Friday na. Ang pinakatatakutan kong araw. Ngayon kasi ang dating nila Mommy at Daddy from New York. Pinipilit ko si Ate Clara na kausapin sila sa phone pero ayaw ni Ate, mas maganda daw pag sa personal na. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. I feel like nag-fail na naman ako. Napahiya na naman sila dahil sakin. Hayyyyy. Mag-iisang linggo nadin ng mangyari yung between samin ni Therese. Pagpasok ko sa school di talaga maiiwasan yung mga bulung-bulungan tungkol sa nangyari at tungkol sakin. Sobrang naapketuhan ako, pero buti nalang at andun sila Jonathan, lalo na si Jacob. Araw-araw hinahatid niya ako sa bahay kahit na may training siya, katwiran niya may kukunin daw siya sa bahay nila kaya hinayaan ko nalang. Natutuwa naman ako dahil nalilibang ako sa mga kwento niya, lagi na din akong nakatawa. Medyo nakalimutan ko na uuwi nga pala sila Mommy. Napagbuntong-hininga nalang ako.
"Boo!" Nagulat nalang ako at nasa harap ko na si Jacob. Lunch break kasi.
"Jacob! Pls. stop that." natarayan ko na naman siya.
"Tss. Ang taray mo, meron ka ba?" tinukso na naman ako nito.
"Abnormal ka. Bakit ka kasi nanggugulat diyan."
"Eh bakit ka nagsusungit diyan?" nakakunot na yung noo ni Jacob.
"Wala." ang tipid ko sumagot talaga.
"Sus. Ano nga kasi."
"Jacob, wag ngayon pls."
"Bahala ka, di kita titigilan." at kinurot-kurot pa yung cheeks ko.
"Fine. Pero stop pinching ny cheeks first." sabay irap sa kanya.
"Sungit mo. Porket sosyalera ka lang may pairap irap ka dyan." sabi naman nito na parang nagtatampo. Napatingin ako sa kanya ng masama. Hindi na ako ganun at alam ko yun. Ugggh ano na naman tong iniisip ko. At tumawa si Jacob.
"Sige na kasi magkwento ka na. Makikinig lang ako promise." at tinaas pa nito yung right hand niya. Wala na akong nagawa at nagkwento na ako.
"Uuwi kasi sila Mommy at Daddy. Nalaman kasi nila yung nangyari. Plus pinatawag din sila ng school para sa isang meeting." ayun I said it. Hayyy.
"Ah." matipid niyang sagot. Tumingin lang siya sakin. Nailang naman ako kaya iniwas ko yung tingin ko sa kanya. Feel ko rin na namula ako. Ano ba kasi 'to kung makatingin naman.
"Edi sabihin mo sa kanila yung totoo. Yung parang kung ano yung sinabi mo sa Ate mo."
"Di sila madaling kausap. Lalo na si Daddy." Shit. Naalala ko na naman. Yung gabing nalaman nila yung nangyari sa Ostroff sobrang galit na galit si Daddy. Ughh bat na naman ba naiisip ko yun. I should forget that incident! Nagbabagong buhay na nga ako eh. Ayaw ko ng maalala yung patong-patong na incident na yun.
"Huy. Ang lalim na naman ng iniisip mo diyan." tinapik naman ako ni Jacob at natigil ako sa iniisip ko.
"Wala. I'm just trying to think kung anong sasabihin ko sa kanila."
"Yung totoo." sabay hinawan ni Jacob yung kamay ko. Shocks! Para akong nakuryente! Bakit ganito. Gusto kong tanggalin yung kamay ko pero di ko magawa. Grabe din siya makatingin. Tiningnan ko nalang din siya ng biglang...
BLAAAAG! Nagulat kami ni Jacob ng may humampas sa table namin. Nabitawan niya rin yung kamay ko.
"Aba! Aba! Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Andrew samin pero nakangiti siya.
"Sus Fafa Andrew! Naiinggit ka ba? Here oh! Hold my hand and let's spend our lives together." singit naman ni Jonathan at kumapit sa kamay ni Andrew.
"Hold my hand mo mukha mo. Wag ka ngang kumapit sakin para kang linta!" inis na inis naman si Andrew. Nagtawanan kami at umupo na sila.
"Oops! Anong akala niyo? Makakaligtas na kayo? Hoy Jacob bakit mo hawak-hawak yung kamay ng frenyyyyy ko? Di mo ba alam na bawal ang PDA dito sa school!?" dire-diretsong sabi ni Jonathan.
"Sus if I know nililigawan na ni Jacob si Carrie." sabi naman nila Serena na nakaupo na sa tabi ko.
"Kayo mga malisyoso kayo. Hinawakan lang yung kamay nilagyan niyo na ng kulay." sabi naman ni Jacob at napatingin sakin.
"Weh. Deny pa sige. Kung diyan kayo masaya eh. Hahahaha." sabi na naman ni Andrew.
"Eh ikaw Fafa Andrew, hanggang kailan mo ba idedeny yung nararamdaman mo sakin?" pagpapacute naman ni Jonathan dito.
"Tss. Asa." pagsusungit ni Andrew.
At nagtawanan naman ang buong barkada.
...................................................................
"Look Therese oh, masaya na naman si Ostroff girl." sabi ng kaibigan ni Therese habang nakatingin sa table nila Carrie.
"Tss. Hayaan niyo siya. Magpakasaya lang siya." sabi ni Therese.
"Pero Therese, di naman talaga totoo yung nang---"
"Shut up! Ano ba pag may nakarinig sa inyo!" sigaw ni Therese.
"S-s-sorry." sabi nung babae.
Nakatingin lang si Therese sa table nila Carrie at tinitingnan niya ng masama ito. Wala naman talaga siyag pakeelam kay Carrie. The hell she cares ika nga. Pero ng makita niya yung connection nilang dalawa ni Jacob dun na nag-umpisa lahat. May gusto kasi siya kay Jacob. Bata palang sila. Magkakabata sila at magbestfriends ang mga nanay nito. Lagi silang pinagpapartner sa kahit anong bagay. Mabait si Jacob. Matalino at gentleman. Lahat na! Kaya naman na-develop siya dito. At hindi siya papayag na maagaw si Jacob sa kanya.
"Ano naman kung di totoo, may laban padin ako. Sinaktan niya ako. At hindi ko palalampasin yun." then she smiled sarcastically.
> End of Chapter 11 <
BINABASA MO ANG
Slides of Love
Teen Fiction"I don't want to love again." "I'll start a new life here." "I'll forget everything." Yan ang mga linyang sinasabi ni Carrie sa sarili. Tama nga ba? Yan nga ba talaga ang gusyo niya? Paano kung magmahal siya uli? Teka, matatanggap ba ito ng lalaking...