KYRAH

12 0 1
                                    

Matapos dasalan ni Nea ang gamot na kailangan ni Kyrah ay agad silang bumalik sa bahay ni Madam Rio.

"Tapos ko na pong dasalan ang panglunas madam rio." sabi ni Nea.

"Mabuti naman kung ganon kailangan na kasi ito miong." wika ni madam rio.

"Nasaan si Xhanara madam?" tanong ni Nea ng mapansing wala ang dalaga.

"Nakaalis na siya Nea may kailangan pa raw kasi siyang hanapin kaya hindi na nakapagpaalam sa inyo pero ipipasabi niya ang taos puso niyang pasasalamat sa iyo at sa anak mong si Maya." sabi ng madam.

"Ganon po ba sana ay mag-ingat siya sa paglalakbay niya at sana ay mahanap niya kung sino o ano man ang kanyang hinahanap." wika ni Nea.

"Sana nga." wika ng madam.

"Babalik na po ako sa aking bahay madam rio ipatawag niyo nalang ako kung meron pa kayong kailangan." paalam ni Nea.

"O sige, maraming salamat." wika ni madam rio.

Nang maiwan sina madam rio at kyrah.

"Para saan ba ang panglunas na yan iha?" tanong ng madam kay kyrah.

"Para sa mahal na haring Cloyd po madam." sagot ni Kyrah.

"Sa mahal na hari ang panglunas na yan?" sabi ni madam rio

"Ganon na nga po madam para lang mo kahit paano ay maibasan ang lalong panghihina ng hari." wika ni Kyrah.

"Hangad kong umepekto kahit paano ang panglunas na iyan para sa mahal na hari at hangad ko na gumaling na ang mahal na haring cloyd sa kanyang karamdaman." wika ni madam rio

"Ganon din po ang hiling naming mga mamamayan ng sinnai na gumaling na ang hari para mapamunuan niya muli ang lupain. Ako po ay magpapaalam na madam" pamamaalam na sabi ni Kyrah.

"O siya sige mag-iingat ka sa pag-uwi." wika ni madam rio.




HIRVANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon