CHAPTER 6: SI McCOY

355 13 2
                                    

AYAN NA!! May flow na ang story! POWER OF CSV, College of Saint Venilde. CHOS! Comment Share and Vote na mga guyth! Kiss kiss muwa muwa, hart hart #4ever_q0ugh chos. 

---

Habang nasa tambayan nila sa may mall ang dalawa, nakatanggap ng isang e-mail si Edilbert. Binuksan niya ito at binasa. "Jo, may pa party daw ang kambal na si AJ at PJ, nakatanggap ka din ba ng e-mail galing kay PJ?"


"W-Wala akong net eh. Ano bang sabi?"


"May pa-party daw ang kambal bago lumuwas ng ibang bansa at mag migrate doon. Lahat daw ng high school classmates natin invited, at lahat sila nag confirmed na daw na mapunta. Tayo nalang grupo ang iniintay sumagot."


"Lahat? Baka naman OA lang yang si bakla." tugon ni Jo habang inuubos ang kanyang inumin.


"Wait, tawagan ko si Peege." dinial niya ang number ni PJ at inispeaker phone ito. Mayamaya pa' y sumagot na ito. "Hello, Peege?"


"Papa ED!! Ano na kamusta? Nareceive mo ba e-mail ko?" masiglang bati ng nasa kabilang linya.


"Yes peege, okay lang ako. Eto si Jo, kasama ko. Actually nareceive ko yung e-mail mo and gusto sana naming i-confirm kung lahat ba eh pupunta sa party. Kasi busy kami sa thesis namin eh kung hindi naman pupunta yung iba, hindi narin kami sasama." tugon nito.


"Enebeyen papa Ed naman! Oo nga diba, kayong weirdo group nalang ang hindi nag coconfirm. Lahat ng dating St.Nicholas ay pupunta. Gusto mo isa-isahin ko pa ang nag confirm? Oh eto, wait. Si father Jordan, architech Vincent, teacher Benedict, attorney Gilbert, police inspector Niel, father Daniel, teacher James, nurse McCoy, police officer Andrei..." napatingin si Ed kay Jo na natigilan sa kanyang kinakaupuan.


"Ah-Ahhh Oo, sige sige, huwag mo ng ituloy. Lahat sila pupunta. Text nalang kita or message kung pupunta kami ha."


"Sige papa Ed. Bye! Wamyu! Ehe!'



Pinatay ni Edilbert ang cellphone niya at nilapag ito sa may table. Natahimik ang kaibigan niya na para bang natutuwa na nagagalit na halo halo ang emosyon na pilit tinatago. "Okay ka lang?'


Napatingin si Jo kay Ed. "Oo, oo naman. Bakit?" wika nito.


"Alam ko hindi ka Okay, dahil ba kay McCoy?" tanong niya.


Sa isip-isip ni Jo, kilala na siya ng kanyang kaibigan kaya wala ng point para magsinungaling pa. "Hindi. Biro mo after 4 years magpapakita pa pala si McCoy no? Parang kailan lang."


"Kung ayaw mo pumunta, hindi narin ako pupunta." tugon ni Ed.


"Ano ka ba, pumunta ka. Hindi mo naman ako kailangang samahan palagi. Kaya ko na ang saraili ko oka? Pumunta ka sa party, ako na bahala sa thesis natin. Habang wala ka, ako na muna ang mag aayos ng data ng ating survey." ani ni Jo.

The Mirror #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon