Xhanara

9 0 4
                                    

Nang makarating sa bayan ng laya si Xhanara ay bumungad sa kanya ang mga taong abala sa kanikanilang gawain. Nang magawi siya sa isang pwesto ng magugulay.

"Ginang saan po ba ang sakayan papuntang lupain ng sinnai?" tanong ni Xhanara sa ginang na tindera ng mga gulay.

"Ay naku ineng nahuli ka ng dating kakaalis lang ng bangka kanikanina lang." sagot ng ginang.

"May masasakyan pa po ba ako ngayon patungong sinnai?" tanong ulit ng dalaga.

"Naku ineng bukas pa ng umaga ang balik ng bangka kaya malamang bukas ka pa makakasakay papuntang sinnai." sabi ng ginang.

"Sige po maraming salamat." wika ni Xhanara.

Dahil sa nalaman naisipan nalang ng dalaga na maglibot-libot sa bayan at humanap ng panandaliang matutuluyan habang naghahanap ng matutuluyan ay bumili din ang dalaga ng balabal para ipang taklob sa ulo. Nakahanap naman ang dalaga ng matutuluyan kahit maliit tutal naman ay isang gabi lang siyang mamamalagi doon. Nang ayos na ang lahat naisipan din ng dalaga na libutin pa ang bayan. Ginamit na rin ng dalaga ang nabiling balabal para maipangtabing sa ulo at mukha. Sa paglilibot ng dalaga ay may napansin siyang bata umiiyak at nagmamakaawa sa isang ginoo.

"Parang awa niyo na po bigyan niyo na po ako ng gamot para sa nanay ko." umiiyak na sabi ng bata sa isang ginoo na may-ari ng botika.

"Hindi pwede wala ka namang pera at isa pa malubha na ang nanay mo kaya hindi na rin eepekto ang gamot sa kanya." wika ng masungit na ginoo habang itinataboy ang bata.

Sa pagkahabag sa bata ay nilapitan ito ng dalaga.

"Tahan na bata." pag-aalo ni Xhanara sa bata.

"Ate, kailangan ko po ng gamot para kay nanay ayoko po siyang mawala pag nawala siya mag-isa nalang po ako." wika ng bata habang humihikbi.

"Hindi mawawala ang nanay mo alam kong gagaling siya maniwala ka ito ipunas mo ang panyo ko sa mukha at kamay ng iyong ina." sabi ni Xhanara sa bata.

"Para saan po ito ate?" tanong ng bata kay Xhanara.

"Para gumaling na ang iyong ina
" sabi ng dalaga.

Tumango nalang ang bata at nagpaalam na uuwi na. Nang makalayo ang bata naisipan na ng dalaga na bumalik sa tutuluyang silid.

HIRVANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon