Carrie's POV
Nasa tapat lang kami ng bahay namin. Parehas kaming tahimik. Hindi ko alam, baka nakikiramdam lang si Jacob.
"Thanks for driving me home. And sorry, dahil sakin nasira yung gabi mo." sabi ko para mabasag yung nakakabinging katahimikan.
"No problem. Tsaka h'wag ka mag-sorry. Wala ka namang kasala----"
"Meron Jacob, meron." pagputol ko agad sa sinasabi niya sabay harap sa labas.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Hay, bakit ganito? Kung kelan naman okay na ang lahat, kung kelan nagsisimula na ako uli, bakit ngayon pa nangyari ito?
"Sorry. Basta, andito lang ako. Makikinig ako sayo." naramdaman ko yung tingin ni Jacob kahit diretso akong nakatingin sa labas.
"S-s-sige, papasok na ako. Salamat talaga ngayon Jacob." tinatanggal ko yung seatbelt pero ayaw niyang matanggal, nagstock ata siya, ano ba yan.
Laking gulat ko naman ng lumapit si Jacob sakin ng pagkalapit-lapit, halos mapapapikit na ako sa sobrang lapit niya. Oh God! Ang bango ng lalaking 'to kahit galing kami sa mausok at kulob ng lugar. Pinipilit niya palang tanggalin yung seatbelt ko habang ako nakatulala lang sa mukha niya. Bigla-bigla naman nyang tinaas yung ulo niya na sobrang lapit na sa mukha ko na para bang at napapikit nalang ako sa kaba o kilig? Ewan.
"Okay na." at narinig ko siyang tumawa at mabilis na hinalikan ako sa pisngi na ikinamulat naman ng dalawa kong mata.
"Sorry. Hindi ko sinasadya yun Carrie." sabay iwas niya ng tingin sakin at humawak siya sa manibela niya. May mga sinasabi siyang di ko maintindihan at napapailing siya. Ewan ko naman sa sarili ko kung bakit ko naman ginawa 'to tinawag ko sya...
"Jacob." lumapit ako sa kanya at bigla siyang napalingon. Di ko na napigilan ang sarili ko at dinampi ko na ang labi ko sa labi niya.
Mabilis lang yun. Smack lang. Kita kong gulat siya at di makapagsalita. Mas mahirap naman kung sasabayan ko pa sya sa katahimikan kaya naman...
"Sige, pasok na ako. Ingat sa pagdrive. Salamat uli." at agad akong lumabas ng kotse niya at pasok sa bahay namin.
Jacob's POV
Nastatwa na ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang naramdaman ko. Ay! Kalalaki kog tao ganito yung reaksyon ko! Ano akk bakla? Hindi ko naman siya first kiss, bakit ganito yung reaksyon ko? Ugh. Makauwi na nga.
Pauwi na ako. Wala namang traffic pero may mga stop light ka pading madadaanan, hindi ko alam pero pagtingin ko sa salamin eh nakahawak pala ako sa labi ko at nakangiti. -_____- , naalala ko na naman yung nangyari kanina. Hindi sa hindi ko gusto yung nangyari pero, sana ako nalang yung nauna eh. Ay, ano ba!!! Pero grabe, ang lambot ng lips niya, kahit na mabilis lang yun ramdam na ramdam ko parin. Bahala na nga, masyado ng maraming nangyari ngayon baka naman hindi lang niya alam yung ginagawa niya. Pagkauwi ko sa bahay, tulog na sila Mama at Papa. Umakyat ako kagad sa kwarto para magshower, pagkatapos ay agad na akong humiga at kinuha ang phone ko. Gusto ko siyang itext pero di ko alam yug sasabihin ko, kaya naman..
To: Carrie
Just got home. :-)
From: Carrie
That's good. Sleep ka na. :-)
To: Carrie
You too. Good night.
From: Carrie
Good night Jacob. :-)
At dahil dun ewan ko pero kinilig ako. Hay, nababakla na ba ako? Leche. Makatulog na nga lang.
> End of Chapter 14 <
A/N: Sorry po. Pasensya na sa panget na ud. Busy lang talaga. Babawi ako promise. :-D
BINABASA MO ANG
Slides of Love
Novela Juvenil"I don't want to love again." "I'll start a new life here." "I'll forget everything." Yan ang mga linyang sinasabi ni Carrie sa sarili. Tama nga ba? Yan nga ba talaga ang gusyo niya? Paano kung magmahal siya uli? Teka, matatanggap ba ito ng lalaking...