The Mirror
written by: Madam Jaja
Sa isang sikat na TV Station, naging usapusapan ang isang babaeng nag ngangalang DJ Jo. Kung sa isang taong walang kamuang muang sa mga nangyayari sa kapaligiran niya, aakalain nitong isang normal na babae lang siya, ngunit para sa mga nakakakilala sa kanya ng lubusan, hindi lang siya pang karaniwan.
Nitong mga nakaraang buwan, naging laman ng dyaryo at telebisyon ang estasyon ng radyo na kanyang pinag tratrabauhan. Naglunsad ang nasabing estasyon ng isang radio program na naglalayong bigyang kasagutan ang mga katanungan o problema ng mga mamamayan. Pero, hinding pangkaraniwang pag-aaway ng mag-asawa, pera o pag-ibig ang nilulutas ng programa, ang binibigyang solusyon neto ay ang problema ukol sa kababalaghan. Walang nakakakilala sa kanyang tunay na pangalan, ngunit para sa kaibigan ni DJ Jo, siya ang pinakamabait na nilalang na kanilang nakilala. Jorelle Anne D.C Barnes, isang 4th year BS Psychology Student ng isang sikat na school.
Nasa loob si DJ Jo ng isang conference room kung saan ay may masamang balita siyang matatanggap. Maririnig sa loob ng nasabing silid ang pagsasalita ng isang tao na nakatayo sa gitna. Siya si Marlon De Jesus, ang boss ni Jo.
"Jo, masakit sa aming gawin ito dahil isa ka sa nagbuhay ng radio station na ito. Pero, sabi nga nila, hindi lahat ng bagay, permanente. Nakakuha kami ng report mula sa lokal ng simbahan na pinapasara nila ang programa mo dahil marami na ang nagkakaroon ng lamat sa kanilang pananampalataya. Ayaw man naming gawin ito, ngunit para din naman ito sa ikakabuti nating lahat, lalo na sa' yo." ani ni boss Marlon.
"Pero sir, marami na pong natulungan ang programa natin diba? Sa halip nga na mawalan sila ng tiwala sa kanilang pinaniniwalaan, lumalakas pa ang loob nila na kalabanin ang ano mang gumugulo sa kanila. Sir, mahal ko itong trabaho ko." mangiyak ngiyak na tugon ni Jo.
"Alam ko iyon Jo. Alam nating lahat na nakatulong ng malaki ang iyong programa sa mga tao. Duda nga namin, kaya gusto nilang pasara ang programa mo ay dahil wala nang nalapit sa kanila para lumutas ng mga ganoong uri ng problema. Malaki din ang nawalang donasyon sa kanila nitong mga lumipas na panahon ayon sa isang taga simbahan na nakausap ko. Jorelle, mawala man ang programa mo, pwede ka parin namang tumulong sa tao. Kapag may nangailangan sa tulong mo, kami na ang bahalang magturo sa kanila kung saan ka nila matatagpuan. Okay?"
"S-Sige po Sir. Salamat po sa limang buwan na pag-alaga sa akin at sa programa ko, Salamat po." panapos ni Jo. Tumayo siya at binitbit ang bag niya palabas ng silid.
Sa unibersidad na kanyang pinapasukan, mga kaibigan lang niya ang nakakaalam sa buo niyang pagkatao. Sila din ang natulong kay Jo kapag may iniimbestigahan itong kababalaghan. Wala silang basbas ng simbahan, pero ang mga gamit nila, ay dalawang beses sa isang buwan nila pinababasbasan. Sa bahay ni Jorelle, dun sila minsan natambay at kapag may nahingi ng tulong, sila ang nageentertain dito.
Maraming kaso ang kanilang tinatanggap. May mga kaso ng ligaw na kaluluwa na kanilang tinutulungang mapapunta sa langit. Pero kadalasan, kapag hindi sa langit ang destinasyon ng kaluluwa, pinapanalangin nalang nila sa purgatoryo ang katahimikan nito. Hindi pa sila nakakaranas ng mga kaso na may kinalaman sa sapi dahil wala silang basbas ng simbahan, ngunit minsan, sila ang nasasapian kapag may kaso silang kinakaharap pero hindi naman sila nasasaktan.
Sa grupo nila, ang leader ay si Jorelle. Pero hindi sila tinuring ni Jo na alipin o katulong lang. Pamilya narin ang tingin sa kanila nito dahil bukod sa walang pamilya si Jo sa Pinas, halos lagi silang magkakasama. Ang pinakamatanda sa grupo ay si Jared, 4th year BS Secondary Education ito at mas matanda ng isang taon kay Jo. Si Elysse naman ay ang girlfriend ni Jared. AB Communication siya, 3rd Year College naman. Si Edward naman ay isang seminarista na kapag bakasyon ay kasama lagi ang tropa dahil wala na itong pamilya. Namatay ang mga magulang niya noong siya ay bata pa, isang car accident. Minsan dinadalaw si Edward ng mga kaibigan niya sa seminaryo kapag may kailangan ang mga ito sa kanila tungkol sa mga espiritwal na bagay. At ang huli ay si Edilbert, isang 4th Year BS Information Technology. Mahilig siya sa mga bagay bagay na may kinalaman ang teknolohiya. Techie siya.
Isang clairvoyant si Jorelle na namana niya sa nanay niya. Noon pa man, sinanay na siya sa kakayanan niya ng kanyang nanay. Ang kakayanan niya ay nagbibigay sa kanya ng insight o pasilip sa isang pangyayari. Ayon kay Jo, ang kakayanan niya ay maaari pang mapabuti at mahasa sa pagdaan ng mga panahon. May kakayanan din siya na kausapin ang mga kaluluwa. Noong namatay ang nanay niya, ang nag alaga nalang sa kanya ay ang kapatid ng kanyang nanay. Kaso, pumanaw din ito ilangbaraw lang pagkatapos ng kaniyang high school graduation. Lumipat siya sa bahay ng kanyang tiyahin sa Maynila at siya na ang nag-alaga sa buong kabahayan hanggang ngayon.
Ang pinakamalalang kaso palang na kanilang nabigyan ng tulong o solusyon ay ang hindi matahimik na kaluluwa ng isang matandang lalaki na hindi niya alam na patay na pala siya. Muntikan na sanang masapian noon si Jo, buti nalang natulungan siya ni Edilbert.
May lihim na pagtingin si Edilbert kay Jorelle, dahil sa buong grupo, sila ang may pinakamatagal na pagsasama. 1st year High School palang sila magkakilala na sila at kung saan pumasok si Jo, doon din papasok si Edilbert. Manhid na kung tutuusin ang babae dahil ni minsan hindi sumagi sa isip nito na may crush sa kanya ang kanyang bestfriend. Bestfriend lang ang turing sa kanya ni Jorelle. Ang sakit diba?
Kapag may problema si Jorelle, si Edilbert ang unang nakakaalam. Lagi siyang tinatawagan nito at kahit na busy si Ed, ginagawan niya ng paraan para lang makapunta kay Jo.
"Ed, asan ka?" umiiyak na panimula ni Jo.
"Asa bahay bakit?" tanong niya. "Umiiyak ka ba?"
"Ed, tatanggalin na yung program ko sa radio station. Ed, kailangan ko ngayon ng kausap. Pwede ka ba?" at kahit alam ni Edilbert na gagawin lang siyang wet wipes ni Jorelle sa kanyang pag-iyak...
"Oo naman. Meet mo ako sa may tambayan ng tropa."
Eto nanaman tayo. Madalas mangyari ito. Kapag may problema si Jorelle, si Edilbert ang laging to the rescue ala Superman. Eh hindi nga siya maging "Your Man" ni Jorelle. Masyadong manhid ang babae, kahit showy na masyado si lalake. Gara diba.
"Sabi ko naman sa' yo diba. Hindi magtatagal yang problema mo. Sabi ko sa' yo dati, 'Huwag kang masyadong maging attached sa trabaho mo, dahil marami kang makakalaban' O, anong nangyari? Kulit mo din kasi eh!"
"Pwede ba! Huwag mo na akong sermonan. Ako na nga itong namromroblema, tas tatalakan mo pa ako. Masyado ka naman atang harsh sa akin. May PMS ka ba?"
"Wala akong ganon dahil hindi ako babae. Okay? Ang akin lang, bakit kasi hindi ka nalang tumingin sa paligid mo at enjoyin ang life kesa sa mag mukmok diyan. Bakit hindi ka humanap ng boyfriend." pasimple pa si Edilbert pero ang gusto naman talaga niyang sabihin, bakit hindi siya ang gawin niyang jowa. Pwe!
"Boyfriend agad? Oh eh bakit ikaw, sa loob ng ilang taon, wala kang pinapakilala sa aking girlfriend. Bading ka ba?" sumbat ni Jo habang sumisipsip ng kanyang Venti Caramel Frappuccino, with an extra Caramel glaze on top.
"Hindi ako bading. May ibang priorities lang talaga ako sa buhay." kalmadong sagot ng binata.
"Una, si Mama. Pangalawa naman si Tita Bonching, tas ngayon trabaho ko naman? Ang dami dami nang nawala sa buhay ko. Hindi ko na kayang mawalan pa. Alam mo, uunahin ko na lang ang maka graduate ng may latin honors. Hangga't maaari, hindi muna ako matanggap ng kaso. Yun ang main goal ko dahil biro mo naman dalawang buwan nalang graduation na." nagpunas ng uhog ang dalaga bago humigop ng kanyang inorder na kape. "Studies first, before anything else. Aya!"
"Para kang timang. Akin na nga yang salamin mo! Nag fo-fog na eh." inabot ni Jo ang salamin niya pagkatapos ay pinunasan ni Ed ito. Pagtingin niya sa salamin, may reflection ng isang lalake na nakatingin sa kanila. Tumingin ito sa likod pero bigla itong nawala. Pagtingin niya sa salamin, nakatingin nanaman ang babae sa kanila kaya naman pagkatapos nitong punasan, inabot nito ang salamin sa kanyang kaibigan at pagkatapos ay ngumiti ng pabahagya.
BINABASA MO ANG
The Mirror #Wattys2016
HorrorThe Clairvoyant Files Series #1 Isang sikat na DJ si Jorelle Anne Dela Cruz Barnes ngunit hindi lang pagiging isang disk jockey ang kanyang trabaho. Isa rin siyang clairvoyant na trumatrabaho ng mga paranormal cases kasama ang kanyang mga kaibi...