CHAPTER 3.1: ANG SIMULA NG MGA PAGPAPARAMDAM

455 18 1
                                    

NAWAWALA SI WESLEY! NAWAWALA SI COMMENT, SHARE AND VOTE WESLEY! CHAR! Please support mga b3h, para humakot tayo ng readers, ganern! Be honest sa comment! Don't magmura, because I'm mapagmahal. CHARRROOOT SANTOS CONCIO!

---

Nasa loob ng kanyang kwarto si Jovi habang nakaheadphones at nakikinig ng kanyang walkman. Gumagawa ng takdang aralin ang dalaga. Habang nagsusulat sa kanyang notebook ay bakas sa mukha niya ang inis. Iniisip parin ng dalaga kung papaano niya mapapasa ang kanilang group project sa kanilang professor kinabukasan gayung wala namang naiambag kahit ano ang kanyang mga kagrupo. Inuna muna niyang gawin ang kanilang assignment at tsaka nalang gagawin ang kanilang proyekto.



Nakapinid ang pinto ng kanyang kwarto dahil ayaw niyang maamoy ulit ang mabahong umaalingasaw sa may labas ng kaniyang silid. Hindi na namalayan ni Jovi na gabi na pala. Laking pagtataka niya dahil ganoon pala katagal siya gumawa ng kanyang assignment. Ilang sandali lang ay may malakas na hangin ang dumampi sa kanyang katawan. Nanindig ang mga balahibo niya dahil sa lamig ng hangin. Tumayo siya at pagkatapos ay sinara ang bintana. Nakatitig lang siya sa may hawakan ng pinto ng may naramdaman siyang kamay na nagalaw sa kanyang balikat. Sa isip niya baka tinatakot lang siya ng kanyang kapatid kaya naman bumalikwas siya. Wala siyang nakita sa madilim na kwarto. Tinungo niya ang lamp shade na nasa may tabi ng kama niya upang buksan ito. Binuksan niya ito pero hindi nabuhay ang lamp shade. Ilang paulit-ulit na bukas na ang ginawa niya pero hindi parin ito nagbubukas. Naglalakad na siya papunta sa pintuan ng biglang bumukas ng kanya ang dalawang bintana at pumasok sa kwarto ang lamig ng hangin.


Tumakbo siya papunta sa may bintana at sinara ang mga ito. Nilock niya ang bintana at pagkatapos ay yumuko ng sandali. Kahit natatakot na ay pilit pinakalma ni Jovi ang sarili. Maglalakad na sana siya ng biglang bumukas ang cabinet na lalagyan ng kanyang mga gamit, bintana, at pinto. Napasigaw si Jovi sa takot at nagtatakbo palabas ng kwarto. Pagtingin niya sa buong kabahayan, walang ilaw sa paligid. Ang mga kwarto sarado at tanging siya lang ang gising.


Bumaba siya at tinungo ang kusina upang uminom muna ng tubig para mapakalma niya ang sarili. Pagkuha niya ng baso napatingin siya labas ng bahay. May batang babae na nakatalikod. Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nakita kaya naman binaling nalang niya ang tingin niya sa ref upang kumuha ng tubig. Pagkasalin niya dito, iinom palang siya nang napatingin ulit siya sa may bintana at laking gulat niya ng nakatingin na sa kanya ang batang babae at tanging bintana nalang ang naghihiwalay sa kanila. Nabitawan niya ang baso kaya naman nabasag ito. Nakaapak siya ng bubog at tinanggal naman ito. Dahil sa takot ay nagtatakbo na siya paakyat ng bahay. Ilang hakbang nalang ang kanyang akayatin nang bumukas ang home theater ng kanya. Napatingin siya dito at lalong natakot ng tumugtog ulit ang kantang Eternally ngunit babae na ang kumakanta.


"I'll be loving you Eternally..."


Tiningnan niyang mabuti ang home theater at nakita niya ang kanyang walkman na nasa may sofa. Dahan dahan siyang bumaba upang kunin ito. Tanging mga yabag lang niya ang kanyang naririnig. Sumilip siya sa may kusina at nakita niyang sarado na ang pinto na kanina' y bumukas. Pagtingin niya sa may cabinet, may nakita siyang babaeng nakaitim.


"...There'll be no one new, my dear, for me..."


Nanginginig na ang mga paa niya pero naglalakad parin siya papunta sa may sofa. Laking gulat niya ng biglang nawala sa sofa ang kanyang walkman. Tumingin siya sa paligid at nakita niya na nakapatong ito sa may ilalim ng TV na hindi kalayuan sa pwesto ng babaeng kanyang nakita. \

The Mirror #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon