CHAPTER 14: KATOTOHANAN

300 11 0
                                    



"Huwag nyo pong pagkatiwalaan si Chona. Hindi na po siya ang inyong nakakausap," wika ng batang si Carlo.

"Ano 'ng ibig mong sabihin?" Tanong ni Jorelle.

"Hindi na po siya ang nagpaparamdam at nagpapakita sa inyo. Matagal na pong nakuha ang kanyang kaluluwa ng demonyo."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Jorelle sa kaba. Hindi niya sukat akalain na ang kanyang nakakausap sa mga pangitain ay isa na palang demonyo. Nakatitig siya sa mata ng batang si Carlo at hinawakan niya ang kaliwang kamay nito.

"Hindi ko na kayang gawin ang mga pinapagawa mo sa 'kin! Ayaw ko na!" sigaw ni Chona. Nakatayo si Chona sa gitna ng kakahuyan habang nakatingin sa isang malaking puno. Biglang lumakas ang hangin sa paligid at may isang boses dumagungdong sa paligid.

"Ano 'ng ginagawa ni Chona dito?" tanong ni Jorelle sa batang si Carlo.

"Dito po nagsimula ang lahat. Tuwing gabi nalang po, kapag napapansin ko po na may naglalakad sa labas ng aking kwarto, sinilisip ko po kung sino ang naglalakad. Si Nanay Chona po iyon. Sinusundan ko siya lagi papunta dito at napag-alaman ko na nakipagkasundo po pala siya sa demonyo para bigyan ulit siya ng isa pang anak. Kapalit po noon ay kailangan niyang pumatay at ialay ang anim na kaluluwa sa demonyo." Wika ni Carlo. "Pero hindi lang po iyon ang nakakabahala doon." Dagdag pa nito.

"Sa tingin mo papayag akong bumitaw ka sa ating kasunduan? Ilang siglo narin akong naghihintay para sa sandali ito, kaya hinding hindi ko ikaw papayagang kumawala sa 'kin!" wika ng isang misteryosong boses.

"Bakit? Ano 'ng balak mong gawin?" tanong ni Chona.

Biglang may lumabas na mga kaluluwa mula sa kadiliman ng kagubatan na siyang kinatakot ni Chona kaya naman ito'y napaatras. Pinalibutan siya ng mga ito na tila ba ay may balak gawin sa kanya.

"S-Sino sila?" sambit ni Chona.

"Sila, kagaya mo, ay mga ordinaryong tao na lumapit at humiling sa akin, ngunit sa kalaunan ay hindi nagtagumpay dahil kanilang kaduwagan. Si Elisa, noong panahon ng mga Espanyol, ginahasa at inanakan ng isang prayle na matapos magsimba kasama ang bata, ay pinatapon ang bata sa dagat ng prayle at pinalayas sa kanilang bayan. Tumira sa may Sitio Ildefonso, at doon humiling siya sakin na bigyan ko siya ng anak, nakipagkasundo siya, at nagtagumpay naman siya. Si Lucing, nakapangasawa ng lasenggo na napatay sa isang away sangkot ang mga Amerikano, humiling din sa akin, tinupad ko. Si Maria, isang dalagang hindi nakamulatan ang kanyang inang napatay ng magnanakaw na sumalakay sa kanilang bahay, humiling sakin, tinupad ko. Si Jose, namatay ang asawa sa panganganak, humiling nabuhayin ko ang kanyang asawa, pinatay niya ang kanyang bagong silang na sanggol at lima pang katao kasama na ang biyenan, pinsan, tiyuhin at tiyahin at hipag. Si Mario, naaksidente ang ama't-ina, nagnais na makasama silang dalawa, tinupad ko. At siyempre, ikaw Chona. Ngayong ikaw nalang ang tanging susi sa aking pagkakatawang tao, sa tingin mo ba hahayaan kong mangyari ang gusto mo? Kayong anim, lahat kayo, iisa lang naman ang patutunguhan. Lahat ng bigat ng inyong kasalanan ang siyang nagpapalakas lalo sa akin, kaya, pati ang mga kaluluwa nyo, kukunin ko rin. Iyon ang hindi ninyo alam. Ang mga bagay na pinagpalit ninyo, ay wala pa sa matatanggap ko. Kaya Chona, wala ka nang magagawa, mamamatay ka din kagaya nila."

