Farrah

10 0 1
                                    

Sa palasyo ng sinnai......

"Mabuti naman at kahit paano ay umepekto ang panglunas para kahit paano ay hindi tuluyang bumagsak ang katawan ng hari." wika ni tata miong kay prinsepe Clyde.

"Oo nga po tata miong, marami pong salamat." pasasalamat ng prinsepe sa matanda.

"Walang anuman iyo mahal na prinsepe kaligayahan kong tumulong. Pero hindi muna tayo dapat magpakampante hindi pa natin alam kung ano ang tunay na sakit ng iyong amang hari at hindi natin alam kung hanggang kailan ang bisa ng panglunas." wika ni tata miong.

"Ganon pa man nagpapasalamat parin po ako sa inyo tata miong." wika ng prinsepe.

"O siya sige babalik na lang ako bukas para tignan ang mahal na hari may bibisitahin pa kasi akong kaibigan." paalam ni tata miong.

"Mag-iingat po kayo." sabi ni prinsepe Clyde.

************************************

Nakarating ng maayos sa lupain ng sinnai si Atara bumungad sa kanya ang parang walang buhay na lugar.
Kasalukuyang nasa pamilihan  si Atara pero nagtataka ang dalaga kung bakit halos sarado ang tindahan. Nang may makasalubong na ginoo ang dalaga.

"Ginoo anong nangyari sa lugar na ito?" tanong ni Atara.

"Naku binibini buhat ng magkasakit ng malubha ang haring Cloyd ay naghirap ang lupain halos wala na kaming makain dito buti nalang at nagawan ng paraan ng mahal na prinsepe kaya lang hindi pa rin sapat ang ilan dito ay nagnanakaw para lang may makain." wika ng ginoo.

"Ang lungkot na man isipin ng nangyari." wika ni Atara.

"Sandali dayo ka lang ba dito?" tanong ng ginoo kay Atara.

"Ah eh opo may bibisitahin lang po akong kaibigan dito." sagot naman ng dalaga.

"Ah o sige mauna na ako sayo binibini" paalam ng ginoo.

Samantala sa lugar ni tata miong.

" Kamusta ka na Farrah?" tanong ni tata miong sa isang hindi katandaang babae na si Farra.

"Mabuti naman ako ikaw kamusta ka  na tata miong ang tagal mong hindi nagawi dito sa aking bahay." wika naman ni Farrah.

"Naging abala kasi ako nitongga nakaraang araw." sagot ni tata miong.

"Tulad ng ano?" tanong ulit ng babae.

"Sinubukan ko kasing alamin kung ano ang tunay na sakit ng mahal na haring Cloyd." wika ni tata miong.

"Nalaman mo ba?" tanong ulit ni Farrah kay tata miong.

"Yun nga ang ipinagtataka ko sa tagal ko ng nanggagamot ay ngayon lang nangyari na hindi ko matukoy ang sakit at kahit na ang doktor ng palasyo ay hindi ito matukoy." wika ni tata miong.

"Kung ibig niyo talagang alaman ang tunay na sakit ng hari bakit hindi kayo sumangguni sa isang babaylan?" sabi ni Farra.

"May kilala akong babaylan ngunit tanging sa panglunas siya eksperto. Pero teka hindi ba't dati kang babaylan?" wika ni tata miong.

Tunay ang winika ng matanda kay Farrah may kakayahan siyang alamin ang tunay na karamdaman ng hari ngunit hindi niya na maaaring gamitin ang kakayahang iyon.

"Matagal na iyon tata miong." wika ni Farrah.

"Kahit na maykakayahan ka parin dahil dati kang babaylan." sabi ni tata miong.

"Pero tata miong  bago ko talikuran ang pagiging babaylan nangako ako sa huling ritwal na hindi ko na gagamitin ang kakayahan ko bilang dating babaylan." wika ni Farrah.

Hindi napilit ni tata miong si Farrah. Ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa na mabago ang isip ng babae.





HIRVANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon