"Ngayong araw ang tinaguriang 'The Devil's Day' pero pinayuhan ng simbahang katolika na huwag silang mabahala dahil ito ay isang kathang isip lamang. Sinasabi nila..."
Nasa cateen ang tropa ni Jorelle. Lahat sila ay busy sa kani-kanilang gawain. Tinatapos ng magpartner na si Jorelle at Edilbert ang kanilang thesis, samantalang naglalampungan ang magboyfriend at girlfriend na si Elysse at Jared. Halata sa itsura ni Jorelle ang pagiging wala sa mood nito. Tahimik, wlaang kibo at titig na titig sa laptop niya. Napaghalataan tuloy ito ni Elysse.
"Hoy, babaylan! Ano bang problema mo. Hindi ka naman ganyan ah." sita ni Elysse habang pilit na hinahawakan siya ng boyfriend nya. "Teka nga, ano ba! Sisipain kita diyan eh. Mag-aral ka at may long test ang prof mo sa Poligov! Pag bumagsak ka, wala kang date sa linggo sinasabi ko sa' yo."
"Wala 'to meron lang ako ngayon." wika ni Jorelle.
"Ito magsisinungaling nalang hindi pa galing galingan. Hoy bakla, sabay ang period natin. Ano ito unli gripo? Katatapos lang natin noong isang linggo!" napatawa nalang ang dalawang lalaki. "Ano' ng tinatawa tawa nyo? Palibhasa hindi kayo nakakaexperience ng monthly period."
Napatigil sa kanyang ginagawa si Jorelle at tumingin sa tropa. "Kagabi kasi, may ano akong nakita."
Nanlaki ang mata ni Elysse. "Ano? Malaki ba?" pabiro nito. Kinurot siya ng jowa niya. "Araaay! Ano ba? Kasalanan ko ba na-" tinapkan ng boyfriend niya ang kanyang bibig.
"Ehe, tuloy mo lang. Ano ba nakita mo?" tanong ni Jared.
"Pwe! Ang baho ng kamay mo! Mag hugas ka nga amoy shom pomps yan eh." biro ni Elysse.
"Nakakita ako ng babaeng duguan at nakaitim sa bahay kagabi." natigilan ang buong tropa sa sinabi niya. "Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon pero ang alam ko hindi magandang pangitain iyon."
Nagsasalita si Jorelle ng biglang makatanggap ng text si Elysse. Si McCoy. Tinatanong nito kung alam ba niya kung nasaan si Jorelle. Sa isip-isip ni Elysse, baka ito na ang tamang time para mag-kaayos ang dalawa kaya sinabi niya ang kinaroroonan nila. Biglang nagsalita ito. "Sinabi ko kay McCoy kung nasaan tayo." wika niya. Nagulat ang lahat sa sinabi niya. Napatingin ang dalawang lalake kay Jorelle.
"A-Anong sabi mo?" sambit ni Jorelle.
"Sinabi ko kay McCoy kung nasaan ka." kalmadong tugon ni Elysse.
"Bakit mo ginawa iyon?" tanong ni Jorelle.
"Kasi, kailangan daw niya ang tulong mo." napatayo si Jorelle sa kanyang kinauupuan at niligpit ang kanyang gamit. "Please, ano ba. Jorelle, pwede ba huwag kang O.A."
Napatingin siya sa kanyang kaibigan. "At ako pa ngayon ang O.A? Elysse, iniwan niya ako sa ere. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Tapos magpapakita siya sakin after four years na para bang walang nangyari?"
BINABASA MO ANG
The Mirror #Wattys2016
HorreurThe Clairvoyant Files Series #1 Isang sikat na DJ si Jorelle Anne Dela Cruz Barnes ngunit hindi lang pagiging isang disk jockey ang kanyang trabaho. Isa rin siyang clairvoyant na trumatrabaho ng mga paranormal cases kasama ang kanyang mga kaibi...