Nasa labas ng canteen si McCoy para intayin ang magiging desisyon ni Jorelle sa kanyang hinihinging tulong. Habang siya ay tahimik na nag-iintay, ang tropa naman ay hati ang desisyon kung siya ba ay tutulungan ni Jorelle o hindi. Ang dalawang lalaki ay hindi sang-ayon dahil ayon sa kanila ay maaaring mapahamak ang kanilang kaibigan. Samantalang si Elysse naman ay gustong tulungan ni Jorelle ang pamilya.
"Natatakot ako, baka mapahamak ako dun sa bahay. Papaano kung hindi ko sila kayang tulungan?" ani ni Jorelle.
"Kaya nga huwag mo nang tanggapin ang hinihingi niyang tulong." wika ni Edilbert. Sa isip-isip ni Jorelle, concerned lang ang kanyang kaibigan sa kanya. Ang hindi niya alam, nababahala siya na baka umaligid si McCoy sa kanya at bumalik ang dati nilang pagtitinginan. Wala naman talaga sa kanyang kaso ang tulungan ang pamilya, ang problema lang ay ayaw niyang maagaw sa kanya si Jorelle. Iniisip tuloy ng binata kung aaminin na niya kay Jorelle ang tunay niyang nararamdaman. Pero natatakot ito na baka masira ang pagkakaibigan nila dahil alam niyang hindi pa kaya ni Jo na pumasok sa isang relasyon.
"Jo, kung hindi mo talaga sila kayang tulungan, kahit alamin mo muna kung ano bang kailangan nung nangunguha ng kaluluwa para may hakbang na silang mapaghahandaan kung sakaling hindi mo sila matutulungan." saad ni Elysse. Tumingin siya sa kanyang kasintahan. "Ikaw naman, ayusin mo ang pag rereview! Babagsakin na ang grades mo kailangan mong bumawi."
"Hindi na nga ako nangangailam sa usapan nyo eh. Basta ako, kampi ako kay Edilbert. Baka mapahamak ka lang sa tabi nung mokong na iyon." sabi ni Jared habang hawak ang reviewer.
"Well, technically hindi naman kami magsasamang dalawa dahil ang focus ko lang is yung pamilya na humihingi ng tulong. Hangga't maaari, hindi ko muna siya kakapanatagan ng loob dahil baka ma-misinterpret pa niya na okay na kami." tugon ni Jorelle. "Gusto ko naman talaga silang tulungan, kaso lang..."
"Kaso hindi mo kayang makipagtrabaho sa kanya ulit? Diba sabi mo siya dati ang pakners mo sa mga ganitong pangyayari? Bakit, mahal po parin ba siya?" tanong ni Elysse sa kanyang kaibigan. Napatingin naman si Edilbert kay Jorelle na natahimik at hindi makapagsalita. "Silence means yes." dagdag pa nito.
"Hindi ko pa talaga siya kayang patawarin eh." wika ni Jorelle.
"Girl, hindi naman niya hinihingi na patawarin mo siya. Ang hinihingi niya tulong. Ikaw lang ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa sarili mo. Huwag mo kasing isipin masyado na baka bumalik ang dating Jorelle na inlababo sa kanya. Diba sabi mo iiwasan mo siya, eh di ganoon ang gawin mo. Tapos ang problema." litanya ni Elysse.
"Papaano kung mapahamak siya doon?" tanong ni Edilbert.
"ANG KULET!? Naandon naman si McCoy eh, hindi naman siguro siya pababayaan noon." sagot ni Elysse.
"Sasama nalang ako sa kanila." wika ulit ni Edilbert.
"Bakit, may alam ka ba sa mga multo multo?" natahimik si Edilbert. "Oh, diba wala? Kaya ikaw gawin mo nalang ang thesis ninyong dalawa. Mamaya ikaw pa ang kunin nung multo hala ka." biro ni Elysse.
BINABASA MO ANG
The Mirror #Wattys2016
TerrorThe Clairvoyant Files Series #1 Isang sikat na DJ si Jorelle Anne Dela Cruz Barnes ngunit hindi lang pagiging isang disk jockey ang kanyang trabaho. Isa rin siyang clairvoyant na trumatrabaho ng mga paranormal cases kasama ang kanyang mga kaibi...