Dali daling pinasok sa stretcher ang asawa ni Tim at ang anak nila na si Mariz sa isang ospital na hindi kalayuan sa kanila. Dinugo ang asawa niyang si Dorothy samantalang ang kanilang anak naman ay nakulong sa loob ng cabinet pagkatapos ay nagkaron ng maraming pasa sa katawan nito. Hindi alam ni Tim ang gagawin, kung pwede lang nitong hatiin ang kanyang katawan, ginawa na niya. Dalawang section ang naghihiwalay sa kanyang anak at asawa. Dahil mas delikado ang kalagayan ng kanyang asawa, doon muna siya pumunta para bantayan ito. Nakasilip lang ng ilang segundo ang lalake ng biglang sinara ng nurse ang kurtina na naghihiwalay sa kaniya at sa mga taong abala sa pag gamot sa kanyang maybahay. Pinili nitong tumigil sa isang tabi, humingang malalim at pagkatapos ay kumalma. Mga labinglimang minuto ang nakalipas, lumabas ang isang nurse mula sa section na gumamot sa kanyang asawa.
"Kaano-ano nyo po ang pasyente?" tanong nito.
"Misis ko po." kalmadong tugon ni Tim.
"Ligtas na po ang baby at asawa ninyo. What happened to your wife is a threat to her pregnancy. Muntik ng mawala ang baby niyo sir. I suggest na sana huwag niyo munang bigyan ng mabibigat na gawain si misis at huwag mo sir hayaan na ma stress siya dahil isang beses pa siyang duguin, maaaring hindi na natin maisalba ang bata." ani ng nurse. "Mauna na po ako sir, pwede nyo na pong lapitan ang asawa niyo." Pumasok si Tim at hinawakan ang kamay ng kanyang asawa. Tiningnan siya nito at ngumiti.
"Si Mariz? Ano' ng nangyari sa kanya?"
"Asa kabilang section lang siya, wala pang sinasabi ang mga doktor." kalmadong tugon nito.
"How's our baby?" mahinang tanong ni Dorothy.
"Huwag ka ng mag-alala, okay na siya. Sabi ng nurse, huwag ka daw muna magbubuhat ng mabibigat na bagay. Huwag ka din daw gagawa ng extreme actions. At huwag na huwag ka daw ma i-stress kundi, si baby daw ay mag swi-swimming daw palabas." natatawang tugon ni Tim. Napatawa naman si Dorothy dito at napabuntong hininga ito. "Pahinga ka nalang muna ha. Babantayan ko lang si Mariz sa labas."
"Sige Tim." Lumabas siya at binantayan ang section ni Mariz. Kinakabahan ito dahil nagtatagal ang mga doktor sa loob. Nasa isip tuloy nito na baka seryoso ang nangyari sa kanyang anak kaya nagtatagal ang mga doktor sa loob. Hindi matanggal sa isip ni Tim ang itsura ng kanyang anak noong nilabas niya ito sa loob ng cabinet. Nawala ang pagmumuni-muni nito ng lumabas ang doktor na nag aasikaso sa kanyang anak.
Dali-daling lumapit si Tim sa doktor at tinanong ito. "Dok, kamusta po ang anak ko?"
"Stable naman po ang vital signs niya. Wala din naman pong signs ng any abnoralities sa kanyang mga organs. Pero to tell you honestly, ngayon lang kami nakakita ng ganoong kalagayan. Wala naman po kaming nakitang signs ng allergies o pamamaga, kaya nagtataka po kaming lahat kung bakit may pasa pasa ito sa katawan ganoong wala naman itong senyales ng pagkabugbog o kung ano man."
"Ligtas na po ba ang anak ko dok?"
"Yes, ligtas na ang anak niyo, pero nakakabahala parin ang mga pasa sa kanyang katawan. You daughter's case is already beyond science. Hindi po sa tinatakot namin kayo sir, pero, kung hindi po natin malaman agad ang kaso ng anak nyo, she might be in a big trouble. Excuse me po. "
BINABASA MO ANG
The Mirror #Wattys2016
TerrorThe Clairvoyant Files Series #1 Isang sikat na DJ si Jorelle Anne Dela Cruz Barnes ngunit hindi lang pagiging isang disk jockey ang kanyang trabaho. Isa rin siyang clairvoyant na trumatrabaho ng mga paranormal cases kasama ang kanyang mga kaibi...