"Huh, ganoon ba? Kung mautak ka, mas mautak ako sa iyo. Tatlo palang naman ang napapatay ko. Tapusin na natin ito!" Sigaw ni Chona.

"Ano 'ng gagawin ni Chona?" tanong ni Chona.

"Hindi akalain ng demonyo na mauutakan siya ni Nanay Chona. Tatlo palang ang napapatay nito, at para hindi siya magtagumpay, pinatay nalang niya ang sarili niya. Sinabuyan niya ng gaas ang higaan niya at pagkatapos ay sinindihan niya ito. Bago pa siya tuluyang lamunin ng apoy, binaril niya ang sarili niya gamit ang baril ni tatay Charles. Pagkauwi na pagkauwi ng tatay galing sa trabaho, laking gulat niya na nasusunog na ang kwarto nilang mag-asawa. Naapula na niya ang apoy pero sunog na ang bangkay ni nanay Chona. Nang masuri ng mga spesyalista ang bangkay, nakita ang bala sa ulo ni nanay Chona galing sa baril ni tatay Charles, pinagbintangan siyang pumatay sa asawa dahil sa pag-aaway nila pero hindi nila alam ang tunay na dahilan kung bakit kinitil ng nanay Chona ang buhay niya. Akala ni nanay Chona, ligtas na siya, pero hindi pa pala. Kinontrol ng demonyo ang kaluluwa ni nanay Chona para makakuha pa siya ng dalawa pang kaluluwa, at ito ay ang kaluluwa ni Mariz."

"Papaano ang isa pang kaluluwa? Kanino ang kukunin niya?" hindi tumugon ang bata sa tanong niya at doon nalang niya napagtanto na maaaring ang kanyang kaluluwa ay makuha ng demonyo. "Ano ang dapat kong gawin?"

"Wasakin ang tanging saksi ng nakaraan at hinaharap." Tugon ni Carlo.

"Ano 'ng saksi?" wika ni Jorelle.

"Ang salamin." Sagot ni Carlo. "Ang salamin na siya pong nagpapaalala ng ating hinaharap at nagbabalik ng nakaraan. Nakikita nyo po ba ang salamin sa may cabinet? Ilang daang taon na ang salamin na iyon pero hindi parin ito naluluma, kahit anong sira ng cabinet, hindi ito mabasag basag ng sino mang nasa mundo ng mga tao. Ang tanging makakabasag lang nito ay sino mang kaluluwang kinuha niya."

"Bakit hindi ninyo binabasag ang salamin? Diba mga kaluluwa na kayo?" tanong ni Jorelle.

"Mga kaluluwa nga kami, pero kami po ay mga bilanggong kaluluwa sa loob ng salaming iyon. Hindi kami makaalis. Nakikita nyo po ako, dahil nakahawak ka sa salamin, ikaw lang ang tanging makakabasag nito dahil sa espesyal mo pong kakayanan. Basagin mo po ang salamin bago ka pa niya makuha at magtagumpay siya sa kanyang pagkakatawang tao. Wala na po tayong oras."

Biglang minulat ni Jorelle ang mga mata niya. Nakita niya ang sarili niyang nakahawak sa salamin at kitang kita niya ang kanyang sarili. Habang minamasdan ang salamin, biglang may lumabas na imahe sa likod niya.

"AHHHHH!" napaikot siya. "Chona?" napa-isip siya. Alam nyang hindi na si Chona ang kausap niya gaya ng wika ng batang si Carlo.

"Buksan mo na 'yan para makaalis na kayo ni Mariz!" sigaw ni Chona.

"Ate Jorelle! Tulong!" may narinig si Jorelle na iyak mula sa taas ng bahay.

"Mariz! Asan ka?" nagtatakbo si Jorelle papaakyat ng bahay upang hanapin ang iyak na kanyang narinig. Bigla namang nawala ang kaluluwa ni Chona sa kadiliman.


Author's Note: My gash!!!! In a span of one month, 900 reads na sya!!! Salamat guys! Pasensya na ha at ngayon lang ako nakapagupdate, nagkaproblema kasi laptop ko. Ayaw mabuhay! Kaloka! Salamat sa walang sawang sumusubaybay. 


xoxoMadamJaja

The Mirror #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon