CHAPTER 10: IMBESTIGASYON

316 13 2
                                    

"Siya po yung sinasabi kong makakatulong sa inyo. Si Jorelle po. Dati kong kaibigan. May malawak po siyang kaalaman tungkol sa mga paranormal cases etc."


"Nice meeting you hija. Ako si Dorothy, siya naman ang asawa ko, si Timothy. Tapos ito ang mga anak namin, si Alyssa, kasing edad mo rin lang siguro. Tapos si Jovi, tapos si Jasmine. Tapos yung batang nakahiga sa sofa, siya yung bunso namin. Si Mariz." tugon ni Dorothy. "Halikayo upo tayo doon sa kusina. Naghanda ako ng pagkain para sa inyo." dagdag pa niya.

Naiwan sa sala ang magkakapatid samantalang nasa kusina naman si McCoy, Jorelle, at ang mag-asawa. Naghanda ng sandwich at juice si Dorothy. Kumuha ng isa si Jorelle tapos nagsimulang magtanong si Dorothy.


"Matutulungan mo ba kami hija?"


"D-Dipende po iyon sa kaso ng anak ninyo. Iimbestigahan ko po muna ang mga pangyayari sa bahay katulad ng kung may iba bang nakatira dito o kung may nangyari ba dito, mga ganoon po." kumagat sa sandwich si Jorelle. "Pwede nyo po ba akong kwentuhan ng mga pangyayari? Kailan nagsimula hanggang sa latest occurence po."


Nagkwento ang mag-asawa tungkol sa mga pangyayari. Sa sala naman, busy ang magkapatid na si Alyssa at Jovi sa pagkwekwentuhan. Nakahiligan na ng dalawa na magkwentuhan ng tahimik tungkol sa mga bagay bagay tulad ng lovelife, secrets at kung anu-ano pa na sila lang dalawa ang nakakaalam. Habang nagkwekwento si Jovi, nakarinig ng boses si Alyssa galing sa cabinet.


"Ate, tulungan mo ako. Ate."


"Mariz?" tanong ni Jovi. Napatingin siya sa salamin at kitang kita ng dalawa niyang mata ang kaluluwa ng kapatid niyang bunso. Nilapitan nila ito at nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata nito. "Mariz? Okay ka lang ba diyan? Baby girl, be strong lang ha. Tutulungan ka nila kuya McCoy. Ililigtas ka namin!"


"Ate Alyssa, ate Jovi, natatakot ako! Tulungan nyo ako." sambit ng batang si Mariz. Nakapanlulumo ang itsura nito. Halatang takot na takot ang bata.


"Don't you worry Mariz! Tutulungan ka namin!" wika ni Alyssa.


"Ate, natatakot ako, baka patayin niya akooooo!!! ATEEEE!!!!!" nawala ang aparisyon ng kaluluwa ni Mariz sa salamin.


"MARIZ! MARIZ! MAMA! PAPA! SI MARIZ!" sigaw ni Alyssa. Tumakbo ang mag-asawa papalapit sa kanila. Kasunod ng dalawa si Jorelle at McCoy.



"Ano' ng nangyari kay Mariz? Alyssa? Jovi?" tanong ni Tim.


"N-Nakita po namin yung kaluluwa ni Mariz kanina sa salamin. Takot na takot siya ma, nahingi siya ng tulong. Tapos habang nagsasalita siya, bigla siyang nawala." ani ni Jovi habang naiyak.


"P-Pwede ko bang lapitan ang salamin?" wika ni Jorelle. Nagparaan ang magkapatid at ang mag-asawa para malapitan ni Jorelle ang cabinet. Hinawakan niya itong mabuti at ramdam ng kanyang katawan ang mabigat na prisensya ng cabinet. "Dito nagmumula lahat ng kaguluhan sa bahay na ito. Saan niyo ba nakuha ang cabinet na ito?"

The Mirror #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon