III

20 1 0
                                    

Lumipas ang ilang araw naibsan man ng prinsepe ang problema sa pagkain sa kanyang nasasakupan ay hindi pa rin ito naging sapat para tuluyang maiahon sa krisis ang kaharian at ang mahal na hari naman ay hindi parin malaman ang tunay na kondisyon.
Samantala nasa labas naman ng palasyo si prinsepe Clyde kasama si Theus para maglibot-libot.

"Mabuti kahit paano ay nalunasan ang krisis sa pagkain" wika ni Theus.

"Buti nga kahit paano ay nasolusyunan ang problemang yon mas pagtutuunan ko ngayon ng pansin ang kalagayan ni ama" tugon naman ni prinsepe Clyde.

Kasalukuyang naglilibot ang dalawang binata nang mapansin nila ang mga taong naguumpukan.

"Anong meron doon?" tanong ni Theus.

"Hindi ko alam ang mabuti pa tignan natin kung anong meron doon" saad ni prinsepe Clyde.

Nang makalapit sa pinguumpukan ng mga tao ang dalawa bumungad sa kanila ang isang matandang ermitanyo.

"Maniwala kayo sa akin nakakita ako ng isang diwani" sabi ng matandang ermitanyo.

"Tanda lumang kwento na yan wala nang diwani na naninirahan dito." wika ng isang ale.

"Nagkakamali ka may natira pang diwani dito sa ating lupain." wika ulit ng matandang ermitanyo.

"Kung totoo ang sinasabi mo nasaan ang diwani?" wika naman ng isa pang usisero.

"Bigyan nyo muna ako ng pagkain at salapi at sasabihin ko sa inyo kung nasaan sila" pahayag ng matandang ermitanyo.

Nang biglang may sumigaw na isang babae.

"Tatang!!!!!!!!!!" sigaw ng babae.

Nang makalapit sa kinaroroonan ng matanda ang babae. Agad na humingi ng pasensya ang babae sa abala sa mga usisero.

"Ah pagpasensyahan niyo na po itong lolo ko masyado po kasing nagpapaniwala ito sa mga alamat kaya kung ano ano ang mga kinukwento pasensya na po." hinging paumanhin ng babae sa mga tao.

"Tata Miong ano nanaman ba ang mga pinagsasabi niyo sa kanila umuwi na nga tayo may magpapagamot na naghihintay sa inyo sa bahay." wika ng babae.

Nakaalis na ang mga usisero ay nanatili pa rin si prisepe Clyde sa kiaroroonan ng matanda at ng apo nito.

"Totoo po bang nanggagamot kayo?" tanong ng prinsipe sa matanda.

"Albularyo si tata Miong ginoo kaya naman marunong siyang manggamot." sagot ng babaeng apo ng ermitanyo.

"Kung ganon kaya niyo bang gamutin ang mahal na hari?" tanong naman ni Theus

"Mga tauhan ba kayo ng palasyo?" tanong ng apong babae ng ermitanyo.

"Paumanhin binibini hindi kami pwedeng magbigay ng impormasyon tungkol sa aming pagkakakilanlan." wika ni Theus sa dalaga.

"Kaya niyo bang tukuyin ang sakit ng mahal na hari?" tanong ni prinsipe Clyde.

"Kung ako'y papahintulutan ay maaari kong suriin ang mahal na hari." saad ng matandang ermitanyo.

"Kung ganon pinahihintulutan ko kayo na suriin ang aking amang hari." sabi ni prinsepe Clyde.

"I-ikaw ang mahal na prinsipe?"gulat na saad ng dalaga.

"Isang karangalan kamahalan." wika ni tata Miong.

"Ipasusundo ko nalang kayo sa alagad kong si Theus.

Matapos ng pag-uusap ay nagpaalam na sila sa isa't-isa.

HIRVANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon