Tinawagan ni McCoy si Tim para sabihin na hindi pa niya nakukumbinsi ang dating kaibigan. Dagdag pa niya na hindi siya titigil hangga't hindi niya napapapayag si DJ Jo. Pinapunta ni Tim si McCoy sa kanilang bahay para makapag kwento ang mag-asawa sa mga nangyayaring kababalaghan sa kanilang bahay. Tinext sa kanya ang address ng kaniyang pupuntahan at pagkatapos ay naghanap siya ng taxi na masasakyan. Habang nasa biyahe, may tumatawag sa kanya sa cellphone. Ang nanay niya. Hindi maganda ang naging huling pag-uusap ng mag-ina dahil nagkaaway si McCoy at ang tatay niyang kano.
"Anak, galit ka pa ba?" tanong ng nanay niya sa kabilang linya.
"Hangga't hini umaalis yang kumag na iyan sa bahay ma, hindi ako mauwi diyan." saad ni McCoy.
"Mak, tatay mo parin siya, sundin mo nalang ang-"
"Sundin ma? Buong buhay ko sunud-sunuran lang ako sa kanya. Wala akong pakialam kung saang lupalop ng amerika, europa, antartika o atlantika niya ako dadalhin para mag-aral. Pumayag na nga ako na siya ang pumili ng kolehiyo na papasukan ko kahit labag sa loob ko na umalis ng probinsya, ngayon naman, babalik siya galing ibang bansa tas basta basta akong kukunin para gawing tagapangalaga ng kanyang may sakit na nanay? Ma, nurse ako, hindi ako caregiver at lalong hindi ako nagtratrabaho sa home for the aged."
Pinatay na nya ang telepono at nilagay sa bulsa. Hindi alam ni McCoy kung tama ba ang inasal niya sa kanyang ina, pero ang alam lang niya ay masama ang loob niya dito dahil hindi manlang siya kayang ipaglaban nito sa kanyang ama. Pumayag itong kunin siyang tagapangalaga at ikulong sa amerika kasama ang unang pamilya. Anak kasi siya sa labas kaya naman ganoon nalang ang galit niya sa kanyang ama.
Makalipas ang kalahating oras, nakarating na ito sa kanyang destinasyon. Madilim at tanging mga poste lang ang nagbibigay liwanag sa daan. Maputik at halatang umulan. Binayaran niya ang taxi at naglakad papasok ng bahay. Bukas ang ilaw ng buong kabahayan, kumatok siya at pinagbuksan naman siya ng isang dalaga.
"Ikaw si McCoy?"
"Ah oo, pinapunta ako ni Mr. Ocampo."
"Pasok, I'm Alyssa, panganay nila."
Pumasok si McCoy at nagpagpag sa doormat. Hinubad nito ang sapatos at umupo sa may sofa. Mayamaya pa' y sinalubong siya ni Tim.
"Hi. Buti nakarating ka." nakangiting bati sa kanya nito bago nakipagkamay.
"Salamat sa pag-imbita." pinaupo siya ni Tim. Hinantay nilang dalawa na dumating ang buong pamilya bago simulan ang kwentuhan. Naglakad lakad muna si McCoy habang wala pa ang buong pamilya. Pinagmasdan at nakiramdam sa buong kabahayan. Tinititigan lang siya ni Tim habang naglalakad. Ilang sandali lang ay dumating na ang buong pamilya at umupo silang lahat sa sofa. Kitang kita sa itsura ng batang si Mariz ang pagbabago, medyo sumisigla na ang itsura nito.
"Mabuti narin po at naimbitahan nyo ako dito sa bahay ninyo, para sa ganoon ay madiskubre natin kung ano ba ang inyong kinakaharap. Alam na po ba ng buong pamilya ang nangyayari?" tanong niya kay Tim.
BINABASA MO ANG
The Mirror #Wattys2016
TerrorThe Clairvoyant Files Series #1 Isang sikat na DJ si Jorelle Anne Dela Cruz Barnes ngunit hindi lang pagiging isang disk jockey ang kanyang trabaho. Isa rin siyang clairvoyant na trumatrabaho ng mga paranormal cases kasama ang kanyang mga kaibi...