Ilang bwan nadin yung nakalipas nun nangyari yung incident na yun sa bar. Hindi narin naman nagtanong is Jacob. Masyado akong nirerespeto ng lalaking 'to, baka di ko na mapigilan yung sarili ko. Tas twing naalala ko yung kissing scene, este smack ay, ewan -_- eh nawiwindang na ako kaagad. Di narin naman namin na-open up yung nangyari na yun, pero ibang-iba na yung treatment namin sa isa't isa. Nagdedate na kami at lagi niya akong hinahatid sa bahay, minsan sinusundo narin niya ako kaya naman panay ang asar samin ng mga kaibigan namin, at mas lalo narin naman ang pagsama ng tingin sakin ni There at ng barkada niya.
"San tayo mamaya?" tanong ni Jacob sakin habang kumakain ng ice cream.
"Wala ka bang training mamaya?" tanong ko sa kanya at sinarado ko yung librong binabasa ko.
"Wala. This week na kasi yung game. Manood ka ha!"
"Ha ha ha. Opo manonood po ako." at nginitian ko siya.
"Tapos magdala ka ng banner bes! Tas lagyan mo ng "I love you Jacob" o kaya "I.m your number 1 Fan Jacob." sabat naman ng best friend kong si Jonathan. Natawa nalang ako at sinamaan siya ng tingin ni Jacob.
"H'wag mo na pansinin yang si Jonathan, so ano, saan tayo mamaya?" tanong niya uli sakin.
"Actually may lakad ako mamaya eh." at bigla akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Oh san ka pupunta? Hatid kita gusto mo?" Nakatingin siya sakin at nagaabang ng sagot.
"Hindi na Jacob. Ihahatid ako ni Mang Berto. Tsaka baka gabihin ako, makikipagkita lang ako sa Auntie ko."
"Oh. Okay. Basta text mo ako ha? Sige akyat na kami ni Andrew." tumayo na siya at ginulo ang buhok ko. Naglakad na siya papalayo sakin at sinusundan ko naman siya ng tingin.
Natapos na yung klase namin at nakita kong nagaabang si Mang Berto sakin sa parking lot.
"Ma'am diretso na ba tayo dun?"
"Uwi muna tayo Manong, tapos dumaan narin kayo sa flower shop, bumili po kayo yung maganda ha, eto po yung pambili." At inabutan ko siya ng pera.
"Sige po Ma'am." Nakarating na kami sa bahay at umalis nadin si Mang Berto para sa utos ko. Nagayos na ako. Puting dress at black na doll shoes. Tinanggal ko lahat, hikaw, kwintas, at yung bracelet na suot ko. Bumaba na ako at sakto nandun nadin naman si Mang Berto.
"Tara na po Mang Berto."
Sumakay na ako sa sasakyan at nagsimula na yung biyahe. Patagal ng patagal nawawala na yung mga bahay, pati mga building. Unti-unti napapalitan na siya ng matataas na damo. Hanggang nakarating na kami.
"EVERLASTING GARDENS CEMETERY"
Tumigil ang sasakyan at humarap sakin si Mang Berto.
"Sige na po Mang Berto, i-park niyo na yan tas sundan niyo nalang ako." Tumango naman siya. Binuksan ko ang pinto at kinuha ang bulaklak na pinabili ko kanina. Naglakad lakad lang ako ng diretso hanggang nakarating ako sa sa kinatatayuan ko ngayon.
"In Loving Memories of Stephen Encarnacion. Born: August 14, 1993. Died: January 26, 2009."
"Isang taon na ang nakalipas Stephen. Pero hanggang ngayon..." Nilapag ko yung bulaklak malapit sa puntod niya.
> End of Chapter 15 <
A/N: Sorry if bitin. Bibitinin ko muna kayo uli. Hehehe. Walang magagalit please. Babawi ako ulit promise! :) Ay pakibasa din pala yung ibang storya ko. Hihi. Check niyo lang sa Works. (Bitches Hate Me Cos I'm A Bitch tsaka Loves Comes Around) Thank you sa mga nagbabasa. :-)
-aycabells <3
BINABASA MO ANG
Slides of Love
Fiksi Remaja"I don't want to love again." "I'll start a new life here." "I'll forget everything." Yan ang mga linyang sinasabi ni Carrie sa sarili. Tama nga ba? Yan nga ba talaga ang gusyo niya? Paano kung magmahal siya uli? Teka, matatanggap ba ito ng lalaking...