Epilogue

364 14 0
                                    

"Mariz, asaan ka?" Nagsisigaw si Jorelle habang binubuksan isa-isa ang pinto ng mga kwarto. "Asan ka?"

"Ate tulong! Andito po ako sa dulong kwarto." Bulyaw ng isang boses ng batang babae. Nagtatakbo naman si Jorelle sa pinakadulong bahagi ng bahay at sinubukang buksan ito. Ang katahimikan ng buong kabayahan ay napaltan ng ugong ng kulog at kislap ng kidlat mula sa labas ng bahay. Hindi mawaglit ang kaba sa nararamdaman ni Jorelle. "Sandali nalang Mariz makakaalis na tayo dito."

Pilit binubuksan ni Jorelle ang pinto pero hindi ito magbukas hanggang sa bigla nalang ito bumukas ng kanya dahilan upang madapa si Jorelle. "At sino 'ng may sabing makakaalis kayo dito?" wika ng isang boses ng lalake na nakatayo malapit sa may bintana.

"A-Asan si Mariz?"

"Atee! Andito po ako sa may cabinet!" Umiiyak na tugon ng batang si Mariz.

Napatingin si Jorelle at nagtatakbo papalapit sa may pinto. Bigla naman itong sumara pero buti nalang mabilis na nakatakbo si Jorelle papalabas. Humangos siya pababa at tinungo ang cabinet. Binuksan niya ito at naroon nga ang batang si Mariz na walang tigil sa pag-iyak. "Huwag kang bibitaw sakin kahit ano 'ng mangyari Mariz. Ito nalang ang huli nating pagkakataon. Isa lang ang paalala ko sa 'yo. Kapag sinigaw ko sa 'yong tumakbo ka, tumakbo ka. Yun lang ang pakinggan mo."

"S-sige po."

"At akala niyo makakalabas kayo dito ng buhay? Ilang taon ko ding hinintay ang pagkakataong ito para makumpleto ang pagkakatawang tao ko. Hinding hindi ako papayag na makawala pa kayo."

"Tumago ka sa cabinet! Bilis!" utos ni Jorelle kay Mariz. Ginawa naman ito ng bata at naiwan si Jorelle habang kausap ang demonyo. "Maawa ka sa bata. Maawa ka sa amin."

"Awa? Bakit ako maaawa sa inyo? Sino ba kayo para kaawaan ko? Wala na kayong takas dito. Akin na ang mga kaluluwa niyo! HAHAHAHAHAHA! Ang tagal kong inintay ang pagkakataong ito. Ilang siglo din ang nagdaan makumpleto ko lang ang kaluluwang ito. Sa totoo lang, hindi naman talaga anim na kaluluwa ang kailangan ko eh, ang kailangan ko ay sapat na kaluluwa para magkatawang tao ako. At sinasabi ko sa 'yo, hindi ko na mabilang ang mga kaluluwang nakuha ko. Bakit ka pa kasi nakialam? Nadamay ka pa tuloy."

"Dahil alam ko ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay. May humingi ng tulong sa akin, at nang malaman kong nangangailangan talaga sila ng tulong, sino ba naman ako para tanggihan sila kung mismo ako, ranas ko ang kanilang nararanasan ngayon."

Sinilip ni Jorelle ang orasan na nasa harapan niya. Tatlong minuto nalang at magpapalit na ng araw. "Kaya naman hinding hindi ako papayag na kunin mo ang kaluluwa ni Mariz." Tumingin siya sa demonyo. "Mariz, labas." Wika nito. Nagtatakbo naman si Jorelle paakyat ng bahay. Habang tumatakbo siya dumaan siya sa altar at hinablot ang agua bendita at tinago ito sa kanyang bulsa. Sinara niya ang pinto at pagkatapos ay binuksan ang agua bendita at papaikot na binabasbasan ang sahig.

"Kala mo hindi ko mabubuksan ito? HAHAHAHAHA! Hunghang! Uunahin na kitang patayin! PAKIALAMERA!" tumakbo ito upang hulihin si Jorelle pero huli na ng mapagtanto niyang hindi na siya makalapit dito. Biglang nabasag ang bintana at humangin sa buong paligid. "A-ano 'ng nangyayari?! Ano ito!?"

"Agua Bendita, nakapalibot ka sa banal na tubig, demonyo ka!"

"H-Hindi maaari ito, HINDI!" tumakbo papalabas si Jorelle at tumungo pababa. Nakita niyang nagliwanag ang buong kaitaasan ng bahay. BInuksan niya ang cabinet at nakita niyang naroon pa ang batang si Mariz. Napangiti naman si Jorelle at pumasok sa loob.

The Mirror #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon