Nang makarating sa tirahan ni Serfina sila Prinsepe Clyde.
"Tao po! Serfina nariyan ka ba?" sigaw ni Farrah sa labas ng bahay ng baylan habang kumakatok sa pintuan nito.
"Pumasok kayo!" wika ng boses na nanggagaling sa loob ng bahay.
Pagkapasok nila prinsepe Clyde ay nabungaran nila ang sinasabing si Serfina na nakaupo katapat ng isang bolang kristal.
"Anong kailangan ng mga taong ito sa akin Farrah?" tanong ni Serfina kay Farrah.
"May nais silang isangguni sa iyo Serfina kaya sila naparito." wika naman ni Farrah.
Magsasalita sana si Prinsepe Clude ngunit naunahan siya ni Serfina.
"Hindi mo na kailangan magpakilala kamahalan." sabi ni Serfina.
"Paano mong nakilala ang mahal na prinsepe?" tanong ni tata miong kay Serfina.
"Isa iyon sa aking mga kakayahan bilang baylan tata miong." sagot ni Serfina.
"Sadyang mahusay si Serfina sa pagkilala ng mga tao." wika ni Farrah.
"Alam ko narin ang pakay mo mahal na prinsepe." wika ni Serfina.
"Kung ganon matutulungan mo ba kami?" tanong ng prinsepe.
"May katumbas na halaga ang pagsagot ko sa lahat nais niyong malaman kamahalan." dagdag na wika ni Serfina.
"Kahit magkano pa yan ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kapakanan ng mahal na hari." wika ni prinsepe Clyde.
"Kung ganon maupo kayo at magsisimula na ako." wika ni Serfina.
Sinumulan nga ng baylang si Serfina ang ritwal na pagdarasal upang matukoy ang sakit ng hari. Habang nakapikit ang mata ng baylan ay may ibinubulong ito hangin. Biglang nagdilat ang mata ng mata ni Serfina at hinimas-himas ang kanyang bolang kristal.
"Limbia hasei ang nagpapahirap sa mahal na haring Cloyd." wika ng baylan.
"Limbia hasei!?ngayon lang ako nakarinig ng ganoong uri ng sakit?" wika ni tata miong.
"Anong uri ng sakit iyon?" wika naman ng prinsepe Clyde.
"Hindi ko rin alam kung anong uri ang sakit na iyon mahal na prinsepe." wika ni Serfina.
Habang winiwika ng baylang si Serfina ang mga katagang iyon ay matamang nakatitig at nakikinig si Atara.
"May may lunas ba ito?" tanong ng prinsepe Clyde.
"Meron ang hiyas ng hirvana." sagot ng baylan.
"Hirvana!?, ngunit isa nalang itong alamat kaya imposibleng mayroon pa nito sa kasalukuyan." wika ni prinsepe Clyde.
"Hindi ko na problema iyon kamahalan yun lang ang nakikita kong lunas." wika ng baylan.
"Anong plano mo kamahalan?" wika ni tata miong.
"Nasagot ko na ang mga tanong ninyo nasan na ang kabayaran?" wika ni Serfina.
"Salamat sa impormasyon; heto ang aming bayad." wika at sabay abot ni prinsepe Clyde ng isang supot na may lamang ginto.
Matapos non ay mabilis na nilisan na nila prinsepe Clyde ang lugar ng baylan.
BINABASA MO ANG
HIRVANA
FantasíaMagmula ng magkaroon ng mahiwagang sakit ang haring Cloyd ay unti-unti din na nalulugmok sa kahirapan ang lupain ng Sinnai na siyang nasasakupan ng hari. Walang makatukoy sa tunay na karamdaman ng hari kahit na ang mga doktor ng palasyo ay walang ma...