S A N A

260 4 1
                                    

KAYEs POV

ang himbing ng tulog ng mahal ko..
naka unan  sa aking braso.inayos ko ang kumot na malapit ng malaglag ito lang ang nakatakip sa hubad niyang katawan.
ang sarap halikan ng mga labi niya..
lalo ko siyang minahal sa natuklasan ko kagabi..at ipinapangako ko sa aking sarili mamahalin paliligayahin ko siya sa abot ng aking makakaya.

napapikit ako ng naisip ko ang nangyari kanina..arghh!!

Gumalaw ito..ginawaran ko ng halik sa labi
at tuluyang nagising.
hinalikan ko muli ngayon naman sa noo.. ngumiti ito sa akin.

anong oras na ba mahal?
tanong niya.at kinusot ang mata

alas sais na ng gabi..
gutom ka na ba?
tanong ko sa kanya.. tumango siya..



bumangon  na siya at umupo sa gilid ng katre.naiwan akong nakahiga kaya kita ko ang kanyang naka expose na likuran.

harapan lang niya ang kanyang tinakpan.

nahuli niya akong nakatitig sa kanya.. isang pilyong ngiti na sumilay sa aking labi.

ano ba kaye!! yang mga ngiti mo a.. ayaw ko niyan!

hah! bakit!?

 di naman kita iana ano a?hahaha

pagkukunwari ko pero sa totoo lang nasusubok nanaman ang aking pasenya sa pagkakataong iyo.. ang aking control sa sarili..

ayaw kong isipin niya na sinasamantala ko ang pagkakataon..

pero ano bang magagawa ko..mahal ko siya kong pwede nga lang minuminoto na iparamdam ko ito sa kanya e gagawin ko ulit yon..

lika nga dito mahal ko!!!



ayyyyy!! ano ba may kiliti ako dyan...kaye tama na..kaaaye!!! hahahaha







napuno ang silid ng tawanan at hagikgik ni mia.. ang sarap sa pakiramdam na kasama ko ang mahal ko sa oras na to.. 

mag ayos ka lalabas tayo! tumigil na ako sa ginagawa kong pagkiliti sa kanya..

alam kong gutom na rin siya.

sabay kaming bamangun.







dinampot ko ang mga damit nito sa sahig at sinama sa labahan..

nakakunot noo itong naka tingin sa akin.. magsasalita na sana.. pero di tinuloy tinaasan lang ako ng kilay

kumuha ako ng damit mula sa aking lalagyan..

"ano to?"

sabi niya sabay taas ng itim na tshirt 

"damit!" simpleng sagot ko

"kaye naman e.. alam ko..pero?!" 

"wala ng pero pero! yan ang isuot mo.. ito ang shorts..." 

inabot ko ito sa kanya.

"kanino to?" takang tanong niya sa shorts na binigay ko.

"naiwan ng kapatid ko sa aking maleta.. bago pa yan. may tag pa..wag ka mag alala." 

umirap at nagmartsa na itong pumasok sa banyo.

"hahahahha"

napatawa nalang ako ng umingay dahil sa padabog  niyang pagsara ng pinto

PUSONG LIGAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon