Author's Note: Hi Guys, please support the story. Kung nagustuhan nyo po, please do hit the vote button. Importante din po ang mga comments and suggestion ninyo. Baguhan palang po ako sa pagsusulat ng Horror Story kasi dati puro kalanderz ang sinusulat ko. Choz. Ang akin pong peg dito ng very very light is Conjuring 2 pero iba po ang twist niya. Importante po sakin ang opinion ng mga mambabasa ko so kung nega man yan or positive, go lang. Wag lang mura, please, kota na ako dun. Kung kailangan hanapin ang mga di maintindihan na parts go! comment galore! yung mga typo po is dahil nag loloko si Laptop kaya ganern. Enjoy reading the story!
COMMENT, SHARE, VOTE! - wisely. CHAROT!
--
"Jovi! Aly! Mariz! Jasmine! Bangon na at kakain na tayo! Mahuhuli nanaman kayo sa class niyo!" umaalingawngaw na sigaw ng ilaw ng tahanan sa bahay ng mga Ocampo, si Dorothy.
"Pababa na po Madir!" tugon ni Alyssa, ang nakakatandang kapatid sa apat. Parang sinadya pero sunod sunod silang bumaba ayon sa kanilang pagkakasunod sunod ng edad. Una si Alyssa, sumunod si Jovi, pumangatlo si Jasmine, at huli si Mariz, ang pitong taong gulang na bata. Tatlong buwan lang ang nakakalipas, si Mariz ang bunso sa magkakapatid, pero sa darating na Agosto, siya na ang magiging ate ng kanilang one and only baby boy.
"Umalis na agad ang tatay nyo kaninang umaga. May kailangan daw siyang tapusin na plano for their next project. So, ako nalang maghahatid sa inyo ha. Okay lang ba iyon?" tanong ni Dorothy habang inaayos ang mga pinggan sa lamesa.
"Yes naman ma. I LOVE IT!!!" pabiro na tugon ni Jovi.
"Siya siya, sige na kumain na kayo at tayo ay maalis na in 15 minutes. Mariz, gusto mo bang sumama?" tumingin silang lahat sa nakababatang kapatid.
"Sige po ma. Pero pwede po ba tayong dumaan sa grocery? May papabili lang po ako ma." ani nito habang nginunguya ang hotdog at kanin.
"Okay. Ubos narin kasi ang stocks natin diyan sa kusina, mamaya, may bonding tayo ni mama okay?"
"Okay po ma. Salamat," sagot naman nito.
Ang pamilya Ocampo ay kalilipat lang sa kanilang bagong bahay tatlong buwan palang ang nakakalipas. Noong malaman ng asawa ni Dorothy na si Timothy na buntis ang kanyang asawa, binili na agad niya ang bahay dahil sabi nito, sign na daw iyon ni God para bumili ng bahay. Tila isang swerte ulit na ang nakitang bahay ni Tim ay sobrang mura, kaya naman binili agad niya ito. Bukod pa doon, akala nila na wala na silang chance na mag kaanak dahil may problema sa prostate si Timothy. Tapos noong nalaman nila na baby boy ang anak nila, lalo pang naging masaya ang atmospera sa buong kabahayan.
Matangkad, well-groomed, makinis ang mukha, medyo makapal ang kilay, kulay brown na mga mata, at malinis na mukha, walang balbas o bigote. Kung titingnan ng biglaan, aakalain mong nasa 20s pa ito, pero ang totoo, nasa 39 years old na ito. Isang well-knowned architech si Timothy, at siya ang may hawak sa mga naglalakihang building project sa kamaynilaan. Ang latest project nito ay ang isang 50 storey hotel building na hindi niya inaasahang darating.
Si Dorothy naman ay isang direktor ng mga sikat na pelikula sa bansa. 5'8 ang height, mahabang brownish na buhok, mapungay na mga mata, maliit na mga labi at kasiyasiyang tingnan ang itsura nito. Siya ang nagdirek ng mga sikat na soap opera at telenobela sa bansa katulad ng Maria La Dos Santos na pinagbidahan ng nag-iisang Angeli Lacson, at tumagal ang nasabing palabas ng halos dalawang taon. Ang huli niyang hinawakang telenobela ay ang pinagbidahan ng sikat na loveteam sa bansa ngayon, ang DiJane. Ang The Wings of Life. Tumagal ng isang taon ang telenobelang pinagbidahan ni Jane Reed, isang fil-german na actress, at Jordin Ilustre, ang pinaka in-demand na aktor ngayon. Guwapo at may 6 pack abs.
BINABASA MO ANG
The Mirror #Wattys2016
TerrorThe Clairvoyant Files Series #1 Isang sikat na DJ si Jorelle Anne Dela Cruz Barnes ngunit hindi lang pagiging isang disk jockey ang kanyang trabaho. Isa rin siyang clairvoyant na trumatrabaho ng mga paranormal cases kasama ang kanyang mga kaibi...