Maguumaga na ng makatulog sila. Dala narin ng pagod dahil sobra nilang saya. May mga guestroom kaya naman di sila nahirapan makatulog. Magkasama sa kwarto ang lahat ng lalaki at sa kabilang kwarto naman ang mga babae.
Naalimpungatan si Jacob. Pagtingin nya sa orasan 4am palang. Tulog pa ang mga kasama nya. Sinubukan nya matulog pero wala na talaga. Lumabas nalang siya ng kwarto. Umikot ikot sya hanggag makapunta siya sa garden nila Carrie. Umupo siya sa isang bench. Pero laking gulat niya ng makakita siya ng anino sa may bandang dulo. Mukhang nakaupo lang ito. Tumayo si Jacob at lumapit ng konti. Nakita na niya at nakilala niya.
"Carrie?"
"Huh? Jacob?"
"Bat gising ka na?"
"Huh? Bakit ikaw gising ka na?"
Natawa si Jacob. Di naman niya sinasadya at nakita nita ang reaction ni Carrie.
"So why are you laughing?" masungit na si Carrie.
"Wala wala. Eh kasi ikaw eh. Binabalik mo lang yung tanong ko."
"Eh ikaw din eh. Bigla kang nanggugulat diyan."
"Bakit nagulat ka ba?" Medyo seryoso si Jacob.
"Huh? Eh. Ewan." napaiwas ng tingin si Carrie.
"Pwede makiupo?" tanong ni Jacob. Tumango nalang si Carrie ng maalaa niya na naka-night gown lang siya. Medyo maikli yun at manipis. Di niya nadala yung robe niya dahil di naman din siya lamigin. Nung pipigilan na niya si Jacob ay nakaupo na pala ito.
"So bakit gising ka pa?" tanong kaagad nito pero sa malayo nakatingin.
"Ha, uhm hindi nagising lang ako tapos hindi na ako makatulog. Eh how about you"
"Well actually, same as yours." At napatingin sya kay Carrie.
Nagulat si Carrie at nataranta. Una sa tigin ni Jacob at dahil din sa suot niya. Napansin ito agad ni Jacob at parehas silang namula.
"Sorry Carrie di ko alam. Hindi ko naman nakita eh." iniwas kaagad ni Jacob ang tingin niya dito.
"Ha? Anong di mo nakita?" tarantang tanong ni Carrie.
"Ha? Bakit ka natataranta? Ano bang iniisip mo?" Di naman sinasadya pero napatingin siya uli at nakita ng niya na maikli at manipis ang suot nito. Buti nalang at naka-jacket siya. Hinubad niya yun kaagad.
"Hey! Bakit ka naghuhubad diyan?" medyo lumalakas na yung sigaw ni Carrie.
"Ha? Anong naghuhubad eh ibibigay ko sayo yung jacket ko para matakpan ka." Di lumilingon si Jacob at inabot nya yung jacket kay Carrie.
*Ano ba yun! Nakakahiya! Ano ba kasi iniisip ko?* sa isip ni Carrie kinuha niya yung jacket at tinakip sa sarili niya. "Thank you." - Carrie
"Welcome." - Jacob.
Nagkakapaan na naman sila kung sini ang mauuna. Napatingin si Jacob sa phone niya at nakita niyang 5am na. Tumayo siya.
"Sige papasok na ako at aayusin ko pa yung gamit ko." naglakad siya at lumingon uli "Thank you nga pala for inviting me." ngumiti siya at pumasok sa loob.
*Ano na naman ito! Bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko? Kinikilig ba ako? Attracted ba ako sa kanya? Ano ba kasi eh.* wala na siyang nagawa at pumasok nadin siya.
Papunta na siya sa kwarto niya ng bumukas ang pinto ng Ate niya.
"Good morning baby girl. Nakita ko yun ha. *kindat* Hahahaha." sabay sarado g pinto.
Pumasok agad ng kwarto si Carrie. *Ano ba ito. Pati ba naman si Ate Clara? Bakit ba nila ako inaasar? Medyo malabo na ito ha. Parang ilang araw palang kaming magkakilala eh.* Ayaw na niyang magisip kaya naman naligo nalang siya. Pagbaba niya asa dining room na ang mga kaibigan niya pero wala si Jacob. *Huh? Asan kaya yun?*
BINABASA MO ANG
Slides of Love
Fiksi Remaja"I don't want to love again." "I'll start a new life here." "I'll forget everything." Yan ang mga linyang sinasabi ni Carrie sa sarili. Tama nga ba? Yan nga ba talaga ang gusyo niya? Paano kung magmahal siya uli? Teka, matatanggap ba ito ng lalaking...