Pinagpatuloy lang ng dalagang si Xhanara ang paglalakad at nagbabakasakaling mahanap ang nagngangalang Farrah. Ilang taga sinnai na rin ang napagtanungan niya ngunit walang isa man dito ang nakakakilala sa babae.Hanggang sa mapadpad ang dalaga sa tapat ng isang bahay na sa tantsa ng dalaga ay ang pinahuling bahay sa eskenitang tinahak. Agad namang kumatok si Xhanara sa bahay para makapagtanong at makiinom na rin ng tubig dahil kanina pa uhaw na uhaw ang dalaga. Nang mapagbuksan ng pinto ang dalaga ay bumungad ang isang matandang babae na may mahabang buhok na lampas hanggang bewang nito at may matalim na mga mata.
"Anong kailangan mo?" wika ng matanda sa nakakatakot na boses.
"M-magtatanong lang po sana ako? at makikiinom." takot na wika ni Xhanara.
"Pumasok ka" wika ng matanda.
Nang makapasok ang dalaga ay pinagmasdan niya ang loob ng bahay halos puno ng ibat-ibang klase ng dahon at may kadiliman ang bahay tanging kandila lang ang nagsisilbing liwanag ng bahay. Natigil ang pagmamasid ng dalaga ng magsalita ang matanda.
"Maupo ka sandali at ikukuha lang kita ng inuming tubig." wika ng matanda.
Naupo nga si Xhanara sa upuang katapat ng isang lamesa na may mga nakakalat na baraha ay isang bolang kristal. Sa isip ng dalaga ay marahil isang manghuhula ang matanda. Ilang sandali pa ay nakita niya na ang matanda na may dalang isang basong tubig agad naman itong ininom ng dalaga.
"Maraming Salamat po sa inumin" pasasalamat ni Xhanara sa matanda.
"Walang anuman, sa tingin ko ay dayo ka lang dito." wika ng matanda.
"Opo isa nga po akong dayo dito may hinahanap lang po kasi akong tao." sagot naman ni Xhanara.
"Kakaiba ang ganda mo iha" wika ng matanda kay Xhanara.
"Salamat po sa papuri." may alanganing wika ng dalaga.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan ni Xhanara at ng matanda. Matamang pinagmamasdan ng matanda si Xhanara wari mo'y sinusuri ang kaloob-looban ng dalaga habang si Xhanara naman ay iniiwasang magtama ang kanilang mga mata ng matanda.
"Sino nga pala ang iyong hinahanap?" basag ng matanda sa katahimikan nila ng dalaga.
"Ah Farrah, may kilala po ba kayong nagngangalang Farrah." tanong ng dalaga.
"Ah si Farrah ba kamo lumampas ka na sa unang eskenita matatagpuan ang bahay niya yung pangatlong bahay yun ang kanyang tirahan." wika ng matanda kay Xhanara.
"Kung ganon marami pong salamat." sabi ng dalaga.
"Sandali lang iha may kapalit ang ginawa kong pagturo kung saan mo matatagpuan si Farrah." pigil ng matandang babae kay Xhanara na noo'y naghahanda na sa pag alis.
"Heto po ang tatlong piraso mg ginto sana ay sapat na ang mga gintong iyan." wika ng dalaga.
"Sapat na ang tatlong ginto.Kaya maaari ka nang umalis." wika ng matanda.
Agad naman na nilisan ni Xhanara ang bahay ng matanda. Samantala sa bahay ni Farrah ay dumating sina tata miong at prinsepe Clyde at kasalukuyang nag-uusap.
"Anong maipaglilingkod ko sa inyo mahal na prinsepe Clyde? tanong ni Farrah sa prinsepe.
"Nabanggit sa akin ni tata miong na dati kang babaylan." wika ni prinsepe Clyde.
"Opo kamahalan isa nga akong dating babaylan." wika ni Farrah.
Sa mga sandaling iyon ay nakikinig lang si Atara sa pag-uusap ni Farra at ng mga bisita nito.
"Kung ganon ay maaari mo bang tukuyin ang karamdamang nagpapahirap sa aking ama." wika ni prinsepe Clyde.
"Paumanhin mahal na prinsepe gustuhin ko man ay hindi maaari labag sa patakaran ng mga babaylan na gamitin ang kakayahan nila kapag tinalikuran na ang pagiging babaylan." wika ni Farrah.
Nalungkot ang prinsepe sa tinuran ni Farrah ngunit napawi ito nangmuling magsalita ang babae.
"Pero may kilala akong makakatulong sa inyo para alamin ang totoong sakit ng mahal na haring Cloyd." wika ni Farrah.
"Sino siya at saan namin siya makikita?" tanong ng prinsepe Clyde.
"Si Serfina isang baylan maykakayahan din ng tulad ng mga babaylan. Ngunit pinapaalalahanan ko kayo kapag sumangguni kayo kay Serfin ay may katumbas itong halaga." wika ni Farrah.
"Kahit magkano pa iyon basta gumaling lang ang ama kong hari." sambit ni prinsepe Clyde.
"Kung ganon ay maaari ko kayong samahan sa kanyang tirahan." tugon ni Farrah.
Agad ngang nagtungo sila Farrah sa tinitirhan ni Serfina isinama narin nila si Atara.
BINABASA MO ANG
HIRVANA
FantasyMagmula ng magkaroon ng mahiwagang sakit ang haring Cloyd ay unti-unti din na nalulugmok sa kahirapan ang lupain ng Sinnai na siyang nasasakupan ng hari. Walang makatukoy sa tunay na karamdaman ng hari kahit na ang mga doktor ng palasyo ay walang ma...