Ang sarhaya ay isang maliit na lupain kung saan naninirahan ang mga babaylan. Magkakalapit ang mga bahay sa sarhaya kaya agad silang nakakapunta kapag may nangangailangan ng tulong. Isa na doon si Nea. Sa bahay ni Nea ay naroon ang isang dalaga na kakagising lang myla sa mahimbing na pagkakatulog
"Mabuti ay gising ka na iha?" masayang bungad ni Nea sa dalaga.
"Nasaan ako at sino kayo?" tanong ng dalaga.
"Ako si Nea at siya naman ang anak kong si Maya siya ang nagdala sayo dito nung makita ka niya sa pampang ng walang malay at nandito ka ngayon sa lupain ng Sarhaya." saad ni Nea.
"Marami pong salamat kung ganon" pasasalamat ng dalaga.
"Anong pangalan mo iha?; saan ka nakatira at anong nangyari sayo?" tanong ni Nea sa dalaga.
"Ang pangalan ko po ay Xhanara galing po ako sa lupain ng h- ...... ng sicily yung nangyari naman sa akin malakas kasi ang ulan non kaya hindi ko napansin na sa bangin na pala ang tinatakak ko." sagot ni Xhanara.
"Ganon ba mabuti nalang at wala malalang nangyari sa pagkakahulog moat wla rin anumang sugat at galos na natamo." saad ni Neah.
"Ah oo nga po eh." tugon ni Xhanara.
Mayamaya'y may kumakatok sa bahay ni Nea agad naman itong pinapasok ni Maya.
"Madam Nea! Madam Nea!" wika ng isang dalagita.
"Bakit ka humahangos?" tanong ni Nea sa dalagita.
"Eh kasi po pinapatawag po kayo ni Madam Rio magtungo daw po kayo sa kanyang bahay." wika ng dalagita.
"O sige salamat sa pagpunta." wika ni Nea.
Agad namang nagpaalam ang dalagita at nang makaalis ang dalagita.....
"Halika Xhanara sumama ka sa akin at ng makilala mo si Madam Rio." aya ni Nea sa dalaga.
"Sige po ng makapagpasalamat din po ako sa kanya." sabi ni Xhnara sa babae.
"Maya ikaw muna ang bahala dito sa bahay sasaglit lang kami sa bahay ni madam rio" paalam ni Nea sa anak.
"Sige po inay." sagot ni Maya.
Agad naman na nagtungo sina Nea at Xhanara sa bahay ni Madam Rio at nang sila ay makarating nadatnan nila ang isang may edad ng babae at isang dalaga.
"Mabuti naman at narito ka na Nea siya si Kyrah apo ni Miong." pakilala ng madam kay Nea.
"Ah natatandaan ko siya madam siya yung laging kumukuha ng gamot." wika ni Nea
"Siya nga." wika ng madam ngunit nabaling ang atensyon ng madam kay Xhanara.
"Siya ba yung dalagang walang malay sa pampang? tanong ni madam Rio kay Nea.
"Ah siya nga po Madam; Siya po si Xhanara; at Xhanara siya naman si Madam Rio siya ang namumuno dito sa lugar namin." pagpapakilala ni Nea sa dalawa.
"Ikinagagalak ko po kayong makilala madam Rio at salamat sa pagpapatuloy niyo sa akin dito " hinging pasasalamat ni Xhanara.
"Bukas ang pinto namin para sa mga nangangailangan iha at ikinagaglak din kitang makilala." wika ni madam Rio
"Madam, bakit niyo po ako ipinatawag? tanong ni Nea kay madam Rio.
"Ah oo nga pala may hinihingi kasing gamot si Miong sa akin kailangan ng dalawang taong dadasalan nadasalan ko na ito kaya isang dasal na lang ang kailangan maaari mo bang gawin iyon." wika ng madam.
"Oo naman po madam akin na po at ng madasalan ko na sa museleyo." sabi ni Nea.
Inabot naman ito ng Madam at nang makuha ni Nea ang gamot ay agad din siyang nagpaalam kay Madam Rio para magtungo sa museleyo sumama sa kanya si Kyra. Naiwan si Xhanara at Madam Rio na matamang tinititigan ang dalaga kaya naman sa tuwing magtatama ang mata nila ng madam ay napapaiwas ang dalaga.
"Saang lupain ka nanggaling iha?" basag ng madam sa katahimikan nilang dalawa.
"Sa lupain ng sicily madam" may kabang sagot ng dalaga.
"Anong nangyari at nahulog ka sa bangin?" tanong ulit ng madam sa dalaga.
"Masungit kasi ang panahon at kalaliman pa ng gabi hindi ko kasi nakita na may bangin ka nahulog ako." sagot ng dalaga.
"Huwag ka sanang mabibigla iha naniniwala ako sa dahilan ng pagkapadpad mo dito sa sarhaya pero sa kung saan kang lupain nanggaling ay hindi ako kumbinsido." wika ni madam Rio.
"Paumanhin kung nagsinungaling ako sa inyo" hinging paumanhin ng dalaga.
"Naiintindihan kita iha hindi na kita pipiliting sabihin kung saan ka lupain nanggaling dahil alam ko namang isa kang mabuting tao." wika ng madam.
"Maraming salamat madam tatanawin kong isang malaking utang na loob ang pagtanggap niyo sa akin dito sa inyong lupain." wika ni Xhanara.
"Walang anuman iha manatili ka dito hanggang gusto ang pagkupkop sayo ay isang malaking karangalan." wika ni Madam Rio.
"Salamat ng marami madam gustuhin ko mang manatili ngunit kailangan ko pang hanapin ang aking guiah atara. Nawa'y pagpalain kayo at ang inyong lupain ng bathala." sabi ni Xhanara.
"Kung ganon hangad kong magkita kayo ng iyong guiah at sana ay lagi kang mag-iingat." sabi ni madam Rio.
"Pakiabot nalang ang aking taos pusong pasasalamat kay Madam Nea at sa anak niyang si Maya.
"Makakaasa kang makakarating." sabi ni Madam Rio.
Matapos ng kanilang pag-uusap ng madam ay agad na nilisan ni Xhanara ang sarhaya.
BINABASA MO ANG
HIRVANA
FantasyMagmula ng magkaroon ng mahiwagang sakit ang haring Cloyd ay unti-unti din na nalulugmok sa kahirapan ang lupain ng Sinnai na siyang nasasakupan ng hari. Walang makatukoy sa tunay na karamdaman ng hari kahit na ang mga doktor ng palasyo ay walang ma...