Maaga pa lang ay gising na si Xhanara para magtungo sa sakayan ng bangka papuntang sinnai. Kasalukuyang naghihintay ang dalaga sa pampang nang marinig niya ang usapan ng dalawang babae.
"Ano raw ba ang nangyari ng ipunas ng bata sa kanyang ina yung panyo na ibinigay sa kanya ng misteryosang dalaga?" tanong ng babae sa kausap na babae.
"Aba ang sabi ng bata ay gumalimg daw ang kanyang ina na may malubhang sakit." sagot naman ng babae sa kausap.
"Talaga!? baka naman nagkataon lang?" sagot naman ng babae.
"Hindi daw ikinunsulta sa doktor ang ina nung bata ay nagulat din ang doktor na gumaling ang ginang." wika pa ng babae sa kausap.
"Aba isang himala ang ginawa ng misteryosang dalaga." sabi ng babae.
"Sinabi mo pa pinapahanap nga ngayon ang misteryosang dalaga na yon eh." wika ng babae.
Sa narinig na pag-uusap ng dalawang babae ay biglang naalarma ang dalaga alam niyang siya ang tinutukoy ng bata na misteryosang dalaga. Naisip ng dalaga na kailangan niya na talagang lisanin ang lugar. Dininig naman ng langit ang kahilingan ng dalaga dahil ilang sandali pa ay mayroon ng masasakyan papuntang sinnai. Hindi nagdalawang isip si Xhanara agad siyang sumakay sa bangka at napanatag ang loob ng pumalaot na ang sinasakyan.
BINABASA MO ANG
HIRVANA
FantasiMagmula ng magkaroon ng mahiwagang sakit ang haring Cloyd ay unti-unti din na nalulugmok sa kahirapan ang lupain ng Sinnai na siyang nasasakupan ng hari. Walang makatukoy sa tunay na karamdaman ng hari kahit na ang mga doktor ng palasyo ay walang ma...