Samantala nasa tapat na ng bahay ni Farrah ang dalagang si Xhanara kanina pa kumakatok ang dalaga ngunit walang nagbubukas ng pinto sa kanya sa isip ni Xhanara marahil ay may pinuntahan ang babae kaya wala ito sa kanyang bahay.
"Hay, saan kaya nagpunta si Farrah? Nagkita na kaya sila ni guiah Atara? Magkasama kaya sila ngayon?" tanong ng dalaga sa isip.
Samantala habang pabalik sina prinsepe Clyde, tata miong, Farrah at Atara ay pinag-uusapan parin nila ang sinabi ng baylang si Serfina.
"Hindi isang uri ng sakit ang limbia hasei" biglang wika ni Atara.
Kaya natigil ang tatlo niyang kasama at hinarap si Atara.
"Paano mo nasabing hindi iyon uri ng sakit?" wika ni Farrah.
"Nabanggit sa akin iyon ni lolo dati pa." wika ni Atara.
"Kung ganon ano ang limbia hasei?" tanong ni Prinsepe Clyde kay Atara.
"Ang limbia hasei isang itim na mahika na kumukuha ng kaluluwa ng isang tao at ikinukulong sa ibang dimensyon." wika pa ni Atara.
"Paanong nangyari sa hari ang ganong bagay?" tanong ni tata miong.
"Nangyayari lang ito sa isang tao kung may isang tao na labis ang galit sa kanya." wika ni Atara.
"Sino kaya ang maaaring gumawa nitong limbia hasei? tanong ni Farrah.
"Maaaring ang taong may galit sa mahal na hari ay may kakayahang gumamit ng itim na mahika o kaya naman ay may kakilala siyang isang riwa." dagdag pa ni Atara.
"Ano naman ang riwa?" tanong ni prinsepe Clyde.
"Ang mga riwa ay mga bihasa sa itim na mahika ngunit sabi ni lolo ay matagal ng nalupig ang mga riwa." wika ni Atara.
"Wala naman akong kilala na nakaaway ni ama kaya sino ang maaaring gumawa nito sa kanya?" wika ng prinsepe.
"Bakit hindi nyo po subukang tanungin ang malalapit na kaibigan ng mahal na hari, mahal na prinsepe Clyde." wika ni Farrah.
"Tama ka Farrah maaari kong tanungin sa matalik na kaibigan ni ama kung may nakagalit ito." wika ni prinsepe Clyde.
Samantala sa lugar ni Xhanara.
"Sino ka binibini at bakit ka nasa labas ng bahay ni Farrah?" tanong ng isang lalaki kay Xhanara.
"Ah, ang pangalan ko ay Xhanara ginoo; hinahanap ko si Farrah." wika ni Xhanara.
"Ganon ba ako nga pala si Theus binibining Xhanara." wika ni Theus.
"Ikinagagalak kitang makilala ginoong Theus." wika naman ng dalaga.
"Ganon din ako binibini" wika ni theua.
"Ikaw ano ang pakay mo kay Farrah?" tanong ni Xhanara kay Theus.
"Ah, nagpunta kasi dito ang pri- este ang amo ko kaya ako nandito." sabi ni Theus.
Mayamaya ay natanaw na ni Theus sila Farrah.
"Oh, narito na pala sila" wika ni Theus ngunit napansin niyang hindi kasama nina Farrah ang prinsepe.
"Anong ginagawa mo dito ginoong theus?" tanong ni Farrah.
"Ah nandito ako para sunduin si prinsepe Clyde." wika ni Theus.
"Nagkasalisi kayo ng prinsepe hindi na sila dumaan dito ni tata miong." wika ni Farrah.
Samantala si Xhanara naman ay nasiyahan ng makita ang kanyang guiah Atara.
"Guiah Atara!" sambit ng dalaga.
"Xhanara! Ikaw nga! Salamat sa Diyos at ligtas ka." wika ni Atara.
"Ikaw din guiah akala ko hindi na kita makikita." wika naman ni Xhanara.
BINABASA MO ANG
HIRVANA
FantasiaMagmula ng magkaroon ng mahiwagang sakit ang haring Cloyd ay unti-unti din na nalulugmok sa kahirapan ang lupain ng Sinnai na siyang nasasakupan ng hari. Walang makatukoy sa tunay na karamdaman ng hari kahit na ang mga doktor ng palasyo ay walang ma...