Chapter 4

18 1 0
                                    

"Miss Carrie, andyan na po si Manong sa labas naghhintay sa inyo" sabi ng Yaya ni Carrie habang kumakatok sa pinto nya. Second day na kasi ni Carrie sa school at nagbilin ito na katukin sya ng maaga para di sya malate tulad ng nangyari kahapon.

"Ah okay. Thanks po Manang. Susunod na po ako." sabi ni Carrie habang nag-aayos ng gamit. Naisipan nya kasing magpalit ng mas simpleng bag dahil sa daming nakatingin sa designer bag nyang gamit kahapon.

*So ano kayang gagamitin ko? Eto nalang sigurong bigay sakin ni Ate tutal maliit lang naman yung tatak ng pangalan eh. Tss. Ang hirap naman makiblend-in sa kanila. Sana wag na nila ako pansinin okaya tanungin sa past ko* singhal ni Carrie. Ayaw na nya kasi talaga nyang balikan ang nakaraan, iyun naman talaga ang dahilan kung bakit siya lumipat sa North Penn. Napabuntong-hinga nalang sya at umalis na ng bahay.

Tahimik naman ang biyahe nya papunta sa school. Walang traffic kaya naman mabilis lang siya nakarating sa school. But she noticed that most of her schoolmates are walking, medyo nailang naman sya sa sasakyan nya, BMW kasi ang gamit niya ngayon. At dahil gusto talaga niyang makiblend-in,

"Ah Manong itani niyo nalang diyan yung sasakyan, diyan nalang ako bababa at lalakarin ko nalang papuntang school."

"Naku Mam, malayo pa po yung school niyo sa gate ah, tapos tatawid pa kayo bago makapunta dun. Baka magalit po ang Daddy niyo nan" pag-aalala naman ng driver niya.

"Hindi po Manong. Sige na po, nakakahiya talaga eh lahat sila naglalakad. Hayaan niyo nalang ako Manong. Wala pong makakakaalam niyo." pilit ni Carrie

"Ay sige Mam, basta mag-ingat po kayo, lalo na sa pagtawid. Hihintayin ko nalang po kayo sa parking lot mama-.."

"Ay Manong wag na! Tatawagan ko nalang po kayo kapag uwian na namin. Umuwi po muna kayo at magpahinga!" sabat ni Carrie at dali-daling lumabas sa kotse. Alam niyang di siya matitiis ni Manong Berto dahil isa ito sa mga matatagal ng driver ng kanilang pamilya.

Nakatawid naman si Carrie ng maayos at naglalakad na siya papunta sa HS building ng marinig niya ang malakas na sigaw ni Jonathan.

"Carrie frenyyyyyy!" todo talaga ang pagkakasigaw ni Jonathan na halos napatingin ang ibang estudyante sa kanya. Nilingon naman agad ni Carrie si Jonathan at nakitang kasama nito si Andrew at si Jacob. Tumigil siya at nilaoitan siya ng mga ito.

"Hi." sabi ni Carrie.

"Hi frenyyyyyyy!" sabi ni Jonathan na bumeso-beso pa kay Carrie pero di naman nagdikit yung cheeks nila.

"Hello Carrie, ako nga pala si Andrew." pakilala ni Andrew sa sarili.

"Hi Andrew, nice meeting you." pangiting bati ni Carrie at inabot ang kamay niya para magshake hands.

"Wow ganyan talaga siguro pag mayayaman ang lambot ng kamay!" tawang tawang sabi ni Andrew.

"Hoy Andrew! Para kang abnoy diyan! Isipin ni Carrie kung saang bundok ka bumaba!" patawang sabi ni Jonathan na nakasakbit na ang kamay sa braso ni Andrew. Nairita si Andrew at pilit na tinatanggal ito. Natawa si Carrie ng mapansin niyang nakatingin si Jacob sa kanya.

"Ahhh... H-hi Jacob." nagulat si Carrie sa nasabi niya, para kasi siyang batang nauutal dahil nakita ang crush niya. Medyo napangiti si Jacob pero mabilis na pinigilan.

"Hi Carrie. Ang aga mo ata ngayon?" tanong ni Jacob

"Ah kasi ayaw ko ng malate, baka mapagalitan na naman kasi ako eh." Carrie answers

"Oh so ganito nalang tayo? Ay panigurado male-late talaga tayo nito!" sabat ng madaldan na si Jonathan at umakyat na nga sila papuntang classroom.

Carrie's morning classes went well. Mababait naman ang mga teacher sa kanya at binigyan din sya ng mga special projects para makahabol sa mga namiss niyang lectures. Lunch na at sabay sila ni Jonathan lumabas papuntang canteen. At dun na nagsimula...

"Ayan ba siya?"

"Yung transferee galing Ostroff oh!"

"Ang ganda niya, bakit kaya siya lumipat dito?"

"Baka naman naghihirap na sila?"

"Baka naman bobo kaya lumipat dito."

Pagbubulungan ng mga tao pagpasok nila sa canteen.

"Wag mo na pansinin yang mga yan, mga tsismosa, ilusyunada at inggitera lang yang mga yan! Maganda kasi tayo eh! Hahahahaha." sabi ni Jonathan dahil napapansin niyang naapektuhan ng matindi si Carrie. Pumila na sila para bumili ng lunch. Papunta na sila sa table nila ng mapadaan sila sa table nila Therese.

"Baka naman nakick-out sa Ostorff kasi may nagawang matinding kasalanan". biglang sabi ni Therese. Nagtawanan lang ang mga friends nito at tumingin kay Carrie.

Napatigil si Carrie at biglang kinabahan. Nagulat siya sa naging reaction niya kaya naman pinilit niyang wag nalang silang pansinin at sinundan niya si Jonathan.

Nakaupo na sila at kumain. Buong akala ni Carrie na walang nakakita o nakapansin sa naging reaction niya pero mali siya.

Nakita pala yun ni Therese at sabing, "Smells fishy." at nag-smirk pa siya at sinabi sa sarili na, *Be ready Carrie Alfonso. Di ako titigil hangga't di ko nalalaman at naibubunyag ang tinatagong mong sikreto.*

> End of Chapter 4 <

Slides of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon