Sa kailaliman ng gabi kasabay ng masungit na panahon dalawang babae ang tumatakbo sa gitna ng  kagubatan. Mabilis ang kanilang pagtakbo para makalayo sa humahabol sa kanila.

"Maghiwalay tayo ng landas para mailigaw natin sila" wika ng isang babae sa kasama.

"Pero ayoko guiah" tutol ng kasama.

"Makinig ka sa akin ito lang ang paraan para makalayo ka sa kanila." wika ng guiah.

"Pero! Paano ka?"tanong ng kasama.

"Wag mo kong alalahanin kaya ko ang sarili ko ang mas mahalaga ay mailigtas mo ang iyong sarili. Kaya sige umalis ka na." taboy ng guiah sa kasama.

Ganon nga ang ginawa ng isa pang babae. Nang hindi niya na matanaw ang bulto ng kasama ay sa ibang direksyon siya tumakbo medyo malapit na kasi sa lugar niya ang mga humahabol sa kanila.

"Nasan na ang dalawang babae?"tanong ng pinuno ng mga humahabol.

"Nakita kong tumakbo sila sa direksyon na yon." turo ng isang alagad sa direksyon na tinahak ng guiah.

"Mabuti pa maghiwahiwalay tayo dun kayo sa direksyon na sinabi mo ako naman doon malamang naisip ni Atara na maghiwalay para mailigaw  tayo." wika ng pinuno.

Nahati nga ang grupo ng mga humahabol ang ilan ay nagtungo sa direksyon ni Atara samantalang ang pinuno naman ng humahabol ay sa tinahak na landas ng kasama ni Atara.
Samantala walang tigil sa pagtakbo ang kasama ni Atara hindi niya alam kung saan patungo ang landas na tinatahak at dahil na rin sa pagod ay bumagal ang kanyang pagtakbo. Ngunit nakarinig siya ng mga yabag na patungo sa sa kanya kaya naman agad din siyang tumakbo para makalayo ngunit sadyang malupit ang pagkakataon sa babae dahil isang bangin na ang bumungad sa kanya.

"Wala ka ng mapupuntahan ngayon ang mabuti pa sumama ka na sa akin" wika ni Dior ang pinuno ng mga humahabol.

"Hindi ako sasama sayo"matigas na sabi ng babae.

"Huwag ng matigas ang ulo hinihintay ka na ni panginoong Gallion." sabi ni Dior.

"Hindi! mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa sumama sayo." saad ng babae.

Akmang lalapitan ni Dior ang babae pero bawat lapit niya ay paatras din ito ng paatras.

"Wag kang lalapit!" wika ng babae kay Dior.

Ngunit hindi nakinig si Dior sa babae walang pagpipilian ang babae kundi ang tumalon sa bangin.

HIRVANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon