SALAMAT SA 100+ READS GUYS! NAKAKATABA PO NG PUSO NA MAY ISANG DAANG KATAO NA NAG AKSAYA, NAGPAKAPALIWARA AT NAG GASTA NG ORAS NILA PARA BASAHIN ANG AKING KAUNA-UNAHANG MASTERPIECE, IKA NGA NI JESSIE J, YOU'RE MY FLASHLIGHT GUYS! WAMYUU!! ENJOY THE STORY!
---
Naglakad sila Chona at Jorelle papasok ng bahay at dinatnan nila ang asawa ni Chona na nagdra-drawing sa may sala. Wala pa si Carlo dahil ito ay may pasok pa sa eskwelahan. Nasa may labas naman si Chona, naglalaba. "Nagdaan ang mga araw, tila nag-iiba ang pakikitungo ko sa asawa't anak ko. Hindi ko alam na nagagalit pala ako sa kanila nang hindi namamalayan at bigla bigla nalang akong nagiiyak."
"Sino si Marie?" tanong ni Chona habang pinupunasan ang kanyang basang kamay.
"Huh?" napatigil sa pagdra-drawing si Charles at tumingin sa kanyang asawa. "Marie?"
"Oo, Marie, sino si Marie?"
"Yung kapitbahay natin? Bakit?" tinitigan lang niya ang asawa niya.
"Alangan naman yung anak natin, lalake siya Charles. Carlo ang pangalan at hindi Marie. Ngayon sino si Marie? Kabit mo siya no? Siguro nagsasawa ka na sa akin kaya naghanap ka ng iba!" wika ni Chona.
"Kabit? Ano nanamang pumasok sa isip mo. Wala akong kabit okay? Nakipagkwentuhan lang sakin si Marie dahil ngayon lang niya nakitang may naninirahan dito sa bahay. Okay na?"
"Mag dadalawang buwan na tayo dito sa bahay ngayon lang niya napansin na may nakatira dito? Ang sabihin mo lumalandi ka lang sa kanya dahil siya na ang gusto mo at hindi ako!" kahit sawang sawa na si Charles sa kanyang mga naririnig ay pinipilit nalang niya na intindihin ang asawa dahil sa kundisyon nito. Hindi nalang niya pinatulan ang asawa niya at tinuloy nalang nito ang pagguhit. Ilang sandali lang ang nakalipas laking gulat niya ng nasa likod na niya ito. "Akin ka lang Charles, akin ka lang. Ang sino mang magtatangkang umagaw sa' yo sa akin, papatayin ko. Naiintindihan mo ba iyon?" kinilabutan si Charles sa sinabing iyon ng asawa niya. Hindi naman ito dati nagsasalita ng mga ganoong pagbabanta kaya laking gulat niya ng bigla itong nagsalita ng ganoon. "Akin ka lang Charles, akin ka lang. Akin ka lang Charles, akin ka lang." paulit ulit nitong sinasabi habang naglakad pabalik sa labas. Hindi na naituloy ni Charles ang kanyang ginagawa at tuluyang nawalan ng gana.
"December 24, 1986, araw na hinding hindi malilimutan ng aming pamilya. Masaya ang paligid sa buong kabahayan. May mga pailaw, parol at christmas tree sa loob ng bahay. Habang ako ay nagluluto ng aming handa, ang aking asawa naman ay umalis muna para daw bumili ng iba pang ihahanda sa aming salu-salo pagpatak ng alas dose ng hatinggabi. Nag gagayat ako ng mga sahog sa aking niluluto ng biglang may narinig akong nabasag sa taas ng bahay. Iniwan ko sandali ang aking ginagawa at umakyat sa taas para tingnan ito."
"Carlo, ano' ng nangya-" nagulat si Chona ng makita niya ang mga abo ng kanyang ina sa sahig. Natapon at nabasag pala ito ni Carlo. "A-Ano' ng ginawa mo Carlo? Anong nangyari?" kalmadong tanong ni Chona.
"H-Hindi ko n-naman po sinasadya mama. N-naglalaro lang po ako ng bola ko ng bigla akong nadapa tapos nahatak ko po yung tela sa altar. N-nabasag po yung lalagyan ng abo."
"K-Kumuha ka ng dustpan sa baba. Bilis." kahit na naghihinagpis ang damdamin niya sa nangyari, wala na siyang magawa kundi ayusin nalang ang kalat. Ayaw din naman niyang magalit dahil magpapasko na.
BINABASA MO ANG
The Mirror #Wattys2016
TerrorThe Clairvoyant Files Series #1 Isang sikat na DJ si Jorelle Anne Dela Cruz Barnes ngunit hindi lang pagiging isang disk jockey ang kanyang trabaho. Isa rin siyang clairvoyant na trumatrabaho ng mga paranormal cases kasama ang kanyang mga kaibi...