Nagtinginan yung mga tao samin. Sakin tapos dun sa mga kausap ko or should I say mga kaibigan ko, dati. Isa-isa na silang dumating. Lahat sila shocked dahil sa nakita nila ako. Nakita ko si Mara, ang bestfriend ko sa Ostroff, nakatingin lang sya sakin then napatingin din kay Jacob.
"Hi Clarrissa Alfonso!" lumapit sakin si Barbara at niyakap ako. "It's been a long time!" ngumiti siya nung binitawan niya na ako from her hug.
"Yeah. It is." yan lang yung nasabi ko, nabigla talaga ako sa nangyari. Niyakap at binati din ako nila Sharon, at si Mara naman hindi parin gumagalaw sa pwesto niya. Nakita ata yun nila Barbara sabay sabing...
"Hey you two! Mara hindi mo ba lalapitan si Clarrissa? It's been a very long time na ah. And besides nakamove-on na naman ata ang lahat. Wha----..."
"No. Hindi pa ako nakakamove-on sa ginawa ng babaeng yan." tumingin siya kela Sharon at humarap sakin. "I trusted you. No one and only you, pero anong ginawa mo? Inahas mo ako. You slut!" nagtinginan ang mga tao samin. Di ko namalayan ang dami na pala nila.
"Hey stop it Mara. Wag ka ngang magskandalo dito. Let's go girls." utos ni Barbara sa mga kasama nila. Isa-isa silang umalis, naglakad nadin sila Sharon at Barbara palayo ng biglang humarap si Mara sakin, "Were not yet done bitch, babalikan kita and this time I'll make sure na masisira na talaga ang buhay mo." Inirapan niya ako at umalis na.
Hindi talaga ako makagalaw. Feeling ko wala na akong paa ng biglang may humawak sa braso ko.
"Hey, Carrie. Okay ka lang ba? Anong nangyari?" Si Jacob! Oo si Jacob, andito parin pala siya. Hindi ko alam na andyan parin pala siya, sigurado ako narinig niya ang lahat.
"Can you take me home?" yan nalang ang nasabi ko sa kanya.
"Ha? Eh o sige." naglakad na kami palabas at nakita kong ang daming taong nakatingin samin. Buti nalang at malayo ang table nila Andrew dito. Nabigla nalang ako at hinawakan ako ni Jacob sa kamay, hindi ko narin yun binawi, feeling ko kasi secured ako pag hawak niya ako.
Nakasakay na ako sa kotse ni Jacob. Nang maisara na nya ang pinto, bumaba yung ulo niya sa bintana ko.
"Carrie, papasok muna ako uli don. Magpapaalam lang ako sa kanila. Ako na ang bahalang mag-explain. Magtataka din kasi sila eh." sabi nito sakin.
"Sure. Tell them that I'm sorry too."
Pumasok na uli si Jacob. Hindi ako mapakali. Naiiyak ako. Hindi ko akalain na mangyayari yun. Malalim ang iniisip ko ng bigla kong nakitang palabas na sila Barbara sa club. Naguusap lang silang tatlo, si Barbara, Mara at Sharon. Hindi naman sila napapatingin sa direksyon ko pero sigurado ako na ako ang pinaguusapan nila, rinig na rinig ko nung sabihin ni Mara yung pangalan ko.
"No stop this Mara, Naparusahan na si Clarrissa. Na-expel na siya sa Ostroff.
." sabi ni Sharon kay Mara.
"Do you think I care? I don't give a damn. Kulang pa yun sa ginawa niya sakin, sa school at lalo na kay Stephen." sabi naman ni Mara
"Hayaan mo siya Sharon. Let her do what she wants. There's nothing wrong kung maghiganti siya sa ginawa ni Clarrissa. Dahil kung sakin ginawa yun matindi pa dun ang mangyayari sa kanya." sabi naman ni Barbara.
"Tss. You two are impossible!" sabi ni Sharon sabay alis at sakay sa kotse. Sumunod naman yung dalawa sa kanya at umalis na. Sinundan ko sila ng tingin at di ko namalayan na nakabalik na pala si Jacob.
"Hey. Okay na. Nagtatanong sila kaya ang sabi ko sumakit yung tiyan mo kaya gusto mo ng umuwi." sabi ni Jacob pagkapasok niya sa kotse at pinaandar na ito.
"Thank you." nanahimik lang ako buong biyahe. Di na siguro nakatiis yung kasama ko kaya nagsalita na siya.
"Okay lang ba kung magtanong ako?"
"Okay lang." Wala na rin naman akong magagawa. Narinig narin naman niya yung nangyari kanina sa bar.
"Anong, hmm. Bakit ka pinagbantaan nung babae?"
"Long story."
"I can keep up." Tumingin ako sa kanya, nasa kalsada yung mata niya. Nag-red yung traffic light kaya naman napatingin siya sakin.
"I'm not yet ready." at di ko na napigilan at napaiyak na ako.
"Sssshhhhh. Wag ka ng umiyak." lumapit siya sakin ng konti at pinunasan yung mata ko. Nag-green na yung stop light kaya namam bumalik na siya sa pagda-drive.
"Okay I'll wait. Hihintayin kong maging handa kang magkwento." humarap siya sakin at nagkangitian nalang kami.
Medyo traffic. Nagiisip lang ako. Di ko alam kung ikwekwento ko ba sa kanya ang nangyari sa nakaraan ko. Nahihiya ako. Sobrang lalim na at ng iniisip ko. Napatingin ako sa kanya. Napatingin siya sakin. Handa na ba ako? O padalos-dalos na naman ako? Kaya ko na bang balikan ang nakaraan? Ang nakaraan na halos sumira sa buhay ko?
> End of Chapter 13 <

BINABASA MO ANG
Slides of Love
Novela Juvenil"I don't want to love again." "I'll start a new life here." "I'll forget everything." Yan ang mga linyang sinasabi ni Carrie sa sarili. Tama nga ba? Yan nga ba talaga ang gusyo niya? Paano kung magmahal siya uli? Teka, matatanggap ba ito ng lalaking...