Therese's POV
"Bye guys! See you tomorrow!" Sa wakas, makakauwi na ako. OA na sa kapabadtripan yung araw ko na'to. Buti nalang at aalis kami ni Mama ngayon. Opening kasi ng bagong mall samin at nagpromise si Mama sakin na ipapasyal niya ako at bibilhan ng bagong damit basta mataas ang grades ko. Kaya naman madali talaga akong uuwi ngayon buti nalang at kasabay ko si Maribel pauwi ng biglang...
"Kotse ni Carrie Alfonso yun diba?' sabi ni Maribel sakin. "Eh papunta na sa liblib na lugar yung pupuntahan nila tsaka puro mga seemnteryo and nandun ah? Hmmm." dagdag pa nito.
"Fishy."
"Ha ha ha malanding isda kasi eh."
"Tara sundan natin." akma na akong aalis pero hinila ako ni Maribel.
"Ha? Eh diba aalis kayo ng mama mo, tsaka nakakatakot kaya, lalo na at mag-gagabi na!" sabi naman ng takot na takot na babaitang 'to.
"Okay lang yun, sa Sabado ko nalang siya yayayain, kunware may biglaang group project. Tsaka h'wag ka nfgang OA dyan!" sinusungitan ko na sya ng sobra.
"Hay naku ewan ko sayo. Ayaw ko talaga Therese!"
"Sige ka, kapag hindi mo ako sinamahan hindi na kita papakopyahin twing exams!" panakot ko sa kanya
"Uy h'wag ka naman ganyan, sige na sasama na ako." Sa wakas pumayag narin itong babaeng 'to.
Sumakay kami ng taxi at pinasundan yung kotse nila. Buti nalang talaga at madalang ang mga tao sa parte na ito dahil nga puro sementeryo lang naman ang part na ito. Tumigil na yung kotse nila at bumaba narin kai ng taxi.
Nakita kong pumunta si Carrie mag-isa sa isang puntod na may dalang bulaklak.
"Sino kaya yang binibisita niya?" tanong sakin ng babaeng eng-eng na ito.
"Ewan ko. Diba magkasama tayo dito."
"Sungit mo naman Therese."
"Pero sino nga kaya yan. Di na tayo makalapit pa eh, makikita nya tayo." sabi ko kay Maribel. "Sino kaya yang binibisita nya?"
"Baka kamag-anak naman niya."
"Hindi ko rin alam. Baka. Ewan." sabi ko habang nakatingin kay Carrie. "Hintayin nalang natin syang umalis."
"Naku, maggabi na kaya! Baka mahirapan tayong makauwi nyan!"
"H'wag kang maingay diyan! Isa nalang tatamaan ka na sakin." pagbabanta ko kay Maribel.
Saglit lang naman ang nakalipas at umalis narin si Carrie sa kinatatayuan niya. Nakita namin na pumasok na siya sa kotse at umalis narin sila.
"Tara na. Silipin natin kung sino yung binisita niya!" naglalakad na ako ng biglang,
"Ayaw ko , baka multuhin tayo nyan eh!"
"Hay naku, kung ayaw mo bahala ka dyan." Pumunta na ako sa kaninang kinatatayuan ni Carrie at,
"Stephen Encarnacion?"
"Sino kaya yan? Alfonso surname ni Carrie diba?" Nabigla naman ako kay Maribel na nasa likod ka na pala.
"Ewan ko. At yan ang aalamin ko."
> End of Chapter 16 <
A/N: Sorry uli sa panget at maikling update! Hehe. Busy lang talaga at malapit na ang Defense :< Anyway, salamat ng marami sa mga nagbabasa. Nawa'y h'wag kayong magsawa. :) Sana basahin niyo rin yung iba kong storya. Thank you uli!! :> :-)
BINABASA MO ANG
Slides of Love
Teen Fiction"I don't want to love again." "I'll start a new life here." "I'll forget everything." Yan ang mga linyang sinasabi ni Carrie sa sarili. Tama nga ba? Yan nga ba talaga ang gusyo niya? Paano kung magmahal siya uli? Teka, matatanggap ba ito ng lalaking...