Chapter 6

18 0 0
                                    

"Ha? Anong pinagsasabi mo Jonathan?" nabigla si Jacob sa narinig. Pauwi palang sila ni Andrew galing sa training nila.

"Ay bingi lang ang peg? Invited kayo ay tayo pala sa bahay nila Carrie bukas." paliwanag ni Jonathan.

"Bakit naman niya kami isasama dun? Anong meron?" medyon nagtataka na si Jacob.

"Eh gusto nga tayo makilala ng Ate niya. Ano ba Jacob paulit-ulit lang? Hahahahahaha" tawa ng tawa si Jonathan sa kabilang linya.

"Eh. Ewan ko bahala na." sagot ni Jacob.

"Anong bahala na! Wag ka ngang KJ diyan! Pumayag na sila Serena, Lauren, Kate at Harry no! Kayo nalan ni Andrew ang hinihintay ko!" mabilis na sabi ni Jonathan

"Eh bahala na nga. Basta itetext kita. Magpapaalam pa ako kay Mama no!" sabi ni Jacob

"Eh naman Joacob eh! Nakakainis ka! Kapag talaga hmp!" ang dami daming sinabi ni Jonathan pero di marinig ng maayos no Jacob.

"Ano? Anong sinasabi mo dyan?"

"Wala! Wala. Tsa. Basta ha! Bukas ha! Pilitin mo din si Fafa Andrew daliiiiiiiiii! Hihihihihihihi" pacute na sabi ni Jonathan.

"Ay. Oo na sige na. Basta itetext kita."

"Okay byerts!"  "Bye." At naputol na ang linya.

"So ano yun pre?" tanong ni Andrew.

"Si Jonathan. Ano, niyayaya daw tayo ni Carrie sa bahay nila. Overnight kasi gusto tayo makilala nung Ate niya." paliwanag ni Jacob

"Weh?? Uy pre tara tara! Game tayo diba?"

"Psh. Papaalam muna ako kay Mama at Papa." sagot ni Jacob.

"Ano? Sus. Ikaw pa di payagan? Eh basta naman ma-maintain mo yung scholarship mo eh okay lang kela Tito at Tita ang lahat eh" sabat ni Andrew

"Kahit na ba, kailangan pading magpaalam no. Tsaka diba----..."

"Hoy Jacob! Ngayon lang to pre oh! Sige na naman wag ka ngang KJ diyan! Para kang bata eh." sabi naman ni Andrew.

"Hahahahaha. Para kang si Jonathan pre! Ganyan na ganyan ang sinabi sakin! Hahahahaha." tawang tawang sabi ni Jacob

"Grabe pre! Wala namang ganyanan! At dun pa talaga sa baklang yun ha!?" pasigaw na sabi ni Andrew na halatang napipikon.

"Hahaha. Joke lang pre. Sige na nga. Oo na. Sasama na tayo bukas."

"Weh? Talaga! Ay salamat pre! Oy walang talkshit ha!" pantutukso ni Andrew

"Oo na nga kulit naman. Sige na uuwi na ako. Bukas nalang ha."

"Sige pre. Sabay na tayo ha. Text mo nalang ako."

At naghiwalay na sila. Nakauwi na si Jacob. Andun na ang Papa niya galing sa trabaho. Madungis ito at puno ng grasa ang damit. Siguro maraming nagpaayos dito ng kotse. May-ari kasi sila ng isang maliit na Car Repair Shop. Nagmano si Jacob sa kanila at nagpaalam para sa lakad bukas.

"Ma, Pa, okay lang bang umalis ako bukas?" tanong ni Jacob

"Bakit anak? San ka pupunta? May training ka narin ba pag Sabado?" tanong ng Mama niya.

"Wala po mama. Eh kasi po..kasi po iniimbita kami ng bago naming kaklase sa bahay nila. Overnight sa kanila. Okay lang ba Mama? Papa?" paalam niya.

"Saan ba yan? At sinong kaklase?" sumagot na ang Papa niya

"Di ko pa alam Pa eh. Kasi bagong classmate namin eh. Kami kasi yung una niyang nagig kaibigan." Medyo natigilan si Jacob sa sinabi niya dahil alam naman niyang nagkakailangan silang dalawa ni Carrie.

"Teka, yan ba yung sinasabi ni Mareng Susan? Yung bagong kaklase niyo ni Therese na galing Ostroff? Edi kasama mo si Therese bukas? Parang wala namang nabanggit si Susan kanina nung nag-usap kami." dugtong ng Mama niya.

"Eh mama di ko alam kung magkaibigan sila eh. Basta mama ganun eh. Haha." napakamot nalang ng ulo si Jacob.

"Ikaw bahala anak. Basta umuwi ka kaagad sa Linggo. Magingat ka din dun baka matapobre ang mga tao dun ha." sabi ng Papa niya.

Nagtaka si Jacob. Wala naman sa mukha ni Carrie ang pagiging matapobre o sosyalera. "Opo Papa. Thank you po. Mama? Kayo po okay lang ba sa inyo?"

"Okay lang anak. Basta pakinggan mo ang sinabi ng Papa mo ha."

"Opo Mama. Thank you po." At umakyat na si Jacob sa kwarto niya. Nagpalit na siya ng damit at naalala niya na kailangan niyang itext si Jonathan.

《To: Jonathan

Sige. Sama kami ni Andrew bukas. 》

《 From: Jonathan

YeHeY! SiGe. SeE yOu ToMoRRs. TeXt Ko SaYo kUnG sAn tAyO mAgKiKiTa. HiHiHiHi. 》

Pagkatapos nun. Humiga na siya at napaisip. *Bakit kaya ako naimbitahan ni Carrie? Hmp. Ano na naman tong iniisip ko. Hay. Makatulog na nga.*

< End of Chapter 6 >

Slides of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon