Dalawang araw nang hindi nakibo o nagsasalita ang batang si Mariz. Kitang kita sa itsura nito ang pagbabago. Maputla ang labi, gulo gulong buhok, tulala at laging hawak ang manika niya. Kapag kinakausap ang bata, tititigan lang, pipikit at iiyak. Mabuti nalang at walang pasok kaya nagkaroon ng oras ang mga kapatid niya para siya ay kahit papaano ay aliwin o hindi naman kaya ay kausapin, kwentuhan at kantahan. Kapag naman ito ay tutulog, kailangan katabi nito ang kanyang mga magulang. Walang maisip na dahilan ang ilaw ng tahanan kung bakit nagkaganoon ang kanyang bunsong anak. Umuwi nalang siya isang araw galing sa palengke, naiyak sa sala ang bata habang nakataklob ng unan ang mukha.
Isang araw, nilalaro ng nakakatandang kapatid na si Jovi si Mariz sa sala. Ang kanilang nanay naman ay nasa may laundry room ng bahay. Si Alyssa ay nasa kwarto nito nagtatapos ng thesis at si Jasmine naman ay nasa taas naglilinis. Ginamit ni Jovi ang home theater nila at binuksan ang kanyang cellphone para makapagpatugtog manlang. Nakangiti lang ang bata sa kanya habang hawak hawak si Anna, ang manika nito. Naghanap ng kanta ang dalaga sa kanyang telepono at ang napili niya ay ang kanta ng sikat na banda sa ibang bansa na One Direction. Mistulang nabuhayan ng pabahagya ang kabahayan sa musika na kaniyang pinatugtog kaya naman hindi mapigilan ni Jovi na sumabay sa lyrics ng kanta.
Pagkatapos ng kanta, nagulat nalang si Jovi na biglang magplay ang kantang Eternally. Hindi alam ng dalaga kung saan nanggaling ang kantang ito dahil ni minsan hindi niya napakinggan ang nasabing awitin. Tumayo ang mga balahibo sa katawan ni Jovi sa saliw ng awitin kaya naman pati ang nanay nila na si Dorothy ay napalabas sa laundry room.
"Ano ba iyang pinapatugtog mo Jovelyn? Kailan ka pa nahilig sa makaluma?"
"M-Ma, hindi ko alam yang kantang iyan." utal utal na sagot nito.
"Patayin mo nga iyan. Para naman tayong makaluma eh. Mabuti pa wag ka nalang magpatugtog, buksan mo nalang yung TV at manood kayo ng Disney Channel." utos nito.
"Sige po ma."
Pinatay nito ang home theater at binuksan ang TV. Habang hinahanap nila ang Disney Channel, nagulantang ang dalaga ng biglang magbukas ang home theater at nagplay sa telepono nito ang kaparehas na kanta. Napasilip si Jasmine mula sa itaas pati ang kanilang nanay habang ang batang si Mariz ay nakasiksik sa tabi ng kanyang kapatid na si Jovelyn. Hindi alam ng dalaga kung papaano nagbukas ang home theater ng kanya. Ang alam niya ay pinatay niya ito. Hinugot nalang nito ang saksakan at saka inunplug ang auxillary sa kanyang cellphone. Paglipat nila ng Disney Channel, napatakbo at napaiyak ang batang si Mariz sa kanyang nanay ng biglang nalipat ang channel sa Myx habang tumutugtog ang kantang Eternally. Pati si Jovi na nakaupo sa sahig ng sala ay napatkabo sa may hagdan.
Pilit nagpapakatatag ang tatlong buwang buntis na si Dorothy sa nangyari. Kahit nababalot narin siya ng takot, ayaw niyang ipakita sa kanyang anak na siya rin ay takot kaya naman si Jovi nalang ang pinaglaba niya at sinamahan si Mariz sa kusina. Nilabas nito ang laptop niya at pinaglaro ang bata.
Kinuwento ni Dorothy sa kanyang asawang si Timothy ang nangyari pero sa halip na paniwalaan ay pinagtawanan nalang nito ang kanyang maybahay. Habang nakain sila, hindi mapigilan ng babae ang pagkainis sa esposo niya. Nawala ang tawa sa mata ng lalake nang kinuwento ito ni Jasmine at Jovi. Akala ni Timothy nagloloko lang ang kanyang asawa, humingi siya ng tawad at sinabing baka nagkataon lang iyon. Nagpaliwanag ito na may kalumaan narin ang home theater na galing pa sa bahay ng kaniyang mga magulang at baka kaya nalipat ang channel ng TV ay dahil naapakan o nadaganan lang ito. Hindi alam ng lalake kung papaano niya pagagaanin ang loob ng kaniyang pamilya kaya naman dinaan nalang nito sa isang good news ang lahat.
"Katatapos lang ng isang project ko sa may Tagaytay. Malaki laking commission ang matatanggap ko kaya baka pagkapanganak mo mahal, matuloy na ang ating planong Amerika. Ayusin mo na mahal ang papeles nila tsaka ni baby para pagkalabas niya, after three or four weeks makakalipad na tayo. Ayos ba iyon?" nakangiting sentemyento ng padre de pamilya. Masayang masaya ang buong pamilya maliban sa kanilang ilaw ng tahanan. Hindi mapanatag ang loob nito dahil sa kanyang mga nararamdaman at nararanasan nitong mga araw na nagdaan.
BINABASA MO ANG
The Mirror #Wattys2016
KorkuThe Clairvoyant Files Series #1 Isang sikat na DJ si Jorelle Anne Dela Cruz Barnes ngunit hindi lang pagiging isang disk jockey ang kanyang trabaho. Isa rin siyang clairvoyant na trumatrabaho ng mga paranormal cases kasama ang kanyang mga kaibi...