Chapter 9

15 0 0
                                    

Weeks passed. 3 weeks to be exact. Maganda naman ang nangyayari kay Carrie. At marami narin ang nakikipagkaibigan sa kanya. Minimal na rin ang mga usap-usapan tungkol sa kanya. Alam naman niya kasi  na hindi sya ganung tao, na hindi na siya ganung tao.

------------------------------------------

"Hi Carrie" bigla siyang nagulat ng makita niya si Jacob sa harap niya.

"Oh what? Are you here to bully me again?" sabi ni Carrie. Simula kasi nung pumasok sila pagtapos ng overnight sa kanila, lumalapit na si Jacob sa kanya. Wala naman siyang nararamdaman na iba ang balak sa kanya pero naiilang lang talaga siya pero di niya maexplain kung bakit.

"Tss. Sungit mo na ah! Smile ka naman diyan dali." pangaasar ni Jacob.

"Tss. Feeling close."

"Ouch grabe. Edi hindi na. Aalis na nga ako." tatayo na si Jacob ng pigilan siya ni Carrie.

"Wait." nabigla si Carrie sa ginawa niya. Di niya alam kung bakit nya nagawa yun.

"Ay sus! Nag-away na naman ang love birds oh!" pangaasar ni Jonathan.

"Love birds ka dyan. Mukha bang lovely yan? Eh ang sungit sungit kaya niyan. Naturingang taga Ostroff. Hahahahaha." pangaasar na naman ni Jacob.

"Bully ka. Bahala ka na nga diyan. Jonathan let's go?" yaya nito.

"Ay frenyyyyy, maya na ako kasi hihintayin ko pa si Lauren at Serena eh."

"Ah okay. I'll just wait for you sa room. Sige laters. Tabi nga diyan bully." singhal ni Carrie.

"Sus. Bully. Your bully?" nagpapacute si Jacob.

Pero di sya pinansin ni Carrie. At dire-diretsong lumabas ng canteen.

"Hala ka Jacob! Napikon na ata sayo!" sabi ni Andrew.

"Teka nga Jacob. May gusto ka ba kay Carrie?" sabat ni Jonathan.

"Ha? Ano namang pumasok sa kukote mo at naisip mo yan?" defensive na sagot ni Jacob.

"Wala lang. Napuna ko lang."

"Ako din. Hahaha." sabat ni Andrew.

"Tss. Wala. Natutuwa lang ako sa reactions niya. Para siyang bata eh. Ang cute." sabi ni Jacob.

"Walang daw gusto haaaaaaaaaaa!" pangaasar ni Jonathan.

"Oy Jonathan ha. Tigilan mo nga ako." sabi ni Jacob.

"Pre yung totoo, bakit ka namumula? Hahahahahahaha" sabat na naman ni Andrew.

"Tigil niyo na nga ako. Alam niyo bagay kayong dalawa. Magsama na nga kayo." at umalis na si Jacob.

"Ay gusto ko yan! Tara na Fafa Andrew!"

"Nek-nek mo. Uy Jacob hintay." at sumunod nadin si Andrew.

------------------------------------------

*Nakakainis. Why is he always acting like that? Ano ba ginawa ko dun? Tss.*

Nasa CR si Carrie. Ayaw pa nyang pumunta sa classroom dahil alam niyang namumula siya. Nagdadabog siya ng biglang may pumasok sa CR at sinara ang pinto. Napatingin siya at nakalita niya si Therese.

"Therese?"

"Carrie"

"Why are you here? Bakit mo nilock yung pintuan?"

"To make things clear with you." matapang na sinabi ni Therese.

"What are you talking about?"

"Pwede ba wag kang mag-maangmaangan diyan."

"Therese,"

"Shut up. Alam ko natutuwa ka sa attention na binibigay nila sayo. Pero eto ang tandaan mo,  hindi ako titigil hangga't di ko nalalaman kung bakit ka andito sa North Penn. Gagawin ko ang lahat para malaman kung anong nangyari sayo sa Ostroff."

"Therese, pls. stop this."

" I said shut up diba? Ang epal mo na kasi eh. Inaagaw mo na lahat. Pati ba naman sa Acads? Tss. Pathetic ka. Nagpapaawa ka ata eh."

"Anong sinabi mo? Bawiin mo yang mga sinasabi mo." naiirita na si Carrie sa mga binibintang ni Therese.

"Di nga lang yun eh, malandi ka din. Such a bitch. Porket pinapansin ka na ng mga boys? Yuck. Feelingera ka."

"Therese stop this. I'm serious." seryoso na si Carrie.

"Why? Sa tingin mo may pakeelam ako? Bakit ka nga ba lumipat dito Carrie Alfonso? Nagpapaawa ka ba? O baka naman may ginawa kang masama sa Ostroff?" dagdag pa ni Therese.

"Wala kang alam sa nangyari!" napasigaw si Carrie. Di niya alam kung bakit niya nasabi yun.

"So meron nga? Tss. Sabi ko na eh. Ano nga kayang ginawa mo? Bitch! or should I say whore?"

Nagpantig amg tenga ni Carrie. Di niya alam kung ano pumasok sa utak niya at ginawa niya yun. Nasampal niya mg malakas si Therese. Alam niyang nasaktan ito pero ngumiti bigla.

"Thank you bitch. Now its your turn." binuksan ni Therese ang pinto.

Effective ang plano niya ang dami ng tao na nakaabang sa labas ng CR. Alam naman niyang maririnig nila ang sigawan pero di nila malalaman na siya ang nagprovoke kay Carrie. Lumabas syang hawak ang pisngi niya at umiiyak na. Nagulat si Carrie sa nangyari. Masakit dim amg palm niya. Nagulat siya dahil nakatingin sa kanya ang mga tao at si umiiyak si Therese sa labas. Sakto naman at dumating sila Jacob at kasama pa ang VP for Discipline ng school. Nagulat ang lahat. Nilapitan nila si Therese. Pulang pula ang right cheek ni Therese at medyo nakalapat pa dun ang kamay ng sumampal. Tinanong ni Mr. Cruz kung aming nangyari. Tumingin lang si Therese kay Carrie.

"Ms. Alfonso, what happened? tanong ni Mr. Cruz

"Sir I didn't mean it. She provo---.." naputol ang sinasabi ni Carrie.

Umiyak ng medyo malakas si Therese at umaarte sa harap ng mga tao. "Sir sinampal niya po ako. Nag CCR lang naman ako Sir eh. Tapos napatingin ako sa kanya. Tapos ayun na Sir nagsisigaw na siya. Tapos nung lalabas na ako pinigilan niya ako tapos pinagmamalaki niya na galing siya sa Ostroff at kaya daw niya tayong paikutin."

Halos mahihimatay na ata si Carrie. Di siya makapagsalita. Di siya makagalaw. Gusto nsrin nya umiyak. Nakatingin sa kanya lahat ng tao, nagbubulungan. Mas pinaniniwalaan nila si Therese. Napatingin siya kela Jonathan. Alam niyang di naniniwala si Jonathan dahil sa mga gestures niya. At ng tumingin siya kay Jacob, hindi niya inaasahan ang nangyari, lumapit si Jacob kay Carrie st hinawakan nito ang kamay niya. Nagbulungan ang mga tao pero walang pakeelam si Jacob.

"Okay ka lang ba Carrie?" tanong ni Jacob sa kamay ni Carrie. Namumula na kasi ang kamay nito.

"Jacob,.." naiiyak na si Carrie

"Shhh. Sayo ako naniniwala. Hindi ko alam kung bakit, pero sayo ako naniniwala." at he wiped Carrie's tears.

> End of Chapter 9 <

Slides of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon