CHAPTER 11: SI CHONA

336 12 3
                                    

Nagulat nalang si Jorelle nang maalimpungatan niyang nasa parehas na pwesto siya ng bahay ngunit ibang iba ang itsura ng loob. Maaliwalas, walang sira at higit sa lahat ang lakas ng sikat ng araw. Napatingin siya sa kanyang damit, walang nagbago. Pero ang paligid niya, maraming pinagbago. Tumakbo siya sa may kusina para hanapin ang kanyang mga kasama pero wala itong nadatnan.


"McCoy! Ms. Dorothy?! Ser Timothy?! Asan kayo?" nagpatuloy siya sa paghahanap hanggang sa napagpasyahan niyang umakyat sa taas. Aakyat na sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng bahay. Bumaba siya para salubungin ang mga papasok pero nagulat siya sa kanyang nakita. Hindi niya kilala ang mga ito. Mas lalo siyang nagulat nang nakita niya ang babaeng nasa mga pangitain niya. Kahit na natingin ang mga ito sa direksyon niya parang wala lang. Doon lang niya napagtanto na hindi siya nakikita ng mga ito. May kasamang isang batang lalake ang mga ito na nasa kaedaran din ni Mariz.


"Carlo, dito na ang bagong bahay mo. Sana huwag mong isiping inampon ka lang namin ha. Anak kita, saakin ka hinabilin ng iyong ina. At simula sa araw na ito, siya na ang bago mong nanay. Ayos ba iyon?" wika nung lalaki.


"Opo tito Charles." tugon naman nung bata.


"Carlo, huwag mo na siyang tawaging tito Charles. Tatay nalang. Okay? Ako naman tawagin mo nalang akong Nanay Chona." saad nung babae.


"Sige po, tatay Charles, nanay Chona." nakangiting sambit ng bata. Niyakap naman siya ng kanyang mga magulang at pagkatapos ay nagpasok na sila ng mga gamit nila sa loob ng bahay. Habang pinagmamasdan ni Jorelle ang mga ito na nag-aayos ng bahay, napatingin siya sa kusina nang may narinig itong nag-uusap. Naroon ulit ang pamilya.


"D-Dream sequence? P-Papaano nangyari yun? Nagagawa ko na ang nagagawa ng isang p-patay? Patay na ba ako?" walang nahanap na kasagutan si Jorelle sa kanyang tanong kaya lumapit nalang siya sa kusina at nakinig sa pag-uusap.


"...buti na nga lang mura ang pagkakabili natin sa bahay na ito. Ang sabi kasi sakin nung nag benta sakin, mayaman daw ang may-ari nitong bahay. Nakapangasawa ng mayamang Chinese, kaya bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap niya, nababa ang presyo ng bahay sa tuwing may bumibili nito. Nakafix na iyon." wika ng masiglang si Charles.


"Buti nalang swerte tayo sa buhay! Lalo na itong si Carlo. Siya ang biyaya sa atin ng maykapal. Ang tagal na nating gustong magkaanak pero wala parin." sambit ni Chona.


"Yaan mo na mahal. Kapag ibibigay sa atin, ibibigay. Tsaka, baka dinigin na ng Panginoon ang dasal mo. Ang bait bait mo ngang asawa eh. Kahit na nagkamali ako noon, hindi ka bumitaw. Tinanggap mo pa ang anak ko sa iba." napatingin si Charles sa sala kung saan naglalaro si Carlo.


"Mahal, alam ko naman na nagbago ka na. Oo mahirap sa akin na tanggapin noong una, pero siyempre gusto rin naman nating magkaanak diba, sa halip na umampon tayo na hindi naman natin kadugo, yung anak mo nalang kay Marie ang ating ampunin. Patay na naman siya, wala nang mag-aalaga sa anak niya. Tayo nalang." bigkas ng babae. Napangiti nalang ang lalake at tinuloy ang kinakain nila.


Nakatitig lang si Jorelle sa kanila ng may narinig itong boses mula sa paligid niya. Hinanap niya ang pinanggagalingan ng boses ngunit hindi niya makita. Napagtanto niya na kaboses nito si Chona kaya naman sumigaw siya. "Chona! Magpakita ka! Asan ka! Patay na ba ako? Ano' ng ginagawa ko dito!?"

The Mirror #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon