Chapter 5

14 0 0
                                    

Carrie's whole day at school went well excpet for the "canteen incident". Di nalang niya masyadong inisip ito. Besides weekend na bukas at makakapagrelax siya from all the stress na nangyari. Nakahiga siya sa kama niya  ng may kumatok sa pinto niya.

"Carrie? Baby sister, Ate's here na!" sabi ng mala-anghel na boses na nasa labas.

Napatayo si Carrie at napangiti, andiyan na ang Ate niya at sigurado siyang andiyan nadin ang parents niya na galing sa business trip sa New York. Nagmadali niyang buksan ang pinto.

"Ate Clara!" niyakap niya agad ang babae "I miss you so much Ate! Where's Mom and Dad?" excited na tanong niya.

"I miss you too baby girl! But ako lang umuwi dito eh, nagextend pa sila Mom sa New York. You know. "Business duties" daw" sagot ng Ate niya habang nakayakap parin kay Carrie. Nalungkot naman si Carrie pero naisip niyang wala naman siyag magagawa ng maisip niyang itanong sa Ate niya na,

"Eh si Kuya Clark? Asan siya? Okay na ba siya?" mahinang tanong ni Carrie

"Hayy, baby girl. Hayaan nalang natin si Kuya Clark. Alam mo naman ang pinagdaanan niya eh." sagot ng Ate niya.

"Sorry Ate. Namiss ko lang talaga kayo." naisip ni Carrie na may point ang Ate niya kaya di na siya nagtanong.

"So how's your new school? Do you have friends na? I'm sure you have, you're the most friendliest person I ever know! Hahaha." tanong ni Ate Clara.

"Ahh. Okay naman Ate. Meron naman Ate."

"Baby girl? May problema ba? Bakit may nangaaway ba sayo dun? Sino sila?Gusto mo ba tawagan ko ang New Penn bukas na bukas at kausapin sila?" sunod sunod na tanong ni Ate Clara.

"No Ate! Wala! I have friends. Promise! Ask Manong Berto pa! Hinatid ko na nga sila sa bahay nila eh." pageexplain ni Carrie.

"Okay okay. Basta sabihin mo sakin kung meron. Di ako papayag na may mangyayaring masama na naman sayo!"

Nabigla si Carrie sa sinabi ng Ate niya. Di nalang niya inisip yun dahil ayaw na niyang balikan ang nakaraan. Napansin ito ng Ate niya at iniba nalang ng topic.

"Halika na nga. Let's go sa garden and let's catch up! I really missed you my baby girl" kiniss siya ng Ate niya sa cheeks at nafeel niya na okay na ang lahat. Mas okay sana kung kumpleto sila pero okay na yun para sa kanya.

(Garden scene)

"So sino sino na ang friends mo? At hinahatid mo pa ha, baka naman ginagamit ka lang nila dahil mayama--.."

"No Ate. They're not like that. Iba sila." defensive na sagot ni Carrie.

"Okay baby girl. Hayyy! Promise I'll stop na. Anyway, I want to meet them. Haha. Para naman makilala ko sila. You know naman I'm only staying here for a few days. May aasikasuhin lang akong transaction at babalik ako uli sa New York."

Di na nabigla si Carrie. Sanay na siya sa ganun. Bata palang siya naiiwan na siya sa mga maid nila. Laging wala ang parents niya at maagang pinasa sa Kuya at Ate niya ang iba nilang negosyo. Alam din niyang ipapasa din sa kanya ang mga ito once na graduate na siya from HS.

"Baby girl? Hey, still here?" says Ate Clara ng mapansin niyang malalim ang inisiip ni Carrie. "Pls? I want to meet them. Mom also want to assure na okay ka at may friends ka na sa new school mo."

"Uhhh..okay Ate. I'll try to contact them later." sagot ni Carrie.

"No, better contact them now baby girl. Gusto ko sana tomorrow na sila makita. Let them have their lunch here or better yet magovernight na sila dito."

"Ha? Eh. I really don't know Ate if pwede sila eh."

"Kaya ng contact them now na! If you don't have their numbers, ask Jasper to get it for you. Go na baby girl. Magpapahinga lang din ako." tumayo na si Ate Clara at niyakap muli si Carrie.

Dahil sa mahal na mahal ni Carrie ang Ate niya, sinunod niya ito kaagad. Pumunta siya sa kwarto niya at kinuha ang notebook kung san nilagay ni Jonathan ang number niya para matawagan niya na ito.

(Kriiiiing! Kriiiiiing! Kriiiiing! Kriiiiing! Kriiiiig!)

"Hello?" sagot ni Jonathan

"Uh Hi Jonathan! It's Carrie."

"Huy girl! Bakit ka napatawag? Alas-otso na ah!"

"Oh, sorry Jonathan. Uh ano kasi. Uhm I want to invite you tomorrow. Dito sa bahay namin. Uhhhh kasi gusto kayo makita at makilala mg Ate ko eh..."

"Ay ganun? Bongga naman! Hahahahahaha. O sige sige magpapaalam ako sa Nanay ko! Ayyy naeexcite na ako! Marami bang pagkain? Ay oo naman madami yan for sure! Hahahaha ay teka, ako lang ba frenyyyyy?"

"Ay hindi! Ano uhm isama mo sina Serena pati yung iba. Uhm ehhh isama mo narin si Andrew tsaka si Jacob" nabigla niyang sabi..

"Yieeee! Jacob!!! Hahahaha siguro "karas" mo yun no?!!!!!" pagtutukso ni Jonathan

"Ha? Hindi no! Eh eh pati si Therese isama mo nadin." sabi ni Carrie.

"Sus asa ka naman dun! Eh dakilang KJ yun eh! Baka mamaya masira pa yung araw natin no!"

"Ay Jonathan, naalala ko nga pala. Overnight pala yun. Papayagan kaya kayo? Gusto talaga kayo makita ni Ate eh." dagdag ni Carrie

"Ay walangja! Haha overnight sa inyo!!! Qow naeexcite na ako! Wag kang mag-alala kahit di ako payagan piilitin ko si Inay para lang payagan ako! Hahahaha" excited na excited si Jonathan.

"Haha. Sige sige. Ikaw na bahala Jonathan ha. Wala din kasi akong number nila eh. So bukas mga 3?" tanong ni Carrie.

"Oo sige ako na bahala. Basta damihan mo yung pagkain ha! Ay teka! Di ko naman alam kung saan ka nakatira eh!" pasigaw na sabi ni Jonathan.

"Ahhh ehh itetext ko nalang sayo mamaya.Salamat talaga Jonathan ha?"

"Sus! Wala yun! Hahahaha. Sige see you tomorrs! Mwa!"

At binaba na nila ang telepono. Umakyat siya sa kwarto ng Ate niya. Nagdadalawang isip pa soya dahil baka tulog na yun pero bukas pa naman yung ilaw. Kumatok siya sabay sabing, "Ate Clara?"

"Yes baby girl?" sagot nito.

"Uhm. Pumayag na sila. Bukas ng 3pm Ate."

"That's great baby girl. Sige na matulog ka na. Goodnight Carrie." sabi ni Ate Clara.

"Goodnight Ate!" napangitin si Carrie dahil nadin siguro sa excitement. First time niya ulit magkakaron ng bisita sa bahay after ilang months. Pumasok na rin siya sa kwarto. Nag-shower muna siya at bago siya humiga naalala niya na itetext niya kay Jonathan ang address nila, pagkatapos nun natulog na si Carrie.

> End of Chapter 5 <

Slides of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon