Haring Cloyd

35 2 1
                                    

Si haring Cloyd ay isang mabuting hari sa kanyang nasasakupan bagama't wala na ang kanyang reyna ay meron naman siyang isang anak na si prinsepe Clyde kaya hindi ito naging hadlang para maging isang mabuting pinuno. Mahal ng kanyang buong nasasakupan ang hari kaya ganon na lamang ang kanilang pagkalumbay lalo na ni prinsepe Clyde nang magkaroon ng hindi maipaliwanag na sakit ang hari.

Kamusta ang aking amang hari? tanong ni prinsepe Clyde sa punong doktor ng palasyo.

Ikinalulungkot ko mahal na prinsepe Clyde hindi ko pa rin mabatid ang tunay na kalagayan ng mahal na hari sagot ng punong doktor kay prinsepe Clyde.

Isang linggo nang nakaratay si ama bakit hanggang ngayon ay wala parin kayong matukoy na sakit ni ama?nagaalalang wika ni prinsepe Clyde.

Ginagawa namin ang lahat kamahalan sa katunayan bukas ay darating ang punong doktor ng ating karatig lupain anang ng punong doktor.

Pang ilan na ba ang doktor na sumuri kay ama? tanong ni prinsepe Clyde.

Ika- sampo na po ang darating bukas kamahalan sagot ng punong doktor.

Pang sampu na ngunit wala ni isa man sa kanila ang nakaalam sa tunay na karamdaman ni ama hindi makapaniwalang saad ni prinsepe Clyde.

Tahimik lang na nakikinig ang punong doktor sa saad ni prinsepe Clyde.

Kung wala na po kayong katanungan kamahalan ako po ay babalik na aking trabaho maya't maya ay titignan ko ang mahal na hari paalam ng punong doktor kay prinsepe Clyde.

Nang makaalis ang punong doktor sa silid ng haring Cloyd ay nilapitan ng prinsepe ang ama bakas sa mukha ng prinsepe ang labos na pagaalala sa pinakamamahal na ama.

Ama,sana ay gumaling ka na kailangan ka ng buong palasyo at ng iyong nasasakupan lalong-lalo na ako ama kailangan kita malungkot na turan ni prinsepe Clyde.

HIRVANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon