FLASHBACK
Likas na palakaibigan ang batang si Mariz kaya naman hindi na nagtaka ang nanay niya na magkakaroon ito ng kaibigan sa bagong bahay na kanilang nilipatan. Sumagi sa isip ni Dorothy na bakit ni minsan ay hindi manlang niya naabutan o nakausap manlang ang batang si Gigi. Ayon kay Mariz, habang naglalaro silang dalawa ni Gigi, bigla bigla nalang itong magpapaalam sa kanyang kalaro at aalis ng bahay. Pagkatapos ilang sandali lang ay madating na ang nanay naman ni Mariz. Hindi alam ng batang si Mariz kung nagkataon lang ba talaga o sadyang sa tuwing dadating ang nanay niya, nawawala agad ang kalaro niya na parang bula.
Dalawang buwan na ang nakakaraan, umalis ang noo'y isang buwang buntis na si Dorothy kasama ang asawa niya na si Tim para magpatingin sa doktor. Dahil sa maselan ang pagbubuntis nito, kailangan nilang gawin ang bagay na iyon. Naiwan noon si Mariz sa bahay mag-isa. Habang hawak ang manika at bukas ang TV, hindi alintana ng batang babae ang ingay mula sa malalakas na hangin, kulog at kidlat sa labas. Habang nanonood ng TV ang bata, biglang kumulog ng malakas na ramdam ng bata ang paggalaw ng kanilang sofa. Tumingin ito sa TV at namatay ito. Blackout pala. Masayang nilalaro ng batang si Mariz sa kanyang doll na si Anna. Mayamaya lang may biglang kumatok na bumasag ng katahimikan sa loob ng bahay.
"Ma, Pa? Kayo na po ba 'yan?" hindi pa pinagbubuksan ng bata ang nasa may pinto dahil ito ang utos sa kanya ng kanyang mga magulang. Huwag magbubukas agad agad ng pinto lalo na kapag mag-isa lang siya. May susi naman ang kanyang mga magulang kaya pwede silang makapasok kahit hindi niya pagbuksan.
"Hi. Ako si Gigi, pwede ba akong makipaglaro?" tugon ng batang babae na nasa may pinto.
Pinagbuksan ni Mariz ang batang babae at pagtingin niya dito ay isang batang nakasuot ng dress na nakapaa lang ang bumungad sa kanya. May mahabang buhok ito at white na hairband. Basang basa ito na halatang tumakbo sa ulanan. "Pwedeng makipagkaibigan?"
"Hi! Ako nga pala si Mariz, ano nga pala ulit ang name mo?"
"Gigi." nakangiting tugon ng bata.
"Hi Gigi! Tara pasok tayo baka maulanan ka pa lalo sa labas, magkasakit ka pa."
Tumakbo ang batang si Mariz sa banyo at binigay ito sa bagong kakilala na si Gigi. Pinapasok ni Mariz ang batang si Gigi sa loob ng bahay at nakipaglaro naman ito sa kanya. Habang tanan ni Mariz ang kanyag doll na si Anna, nakwento ni Gigi na dati may manika din ito, si Belle. Isang prinsesang manika. Kaso nawala ito ng noong isang beses ay nakikipaglaro din ito sa kanyang kaibigan dati na si Lorraine. Ngayon hindi na daw alam ni Gigi kung nasaan si Belle kaya malungkot siya sa bahay.
"Kapitbahay niyo lang din ako, diyan lang sa may tabi. Ang nanay ko ay isang public school teache, wala naman akong kinikilalang tatay. Matagal na kaming nakatira dito kahit noong wala pa ako sa mundo. Pamana kasi ng lola ko yung bahay na tinitirhan namin kaya dito nalang kami nanirahan." kwento ng batang si Gigi. Lumapit si Mariz sa kanya at binigyan ito ng juice at sandwich.
"Kami naman, lumipat kami dito sa one month ago. We have a very big house sa Manila pero gusto nina mama at papa na bumukod kami. May tatlo akong kapatid, si ate Alyssa, ate Jovi, at ate Mariz. Soon, we will have our baby brother or baby sister." nakangiting tugon naman ni Mariz.
BINABASA MO ANG
The Mirror #Wattys2016
KorkuThe Clairvoyant Files Series #1 Isang sikat na DJ si Jorelle Anne Dela Cruz Barnes ngunit hindi lang pagiging isang disk jockey ang kanyang trabaho. Isa rin siyang clairvoyant na trumatrabaho ng mga paranormal cases kasama ang kanyang mga kaibi...