may dumating na bisita si Farrah.

HIRVANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon