Its been 3 months since nangyari yung incident between me and Therese. My hell days. Dumating sina Mommy at Daddy. Grabe yung galit ni Daddy. And as usual di siya naniwala sakin.
"Di ka na talaga magbabago Clarrissa!"
"Ano bang gagawin namin sayo para magbago ka na? Aren't you ashamed of what you've done?"
"Sinisira mo talaga ang pangalan natin!"
"Gusto mo bang ipadala ka namin sa States at dun ka nalang para di ka na makagawa ng gulo dito sa Pilipinas?"
Yan yung mga sinabi ni Daddy sakin. Well konti palang yan, I forgot yung iba pa kasi masakit na. I could not blame them. Masyado silang naapektuhan sa nangyari dati. Hayyy. Si Mommy naman di nagsasalita. Ganun naman talaga si Mommy eh, mas masalita pa si Daddy sa kanya. Nakipag-meeting sila sa school board at inayos ang "gulo" na pinasok ko sabi ni Daddy. Wala na akong nagawa, di rin naman sila naniniwala sakin. Ang importante wala akong ginawa at di ko ginawa yun plus naniniwala sakin si Jacob. Woah wait bat nasali yung mokong na yun? Erase erase pls. So ayun, umalis din agad sila Mommy at sinama rin nila si Ate Clara. And ayun ako na naman mag-isa sa bahay. Hayyyy what a life.
------------------------------------------
"So ano? Game kayo?" tanong ni Andrew samin. Nagyayaya kasi itong pumunta sa club. Open party daw yun kaya naman pinipilit niya talaga kami.
"Game kami nila Serena at Kate." sabi ni Lauren.
"Ikaw Harry?"
"Bukas yan diba?" Tanong nito.
"Oo pre. Sige na sama ka na tas hanap tayo ng chicks! ;-)" sabi ni Andrew.
"Susunod ako. May gig kasi ako bukas eh."
"O sige basta pre ah. Kayo Jonathan?"
"OH EHM GEE! You're asking me for a date? Ikaw Fafa Andrew ha! Nakakahalata na ako!" sabay kindat ni Jonathan.
"Abnoy. Kaya nga KAYO eh. Baliw ka na naman."
"Baliw sayo. Hahahahaha. ;-)" sabi nito at humarap sakin. "Ikaw Carrie? For sure sasama ka kasi diba uso parties at clubs sa Ostroff?" tanong niya sakin.
"Hindi ko alam kung sasama ako eh. Hindi kasi ako pwede." ang tipid na sagot ko.
"Ay. Kapag di sasama si Carrie di na ako sasama." sabay pout ni Jonathan.
"Ako din, di ako sasama pag wala ka Carrie." sabay upo ni Jacob sa tabi nito.
"Sus naman pre! Wag ka ngang ganyan. Ano ka boyfriend ni Carrie?" tanong ni Andrew.
"Ulol. Ang dami mong alam." sabi ni Jacob at nagtawanan ang barkada.
"Eh bat di ka sasama pag wala si Carrie?"
"Eh bat ba? Gusto ko ganun eh." sabi ni Jacob at si Andrew napatingin naman sakin.
"Carrie sige na sumama ka na. Domino effect na ito eh. Huhuhu."
Tapos na ang class at kinukulit parin ako ni Andrew, mukhang gusto talaga niya lumabas. Hayyyy ano ba to. Ayaw ko talaga sumama kasi baka may makita akong kakilala. Hayyyy bahala na nga.
"Oo na Andrew. Sasama na po. Wag ka na makulit pls." sabi ko kanya.
"Yes! Sa wakas matutuloy nadin. Oy Jacob narinig mo yan ha! Walang talkshit ha. Hahahaha." masayang masayang sabi ni Andrew. Umuwi narin kami.
------------------------------------------
Pauwi na ako. Nasanay narin ako maglakad. Ibang iba sa buhay ko nung nasa Ostroff ako. At syempre kasabay ko si Jacob. Ewan ko, nasanay na ako na kasama siya. Nakakailang nung una kasi ang daming tumitingin samin. Lalo na si Therese, ang sama niya tumingin. Pero sabi ni Jacob, wag ko nalang daw pansinin. Lagi ko siyang inaasar kay Therese, pero naiinis siya, di ko alam pero masaya ako pag naiinis siya pag inaasar ko siya kay Therese.
BINABASA MO ANG
Slides of Love
Roman pour Adolescents"I don't want to love again." "I'll start a new life here." "I'll forget everything." Yan ang mga linyang sinasabi ni Carrie sa sarili. Tama nga ba? Yan nga ba talaga ang gusyo niya? Paano kung magmahal siya uli? Teka, matatanggap ba ito ng lalaking...