"Jacob! Jacob!" Napalingon si Jacob sa likod nya at nakita si Therese.
"O Therese, bakit?"
"Hi Jacob. Uhm, pwede sabay na tayo umuwi? Iniwan kasi ako nila Ali at Sasha eh."
"Oo naman. Pero tara na. May kukunin lang kasi ako sa bahay tapos babalik din ako dito sa school. May training kasi kami ngayon."
"Wow. Ang galing mo talaga Jacob. Kaya nga bilib ako sayo, napagsasabay mo yung sport mo pati yung pag-aaral mo at lalo na yung scholarship mo."
"Therese, kung di dahil sa basketball, wala akong scholarship kaya pinagbubutihan ko talaga."
At naglakad at umuwi na ang dalawa.
Hinatid ni Jacob si Therese sa kanilang bahay at nagpasalamat naman ng madami si Therese na halatang nagpapacute. Di nalang pinansin ni Jacob. Nakauwi nadin si Jacob at nakuha na nya ang kailangan nya kaya bumalik na sya agad sa school ng biglang nakita niya si Carrie sa isang coffee shop. At bigla namang napatingin din sa direksyon niya si Carrie. Ngumiti si Jacob at ngumiti din si Carrie kaya naman lumapit nalang siya.
"Hi." sabi ni Carrie
"Hello. Anong ginagawa mo dito?"
"Uh nothing really. nagpapahangin lang I guess."
"Ah ganun ba."
Biglang tumahimik yung paligid at feeling awkward na. Kaya naman sa kagustuhan nilang masave yung conversation sabay pa silang nagsalita.
"Sorry nabunggo kita kaninang umaga" he says
"Sorry kaninang umaga tsaka nasigawan kita." she says
Nagkatinginan nalang sila. Bigla namang tumayo si Carrie.
"Ah. Sige I'll go ahead na." sabay ngiti
"Sige. Ingat. Bye."
*Bakit napaka-awkward? Anong meron. Makabalik na nga lang sa school* at umalis na si Jacob at pumunta na sa training nila.
"Pare! Nakita mo ba yung transferee kanina? Yung taga Ostroff? Ang ganda no?!" yun yung usapang nadatnan ni Jacob pagdating niya sa gym ng school.
"Oo nga eh. Classmate nga namin yun eh. Right Jacob?" sabi ni Andrew. Si Andrew ang best friend ni Jacob. Since Grade 6 sila na yung magkasama lagi.
"Ah. Oo."
"Prrrrrrt! Team! Halikayo dito! May announcement ako." Sigaw ng coach nila sa basketball na si Coach Gerry. "Team. Dahil pasukan na, simula na naman ng mga tournaments at laban niyo sa iba't-ibang school...." tuloy tukoy na paliwanag ni Coach
"Pre. MVP ka na nito sigurado. Ngayon na gradute na si Marc!" bulong ni Andrew kay Jacob.
"Di ko lang alam. Malay mo may mas magustuhan pa si Coach, andyan naman si Frank o kaya si Migs eh."
"Sus. Wala naman yung mga yun sayo eh. Ikaw pa. Eh ang galing galing mo. Sayo nga ako natuto magbasketball."
"Nambola ka pa talaga."
"So team I really want your full attention. Lalo na sa mga graduating, lalo ka na Diaz, malaki ang shot mo para makapasok sa National Team"
"Yes po Coach" sagot ni Jacob
At nagsimula na ang training nila. Mga 8 na ng gabi nung natapos sila. Sabay umuwi si Jacob at si Andrew.
"Bakit kaya lumipat yung Carrie sa North Penn? Siguro wala ng pera yug pamilya nun. Pero hindi eh, Alfonso yung apelido niya so ibig sabihin sobrang yaman niya." says Andrew
"Ewan ko." ang nasabi lang ni Jacob
"Wow pare. Para akong nagtula dito tas yan lang sagot mo. Haha"
"Di lang ako interesado."
"Sungit mo naman pre. Haha"
"Sira ka. Sige na. Eto na bahay ko. Mag-ingat ka pag-uwi. Bukas nalang tayo magkita" paalam ni Jacob.
"Sige pre."
*Pero bakit nga kaua lumipat si Carrie dito. At tama Alfonso ang last name niya kaya bakit sa North Penn pa siya lumipat? Naku tama na nga. Bakit ko ba iniisip yun, di naman kami magkaibigan. Makatulog na nga*
> END OF CHAPTER 3 <
BINABASA MO ANG
Slides of Love
Teen Fiction"I don't want to love again." "I'll start a new life here." "I'll forget everything." Yan ang mga linyang sinasabi ni Carrie sa sarili. Tama nga ba? Yan nga ba talaga ang gusyo niya? Paano kung magmahal siya uli? Teka, matatanggap ba ito ng lalaking...